Si Louis IX (25 Abril 1214 – 25 Agosto 1270), karaniwang tinatawag na Saint Louis o San Luis, ay isang Hari ng Pransiya mula 1226 hanggang kaniyang kamatayan noong 1270.
Siya rin ang Konde ng Artois (bilang Louis II) mula 1226 hanggang 1237. Isinilang sa Poissy, malapit sa Paris, kasapi siya ng Kabahayan ng Capet at anak na lalaki ni Haring Louis VIII at Blanche ng Castile. Siya lamang ang nag-iisang kanonisadong Hari ng Pransiya at dahil dito maraming mga pook na ipinangalan para sa kaniya, natatangi na ang St. Louis, Missouri sa Estados Unidos. Siya ang nagtatag ng Parlement ng Paris (Parlamento ng Paris).
San Luis IX | |
---|---|
Hari ng Pransiya (marami pa...) | |
Paghahari | 8 Nobyembre 1226 – 25 Agosto 1270 |
Koronasyon | 29 Nobyembre 1226, Reims |
Buong pangalan | Kilala bilang Saint Louis (San Luis) |
Mga pamagat | Konde ng Artois (1226–37) |
Pinaglibingan | Basilikang Saint Denis |
Sinundan | Louis VIII |
Kahalili | Philip III |
Konsorte | Marguerite ng Provence (1221–95) |
Supling | Isabelle, Reyna ng Navarre (1241–71) Philip III (1245-85) Jean Tristan, Konde ng Valois (1250–70) Pierre, Konde ng Perche at Alençon (1251–84) Blanche, Korononang Prinsesa ng Castille (1253–1323) Marguerite, Dukesa ng Brabant (1254–71) Robert, Konde ng Clermont (1256–1317) Agnes, Dukesa ng Borgonya (1260–1327) |
Bahay Maharlika | Kabahayan ng Capet |
Ama | Louis VIII ng Pransiya |
Ina | Blanche ng Castile |
Bilang anak ni Haring Louis VIII, siya ang pumalit sa luklukan ng kaharian noong 1226, kapiling ang kaniyang inang si Blanche ng Castile bilang rehiyente noong kaniyang kabataan. Hinigpitan niya ang kapangyarihan o kontrol sa mga sistemang piyudal, pagbubuwis at mga panuntunan sa korte. Ipinatatag niya ang Sainte-Chapelle sa Paris, ginawa mula 1245 hanggang 1248 para idambana ang Korona ng mga Tinik (nasa isang relikwaryo sa Katredal ng Notre-Dame, sa Paris sa kasalukuyan) na nakamit mula kay Emperador Baldwin ng Constantinople. Bilang krusadero sa Ehipto at Syria mula 1248 hanggang 1254, namatay siya dahil sa epidemya ng plaga (plague) sa Tunis, Hilagang Aprika. Dumaan siya sa proseso ng kanonisasyon noong 1297.
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Louis IX ng Pransiya, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.