Pambansang Alagad Ng Sining Ng Pilipinas

Ang Pambansang Alagad ng Sining ay isang titulo na ibinibigay sa mga Pilipino na nakamit ng pinakamataas na pagpapakilala dahil sa makabuluhang pag-ambag sa kaunlaran ng mga sining Pilipino: Musika, Sayaw, Teatro, Moda at Arkitektura, at Sining Pangkapanalig.

Pambansang Alagad Ng Sining Ng Pilipinas
Sagisag ng Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas

Sila ay inihayag, mula sa kabutihang-loob ng Proklamasyong Pampanguluhan, bilang Pambansang Alagad ng Sining. Pagkatapos, pinagkalooban sila ng Orden ng Pambansang Alagad ng Sining sa pamamagitan ng regalyang kulyar na ginto ng karangalan na binubuo ng mga maraming palamuti. Bukod pa sa kulyar, binigyan ang bawat bagong naproklama ng papuri bilang handog sa seremonya ng parangal. Ang Sentrong Pangkultura ng Pilipinas ay nagpupunong-abala naman sa isang Gabi ng Parangal para sa mga Pambansang Alagad ng Sining sa Tanghalang Pambansa.

Ang Parangal ng Pambansang Alagad ng Sining ay pinamunuan ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (CCP) mula sa kabutihang-loob ng Proklamasyong Pampanguluhan Blg. 1001 noong Abril 2, 1972 at ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA).

Ang Pamahalaan ng Republika ng Pilipinas ay ang nagkakaloob ng gawad sa mga karapat-dapat na indibidwal na inirekomenda ng CCP at NCCA. Ang unang gawad ay ibinigay kay Fernando Amorsolo, isang Pilipinong pintor pagkatapos ng kanyang kamatayan.

Mga pamantayan

Ang mga nominasyon ukol sa Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas ay nababatay sa malawakang pamantayan na binalangkas ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas at Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining:

  1. Mga nabubuhay na artista na naging mamamayang Pilipino sa huling sampung taon na nauna sa nominasyon gayundin sa mga namatay pagkatapos ng pagkatatag ng gawad noong 1972 nguni't sila'y mga mamamayang Pilipino sa panahon ng kanyang kamatayan;
  2. Mga artista na nakapagtulong sa pagbubuo ng damdaming Pilipino ng pagkabansa sa pamamagitan ng kahulugan at anyo ng kanilang mga likha:
  3. Mga artista na nakakilala sa sarili sa pamamagitan ng pangunguna sa isang paraan ng malikhaing pagpapahiwatig o istilo, gumagawa ng kakintalan sa mga sumusunod na salinlahi ng mga artista;
  4. Mga artista na nakapaglikha ng makahulugang katawan ng likha at/o nakapagtanghal nang napapanatili ng kahusayan sa pagsasanay ng kanilang anyo ng sining, pagpapayaman ng makasining pagpapahiwatig o istilo; at
  5. Mga artista na nakikinabang sa malawakang pagtanggap sa pamamagitan ng maprestihiyong pambansa at/o sabansaang pagkakilala, mapanuring paghanga at/o pagsusuri ng kanilang mga likha, mga gawad sa mga maprestihiyong kaganapang pambansa at/o sabansaan.

Ang mga nominasyon ay ipapasa sa Sekretarya ng Pambansang Alagad ng Sining na nilikha ng Lupon ng Gawad sa Pambansang Alagad ng Sining; ang mga dalubhasa mula sa mga iba't ibang larangan ng sining ay uupo sa Unang Deliberasyon upang ihanda ang maikling tala ng mga nominado. Ang Pangalawang Deliberasyon, kung saan nagpupulong nang magkasama ang mga Komisyonado ng NCCA at Lupon ng mga Katiwala ng CCP, na nagpapasya sa mga pinakahuling narekomenda. Ang tala ay ihaharap sa Pangulo ng Pilipinas, na, sa pamamagitan ng Kautusang Pampanguluhan, nagpapahayag ng mga pinakahuling nominado bilang kasapi ng Orden ng mga Pambansang Alagad ng Sining.

