Pagpanaw At Parangal Kay Corazon Aquino

Pumanaw ang dating Pangulo ng Pilipinas na si Corazon Aquino noong 1 Agosto 2009 sa edad na 76.

Nilibing siya noong 5 Agosto 2009. Tinuturing siyang Bayani ng sa ika-5 ng Agosto. Siya itinuturing na Bayani ng Rebolusyong EDSA ng 1986 na nagbalik sa malayang pamamahala sa Pilipinas. Bagamat nagsimula sa buhay politika bilang isang "karaniwang maybahay", kinikilala na siya ngayon bilang isang Simbolo ng Demokrasya sa buong Daigdig. Siya ang biyuda ng martir na si dating Senador Benigno Aquino. Inulan siya ng parangal sa pamamagitan ng mga dilaw na laso at konpeti bilang pagkilala sa kanyang dakilang kabayanihan.

Pagpanaw At Parangal Kay Corazon Aquino
Ang pusisyon ng libing ni Corazon Aquino
Pagpanaw At Parangal Kay Corazon Aquino
Ang dating Pangulo ng Pilipinas na si Corazon "Cory" Aquino.

Sakit

Noong 24 Marso 2008, inanunsiyo ng pamilyang Aquino na may sakit na kanser sa kolon ang dating Pangulong si Corazon Aquino. Binigyan siya ng kimoterapya nang malamang may hanggang tatlong buwan na lamang siya mabubuhay. Sa mga pampublikong pahayag, noong 13 Mayo 2008, kanyang sinabi na maganda ang resulta ng pagpapaggamot matapos siya suriin ang dugong kinuha sa kanya Bagamat nakakaranas ng matinding karamdaman, nanatiling aktibo sa publiko si Gng. Aquino, at patuloy siyang sumasama sa mga misa hanggang maospital noong mga huling araw ng Hunyo 2009.

Mga huling araw

Ipinahayag noong Hulyo 2009 na malubha na ang kundisyon ng dating Pangulo kaya't isinugod na siya sa Makati Medical Center hinggil sa kawalan ng ganang kumain. Dahil sa kalubhaan ng kanyang kundisyon, nagpasya ang pamilyang Aquino na itigil na lamang ang lahat ng gawaing medikal pati na ang kimoterapya.

Pagkamatay

Pagpanaw At Parangal Kay Corazon Aquino 
Wikinews
May kaugnay na balita ang Wikinews tungkol sa artikulong ito:

Namatay si Gng. Aquino sa sanhing cardiopulmonary arrest matapos ang maraming kumplikasyon buhat ng sakit niya sa kolon, sa edad na 76 noong 1 Agosto 2009, 3:18 ng madaling araw, doon sa Makati Medical Center.

"Our mother peacefully passed away at 3:18 a.m. (19:18 GMT Friday) of cardio-respiratory arrest (Namatay ng mapayapa ang aming ina noong ika-3:18 ng madaling araw sa sanhing paghuling kardyorespiratoryo)," sabi ng kanyang panganay na anak na lalaking si Senador Benigno Aquino III nang kausap ang mga mamahayag sa Kalakhang Maynila.

Mga paunang reaksiyon

Lokal

Nagsimula ng mga misa sa patay ang lahat ng mga parokyang Katoliko matapos ang pagkamatay ni Aquino, na dapat sana'y mga misa para sa pagpapagaling ng may sakit. Nagtakda naman ng sampung araw na paglulksa ang pamahalaan Sinabi ng dating Pangulong Joseph Estrada na nawalan ng "ina" at "boses ng liwanag ang mga Pilipino", habang itinuring niyang si Aquino bliang "Philippines' most loved woman (Ang pinakaminamahal na babae ng Pilipinas)", Bagamat sinuportahan ng namayapang pangulo ang ang papatalsik sa kanya. Nagbigay pugay ang Senado ng Pilipinas sa pamamagitan ng Pangulo ng Senado na si Juan Ponce Enrile. Ang lider ng Minorya na si Aquilino Pimentel, Jr., ay nagsabi sa halong lunkgot-at-saya na "We shall be forever indebted to Cory for rallying the nation behind the campaign to topple dictatorial rule and restore democracy' (Habang-panahon tayo magkakautang kay Cory dahil sa pagkakaisang idinulot niya sa bayan para mapatalsik ang diktatoryal na rehimen at sa pagbalik niya sa demokrasya)."

