Caracas

Ang Caracas, opisyal na kilala bilang Santiago de León de Caracas, pinaikli bilang CCS, ay ang kabesera at ang pinakamalaking lungsod ng Venezuela, at ang sentro ng Rehiyong Metropolitano ng Caracas (o Kalakhang Caracas).

Matatagpuan ang Caracas sa may Ilog Guaire sa hilagang bahagi ng bansa, na sumusunod sa hulma ng makitid na Lambak Caracas sa Bulubunduking pambaybayin ng Venezuela (Cordillera de la Costa). Ang lambak ay malapit sa Dagat Karibe, hiwalay mula sa baybayin ng matarik na 2,200-metrong kataas (7,200 tal) bulubundukin, Cerro el Ávila; sa timog ay mas marami pang burol at bundok. Ang kalakhang rehiyon ng Caracas ay may tinatayang populasyon ng halos 3 milyon. Ito ang ikapitong pinakamataong metropolitanong lugar sa Latina Amerikana.

Caracas
Capital City
Santiago de León de Caracas
Caracas
Caracas
Caracas
Caracas
Caracas
Caracas
Watawat ng Caracas
Watawat
Eskudo de armas ng Caracas
Eskudo de armas
Mga palayaw: 
La Sultana del Ávila
La Sucursal del Cielo
La Ciudad de la Eterna Primavera
Bansag: 
Muy Noble y Leal Ciudad
Mga koordinado: 10°28′50″N 66°54′13″W / 10.48056°N 66.90361°W / 10.48056; -66.90361
CountryVenezuela
StateCapital District
Founded25 July 1567
NagtatágDiego de Losada
Pamahalaan
 • UriMayor–council
 • KonsehoGovernment of the Capital District
 • Chief of GovernmentDarío Vivas
Lawak
 • Capital City433 km2 (167 milya kuwadrado)
 • Metro
4,715.1 km2 (1,820.5 milya kuwadrado)
Taas
900 m (3,000 tal)
Pinakamataas na pook
1,400 m (4,600 tal)
Pinakamababang pook
870 m (2,850 tal)
Populasyon
 (2017)
 • Capital City1,945,901
 • Kapal4,212.9/km2 (10,911/milya kuwadrado)
 • Metro
2,967,626
 • Densidad sa metro1,123.4/km2 (2,910/milya kuwadrado)
mga demonymCaraquenian (Spanish: caraqueño (m), caraqueña (f))
Sona ng orasUTC-04:00 (VET)
Postal codes
1000–1090, 1209
Area code212
Kodigo ng ISO 3166VE-A
Websaythttp://www.caracas.gob.ve
The area and population figures are the sum of the figures of the five municipalities (listed above) that make up the Distrito Metropolitano.

Tinuturing na tiyak na sentro ng lungsod ang Catedral, na matatagpuan malapit sa Plaza Bolívar de Caracas, kahit na itinuturing din na ang Plaza Venezuela, matatagpuan sa pamayanan ng Los Caobos. Ang pook Cacaíto, Plaza Luis Brión, at ang pamayanan ng El Rosal ay itinuturing din bilang heograpikong kalagitnaan ng Kalakhang Caracas.

Kabilang ang mga kompanyang panserbisyo, bangko, at mga mall sa mga negosyo sa lungsod. Malakihang bahagi ng ekonomiya ng Caracas ang base se serbisyo, maliban sa ilang industriya sa metropolitanong saklaw nito. Ang Pamilihang Sapi ng Caracas at ang Petróleos de Venezuela (PDVSA) ay nakasentro sa Caracas. Ang PDVSA ang pinakamalaking kompanya sa Venezuela. Ang Caracas ay kultural na kabesera rin ng Venezuela, na kakikitaan ng maraming restawran, teatro, museo at mga pamilihan. Ilan sa pinakamataas na skyscraper sa Latina Amerikana ang makikita rito, kasama na ang Parque Central Towers.

Itinuturing na isa sa pinakamahalagang kultural, panturista, pang-industriya, at ekonomikong lunduyan ng Latina Amerikana. Ang Museo ng Kontemporaneong Sining ng Caracas ang isa sa pinakamahalaga sa Timog Amerika. Ang Museo ng Sining at ang Pambansang Galeriya ng Sining ng Caracas ay kilala rin. Ang Pambansang Galeriya ng Sining ay tinitingnan din bilang ang pinakamalaking museo sa Latina Amerikana, ayon sa arkitekto nitong si Carlos Gómez De Llarena.

Ang Caracas ang isa sa pinakamataas na tantos ng pagpatay sa bawat tao, na may 111.19 na kaso ng pagpatay sa kada 100,000 nakatira rito.

Mga sanggunian

Tags:

Dagat KaribeKabeseraVenezuela

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

NegosyoNoto PamilyaBahagi ng pananalitaMagat SalamatRelihiyon sa PilipinasSagisag ng Republika ng PilipinasBurol (seremonya)Liwasang RizalFrancisco DagohoyBalbalDuhatIkalawang Digmaang PandaigdigKarapatang sibil at pampolitikaMuslimSakit sa pag-iisipJose W. DioknoSenado ng PilipinasCalamba, LagunaEdukasyon sa Pilipinas noong panahon ng mga KastilaKatapatanBarkoParagisMIMAROPAPigsaVladimir LeninHadhadTiniklingDemokrasyaTimog KoreaPaaralanDamdaminParisukatCariñosaMartsa ng Kamatayan sa BataanSalapiKagawaran ng Paggawa at EmpleoIlogSimbang GabiPanaboBastosBulaklak ng MayoDigmaang MalamigVicente FerrerVietnamKagawaran ng EdukasyonRelihiyonHagdan-hagdang Palayan ng BanaweAltapresyonPandanggoMuhammadHumanismoHeneral SantosGomburzaBalisawsawBenigno Aquino IIIJosephine BrackenBabaeTamod (paglilinaw)Mel TiangcoKarapatanLilaEkonomiya ng PilipinasBata, Bata...Pa'no Ka Ginawa?ManugangKalayaang sibilMapaKongreso ng PilipinasMitolohiyang PilipinoKalakalanSus scrofaPangatnigHabagatCOVID-19Sakit sa ibaba ng likodEutanasyaSeverino ReyesProklamasyon Blg. 1081🡆 More