Ang mga Pambansang Alagad ng Sining

Pambansang Alagad ng Sining Larangan Taon Nagproklamang Pangulo
Pablo S. Antonio Arkitektura 1976 Ferdinand Marcos
Leandro V. Locsin Arkitektura 1990 Corazon Aquino
Juan F. Nakpil Arkitektura 1973 Ferdinand Marcos
Ildefonso P. Santos Arkitektura (Arkitekturang Tanawin) 2006 Gloria Macapagal Arroyo
Jose Maria V. Zaragoza Arkitektura 2014 Benigno Aquino III
Francisco T. Mañosa Arkitektura 2018 Rodrigo Duterte
Ramon Valera Moda 2006 Gloria Macapagal Arroyo
Salvacion Lim-Higgins Moda 2022 Rodrigo Duterte
Antonino R. Buenaventura Musika 1988 Corazon Aquino
Jose Maceda Musika 1997 Fidel V. Ramos
Lucrecia R. Kasilag Musika 1989 Corazon Aquino
Ernani J. Cuenco Musika 1999 Joseph Estrada
Lucio D. San Pedro Musika 1991 Corazon Aquino
Antonio J. Molina Musika 1973 Ferdinand Marcos
Francisco Feliciano Musika 2014 Benigno Aquino III
Levi Celerio Musika at Panitikan 1997 Fidel V. Ramos
Ramon P. Santos Musika 2014 Benigno Aquino III
Jovita Fuentes Musika 1976 Ferdinand Marcos
Felipe Padilla De Leon Musika 1997 Fidel V. Ramos
Andrea O. Veneracion Musika 1999 Joseph Estrada
Honorata “Atang” dela Rama Musika at Teatro 1987 Corazon Aquino
Ryan Cayabyab Musika 2018 Rodrigo Duterte
Fides Cuyugan-Asensio Musika 2022 Rodrigo Duterte
Francisco Arcellana Panitikan 1990 Corazon Aquino
Edith L. Tiempo Panitikan 1999 Joseph Estrada
Bienvenido Lumbera Panitikan 2006 Gloria Macapagal Arroyo
N.V.M. Gonzalez Panitikan 1997 Fidel V. Ramos
Virgilio S. Almario Panitikan 2003 Gloria Macapagal Arroyo
Cirilo F. Bautista Panitikan 2014 Benigno Aquino III
Nick Joaquin Panitikan 1976 Ferdinand Marcos
Amado V. Hernandez Panitikan 1973 Ferdinand Marcos
Lazaro Francisco Panitikan 2009 Gloria Macapagal Arroyo
F. Sionil Jose Panitikan 2001 Gloria Macapagal Arroyo
Carlos P. Romulo Panitikan 1982 Ferdinand Marcos
Jose Garcia Villa Panitikan 1973 Ferdinand Marcos
Alejandro R. Roces Panitikan 2003 Gloria Macapagal Arroyo
Resil Mojares Panitikan 2018 Rodrigo Duterte
Ramon Muzones Panitikan 2018 Rodrigo Duterte
Gemino Abad Panitikan 2022 Rodrigo Duterte
Carlos Quirino Panitikang Pangkasaysayan 1997 Fidel V. Ramos
Lino Brocka Pelikula 1997 Fidel V. Ramos
Ishmael Bernal Pelikula 2001 Gloria Macapagal Arroyo
Manuel Conde Pelikula 2009 Gloria Macapagal Arroyo
Gerardo de León Pelikula 1982 Ferdinand Marcos
Fernando Poe, Jr. Pelikula 2006 Gloria Macapagal Arroyo (2006), Benigno Aquino III (2012)
Eddie S. Romero Pelikula 2003 Gloria Macapagal Arroyo
Eric "Kidlat Tahimik" de Guia Pelikula 2018 Rodrigo Duterte
Marilou Diaz-Abaya Pelikula 2022 Rodrigo Duterte
Nora Aunor Pelikula 2022 Rodrigo Duterte
Ricky Lee Pelikula 2022 Rodrigo Duterte
Francisca Reyes-Aquino Sayaw 1973 Ferdinand Marcos
Ramon Obusan Sayaw 2006 Gloria Macapagal Arroyo
Alice Reyes Sayaw 2014 Benigno Aquino III
Leonor Orosa-Goquingco Sayaw 1976 Ferdinand Marcos
Lucrecia Reyes-Urtula Sayaw 1988 Corazon Aquino
Agnes D. Locsin Sayaw 2022 Rodrigo Duterte
Fernando Amorsolo Sining Biswal (Pagpipinta) 1972 Ferdinand Marcos
Hernando R. Ocampo Sining Biswal (Pagpipinta) 1991 Corazon Aquino
Benedicto "BenCab" R. Cabrera Sining Biswal (Pagpipinta) 2006 Gloria Macapagal Arroyo
Carlos "Botong" V. Francisco Sining Biswal (Pagpipinta) 1973 Ferdinand Marcos
Cesar Legaspi Sining Biswal (Pagpipinta) 1990 Corazon Aquino
Abdulmari Asia Imao Sining Biswal (Iskultura) 2006 Gloria Macapagal Arroyo
Guillermo Tolentino Sining Biswal (Iskultura) 1973 Ferdinand Marcos
Arturo R. Luz Sining Biswal (Pagpipinta) 1997 Fidel V. Ramos
Federico Aguilar Alcuaz Sining Biswal (Pagpipinta) 2009 Gloria Macapagal Arroyo
Napoleon Abueva Sining Biswal (Iskultura) 1976 Ferdinand Marcos
J. Elizalde Navarro Sining Biswal (Pagpipinta) 1999 Joseph Estrada
Francisco V. Coching Sining Biswal (Komiks) 2014 Benigno Aquino III
Victorio C. Edades Sining Biswal (Pagpipinta) 1976 Ferdinand Marcos
Ang Kiukok Sining Biswal (Pagpipinta) 2001 Gloria Macapagal Arroyo
Jose T. Joya Sining Biswal (Pagpipinta) 2003 Gloria Macapagal Arroyo
Vicente S. Manansala Sining Biswal (Pagpipinta) 1981 Ferdinand Marcos
Larry Alcala Sining Biswal (Kartoons) 2018 Rodrigo Duterte
Daisy Hontiveros-Avellana Teatro (Sining Pandulaan) 1999 Joseph Estrada
Rolando S. Tinio Teatro at Panitikan 1997 Fidel V. Ramos
Wilfrido Ma. Guerrero Teatro 1997 Fidel V. Ramos
Severino Montano Teatro 2001 Gloria Macapagal Arroyo
Lamberto V. Avellana Teatro at Pelikula 1976 Ferdinand Marcos
Amelia Lapeña-Bonifacio Teatro 2018 Rodrigo Duterte
Tony Mabesa Teatro 2022 Rodrigo Duterte
Salvador F. Bernal Teatro at Disenyong Pang-Teatro 2003 Gloria Macapagal Arroyo

