Ang aprikadong katinig (Ingles: affricate consonant) ay isang paraan ng artikulasyon ng tunog (manner of articulation).
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng mas marami pang mga kawing sa iba pang mga lathalain upang matugunan ang mga pamantayan pangkalidad ng Wikipedia. (Setyembre 2011) |
Ang mga afrikeyt ay kadalasang nagsisimula bilang plosibo o pigil at natatapos na frikatib o maalingasngas. Ibig sabihin para malikha ang mga tunog na ito ay kailangang magsimula muna sa tuluyang pagharang ng hangin gamit ang alinmang bahagi ng bibig, at pagkatapos ay unti unting pagbukas nito upang makalikha ng maliit na siwang kung saan mabubuga ang hangin upang makalikha ng ma-ugong na tunog.
Masasabing walang taal na salita sa wikang Tagalog na may afrikeyt. Ngunit sa ilang wika sa Kordilyera ay may tunog na /tʃ/.
Ang tunog na /tʃ/ ay nalilikha sa pamamagitan ng paglapat ng dulo ng dila sa unahang bahagi ng bubong ng bibig, pagkatapos ng ngipin (alveola) at unti-unting paglikha ng siwang dito upang makadaloy ang hangin at lumikha ng isang maugong na tunog.
Ang ilan pang halimbawa ng afrikeyt ay ang tunog na /dʒ/ sa wikang Ingles.
Hal. gem “hiyas” /dʒEm/
Mayroon ding tunog na /ʨ/ and /ʥ/ sa wikang Mandarin.
Hal. 周 “chou” /ʨo/ at 粥 “zhou” /ʥo/
Sa kasalukuyan, dahil sa impluwensiya ng mga wikang may afrikeyt, partikular ang wikang Ingles at Espanyol, ang ilang mga salitang Filipino na may sequence na: /d/ o /t/ + /i/ + semivowel na /j/, na kadalasang nililimbag bilang diy- o tiy- (hal. diyan “there”, tiyan “tummy”) ay binibigkas na may afrikeyt.
i.e. diyan /dijan/ --> /dʒan/ at tiyan /tijan/ --> /tʃan/
Ang tawag sa penomenon na ito ng pagpapalit patungong afrikeyt ay affrication. Ang tawag naman sa kabaligtarang penomenon kung saan ang afrikeyt na tunog ay nasisingitan ng patinig ay deaprikasyon.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wiki sa pagpapalawig nito.
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Katinig na aprikado, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.