Internasyunal

Sa isang telegrama kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, sinabi ng Pangulo ng Rusya na si Dmitry Medvedev na, “The name of Corazon Aquino is associated with a period of profound reforms and the democratic transformation of Filipino society (Ang pangalan ni Corazon Aquino ay maihahabilin sa panahon ng kakaibang reporma at demokratikong pagbabago ng mamayanang Pilipino).” Sinabi rin niya na ang simpatya at interes na ibinahagi ni Aquino sa bansang Rusya ang nagpalakas sa relasyong Ruso-Pilipino. Maliban sa nabanggit na bansa, nagbigay rin ng mensahe ang iba pang mga nasyon tulad ng Estados Unidos, kung saan ang Kalihim ng Estado na si Hillary Clinton ay nagpahayag na si Aquino ay "admired by the world for her extraordinary courage (pinararangalan ng buong daigdigdahil sa di-mapantayan nitong katapangan)". Sinabi rin ng Kalihim ng Pahayagan ng Puting Bahay (White House) na si Robert Gibbs na "Her courage, determination, and moral leadership are an inspiration to us all and exemplify the best in the Filipino nation (Ang kanyang katapangan, determinasyon, at marangal na pamumuno ay isang inspirasyon sa ating lahat na ipinagmamalaki ang kagalingan ng Bansang Pilipino)." Nagbigay rin ng mga mensahe ang mga ambahador tulad ng sa Tsile Pinarangalan din ni Papa Benito XVI ang kanyang "courageous commitment to the freedom of the Filipino people, her firm rejection of violence and intolerance (matapang na pagtataguyod ng kalayaan ng mamayanag Pilipino at ang kanyang pagtanggi sa karahasan at di-pag-uunawaan)," ayon sa Arsobispo ng Maynila na si Gaudencio Kardinal Rosales. Sinabi ng Pangulo ng Timog Aprika na si Jacob Zuma na siya ay "a great leader who set a shining example of peaceful transition to democracy in her country (isang magaling na pinuno na naging isang liwanag sa mapayapang transisyon patungo sa demokrasyang kanyang bayan)."

Lamay

Pagpanaw At Parangal Kay Corazon Aquino 
Pila ng mga taong nais masulyapan ang sa Katedral ng Maynila sa harapan ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

Ang katawan ng dating Pangulong Aquino ay unang inihimlay sa Himnasyo ni San Benilde ng La Salle Greenhills sa Mandaluyong hanggang sa 3 Agosto 2009 kung kailan ito inilipat sa Katedral ng Maynila. Isa sa mga unang nakiramay ay si Wan Azizah Wan Ismail, ang asawa ng lider ng oposisyon ng Malaysia na si Anwar Ibrahim, na dumating pa sa Maynila noong Linggo at naghalintulad sa napayapang Pangulo kay Jose Rizal.

Dinaluhan ng iba't ibang personalidad sa politika at as showbis ang lamay ng dating Pangulo. Nakiramay rin ang iba't ibang ordinaryong tao gaya ng mga mag-aaral, mga madre, mga mayayaman at mahihirap, mga empleyado ng mga opisina, at mga bata at matatanda. Dumalo rin sa pagluluksang ito ang mga dating Pangulo gaya ni Fidel V. Ramos at Joseph Estrada. Nagpaabot din ng pakikiramay and Pamilya Marcos sa pamamagitan ng pagdalo nina Bongbong at Imee Marcos sa burol.

Prosesyon

Matapos ilamay sa La Salle Greenhills, idinaan ang katawan ni Aquino sa daanang EDSA, kung saan ginanap ang unang Rebolusyong ng EDSA. Inihambing ang pangyayari sa libing ni Ninoy lalo na noong napadpad na ng mga labi ang kahabaan ng daanang Ayala kung saan inawit ang nasyunalistang kantang "Bayan Ko". Maraming personalidad, pati na higit sa dalawampu't limang libong ordinaryong tao ang dumalo sa parada. Maliban sa mga nabanggit, dumaan din ang katawan ng dating Pangulo Simbahan ng EDSA, sa Luneta, at sa iba pang makasaysayang lugar sa Kalakhang Maynila. Sinalubong ang mga labi sa Katedral ng Maynila ng higit sa dalawumpung libong katao. Inaasahang higit sa isang daang libong tao ang dumagsa sa prosesyon.