Sanggunian

Tingnan din

Mga panlabas na kawing

Tags:

Pambansang Alagad Ng Sining Ng Pilipinas Mga pamantayanPambansang Alagad Ng Sining Ng Pilipinas Ang mga Pambansang Alagad ng SiningPambansang Alagad Ng Sining Ng Pilipinas SanggunianPambansang Alagad Ng Sining Ng Pilipinas Tingnan dinPambansang Alagad Ng Sining Ng Pilipinas Mga panlabas na kawingPambansang Alagad Ng Sining Ng PilipinasArkitekturaMga PilipinoModaMusikaSayawTeatro

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

AghamPanatang MakabayanPatutotAmpalayaAraw ng KagitinganIlocosSaligang Batas ng Pilipinas ng 1973SigarilyoLuwadDengueImplikasyonWikang KastilaIndustriyalisasyonEksomunyonFrancisca Reyes-AquinoJosé BurgosEkonomikaBukoGitnang LuzonTawag ng TanghalanDiego SilangJose P. LaurelBayawakIpisKalusuganHatirang pangmadlaSistemang SolarLope K. SantosKristiyanismoPag-aaklas sa Kabite ng 1872Sumasampalataya AkoAbogadoAlmuranasParokya ni EdgarTanauanWikang KapampanganAlamat ng pinyaPinoy Big BrotherEstadistikaKarl MarxApolinario MabiniSistemang pampolitikaMonopolyoCaloocanBulacanIrogMarxismoOrganisasyonPangako Sa 'YoJackie GonzagaPananakit ng bayagPanitikanTatsulokKalihim-Panlahat ng Mga Bansang NagkakaisaHermano PulePananakop ng mga Hapones sa PilipinasBatas militar sa ilalim ni Ferdinand MarcosRodriguezPananakop ng mga Ingles sa MaynilaWalisDigmaang MalamigBuwisMiyerkulesProklamasyon Blg. 1081Magna CartaDulaYouTubePaglilingkod sa pamayananBiag ni Lam-angPilibusteroOrasanJose Maria SisonPamayananApendisitisTalatuntunan ng Kaunlarang PantaoMaynila, sa mga Kuko ng LiwanagDigmaang Sibil ng EspanyaBicolPagpapahalaga sa sarili🡆 More