Ringo Starr

Si Ringo Starr (ipinanganak bilang Richard Starkey noong 7 Hulyo 1940) ay isang Ingles na mang-aawit, musikero, aktor at mananambol na naging kilala bilang kasapi ng bandang The Beatles.

Sumapi siya sa pangkat noong 1962 bilang kapalit ng orihinal na mananambol ng banda na si Pete Best. Kaagad siyang naging kagustu-gusto at napakatanyag. Naging pangunahin siyang mang-aawit para sa ilang mga awitin ng grupo na kinabibilangan ng "Yellow Submarine", "Act Naturally", "Don't Pass Me By", at "Octopus's Garden".

Ringo Starr
Si Ringo Starr noong 2007.

Nang magwatak-watak ang pangkat, naging isa siyang artistang nagsosolo; kabilang sa kaniyang mga kanta ang "It Don't Come Easy", "Photograph" (isinulat na kasama si George Harrison), "You're Sixteen" (tinatampok sina Paul McCartney at Harry Nilsson), at "Only You (And You Alone)" (kapiling si John Lennon at sa muli ay kasama din si Nilsson).

Umarte si Starr sa ilang mga pelikula, na bukod pa sa mga pelikulang nilitawan niya na kasama ang The Beatles, na kasama ang The Magic Christian (1969), That'll Be The Day (1973), Caveman (1980), at ang gampanin niya bilang Mr. Conductor sa palabas na pambatang Shining Time Station, noong una nitong panahon ng pagpapalabas (1989). (Naging kapalit ni Starr bilang Mr. Conductor ang komedyanteng si George Carlin sa pagdaka). Nagsalaysay din siya sa palabas na pambatang Thomas the Tank Engine and Friends sa loob ng unang dalawang panahon ng mga pagpapalabas (1984). Gumawa rin siya ng pelikula na kasama ang The Beatles na tinawag na A Hard Day's Night noong 1964.

TalambuhayMusikaInglatera Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Musika at Inglatera ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wiki sa pagpapalawig nito.

Tags:

1962InglateraMananambolPete BestThe Beatles

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Jacinto ZamoraSaligang Batas ng PilipinasBabaePangungusapBekeBulkang MayonManggaDinastiyang QingGintoSimbang GabiRobin PadillaPalawanLuwalhati sa AmaDi-kathang isipKatotohananPaghahalamanKalakhang MaynilaMelchora AquinoKolonyalismoCebuOryentasyong seksuwalPanitikanKatipunanBudismoMoralidadMao ZedongSara DuterteLalaking nakikipagtalik sa kapwa lalakiPanunuholListahan ng mga aktibong bulkan sa PilipinasKapataganAng Pagong at ang MatsingDaunganTalaan ng mga pulo ng PilipinasPoncio PilatoPamahalaan ng PilipinasSeverino ReyesTsinaSitawWikang FilipinoMga Ibong MandaragitSedulaImpiyernoSakit na bipolarIntramurosBangko Sentral ng PilipinasMga rehiyon ng PilipinasKaranasanPanahon (paglilinaw)Nur MisuariButuanReporma sa lupaTawag ng TanghalanBawal na gamotSagingKalayaan ng mga mamamahayagAghamEl filibusterismoTukoHeneral SantosBudhiKathang-isipLuzonTala ng mga bansa ayon sa sistema ng pamahalaanGarapataImplasyon (presyo)Unyong EuropeoPandemya ng COVID-19 sa PilipinasKasuotanHinuhaAraw (astronomiya)Pamamaga ng mataListahan ng mga lutuing PilipinoUpuanKomisyon sa Wikang FilipinoSimboloGavrilo Princip🡆 More