Libing

Nilibing si Aquino sa Manila Memorial Park sa Parañaque ng 5 Agosto 2009, na idineklara ng Pangulong Arroyo na isang piyesta opisyal. Bagamat isang Pangulo, Hindi siya makakatanggap ng isang "Opisyal na Libing" dahil na rin sa pagtanggi niya at ng kanyang Pamilya. Ang Pangulo ng Silangang Timor na si Jose Ramos Horta ay inaasahang darating sa libing ni Aquino.

Mga sumunod na pangyayari

Bumuhos sa ang suporta ng mga kapwa niyang Pilipino sa Internet at napuno ang mga blog, forum, pati na ang YouTube, Twitter, at Facebook. Itinuring din siya bilang isang Simbolo ng Demokrasya ng iba't ibang pahayagan at estasyon ng telebisyon kabilang na ang TV5, AksyonTV, UNTV-37, GMA Network, ABS-CBN, Philippine Daily Inquirer, Philippine Star, BBC, CNN, Los Angeles Times, Al Jazeera, at Xinhua. Itinakda din ng kasalukuyang Pangulo na isang "piyesta opisyal" ang araw ng kanyang libing habang nakabinbin sa Kongreso ang isang batas na nagsasaad na isang "Pambansang Pista" ang kanyang kaarawan ng Enero 25.

Mga sanggunian

Tags:

Pagpanaw At Parangal Kay Corazon Aquino SakitPagpanaw At Parangal Kay Corazon Aquino PagkamatayPagpanaw At Parangal Kay Corazon Aquino Mga paunang reaksiyonPagpanaw At Parangal Kay Corazon Aquino LamayPagpanaw At Parangal Kay Corazon Aquino LibingPagpanaw At Parangal Kay Corazon Aquino Mga sumunod na pangyayariPagpanaw At Parangal Kay Corazon Aquino Mga sanggunianPagpanaw At Parangal Kay Corazon AquinoBayaniBenigno AquinoCorazon AquinoDaigdigDemokrasyaDilawPangulo ng PilipinasPilipinasRebolusyong EDSA ng 1986

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Jawaharlal NehruPagpagSa Aking Mga KabataTimog Aprika sa ilalim ng apartheidIlustradoKasoyPandemya ng COVID-19 sa PilipinasCalamba, LagunaHudaismoPabulaBayuganWatawat ng PilipinasFidel V. RamosPambansang Pulisya ng PilipinasPangungusapPiyudalismoPamilyaTeknolohiyang pang-impormasyonBadmintonWikang BatangenyoPamahalaan ng PilipinasMadre TeresaDaigdigUnyong SobyetikoPista opisyal sa PilipinasPariralaBukalTatlong pangkat ng sinaunang mga tao sa PilipinasEpikoPang-abayHuseng BatuteInternetJean-Jacques RousseauKorupsiyon sa PilipinasImelda MarcosLa Liga FilipinaCamarines SurLungsod ng ZamboangaEstadoDigmaang Ruso-UkranyoBiñanKooperatibaMga rehiyon ng PilipinasKatinigGautama BuddhaAghamPananampalatayaMga sayaw sa PilipinasBagyoSawikainTimog-silangang AsyaFerdinand MarcosKatotohananImbestigasyon sa pinagmulan ng COVID-19Relihiyon sa PilipinasBatas militarPakikipanayamDepresyonLope K. SantosAraling pantaoApolinario MabiniSimbolismo (sining)Ekonomiya ng PilipinasPilosopiyaGomburzaMga lindol sa Turkiya–Siria ng 2023TalataanPagsusulatAprikaLipunanKomisyon sa Wikang FilipinoEkonomiyaPangalanMoro-moroAli Baba at ang Apatnapung MagnanakawSagisag ng Republika ng PilipinasWikipediang KatalanKampanya laban sa iligal na droga sa Pilipinas🡆 More