Ang Castel del Monte (Italyano para sa Kastilyo ng Bundok; Barese: Ang Castídde d'u Monte) ay isang ika-13 siglong kuta at kastilyong matatagpuan sa isang burol sa Andria sa rehiyon ng Apulia sa timog-silangan ng Italya .
Ito ay itinayo noong 1240s ng Emperador Federico II, na minana ang mga lupain mula sa kanyang ina na si Constanza ng Sicilia. Noong ika-18 siglo, ang mga lamang marmol ng kastilyo at natitirang kagamitan ay tinanggal. Wala itong alinman sa kanal o isang puente lebadiso at ang ilan ay itinuturing na hindi ito inilaan bilang isang nagtatanggol na kuta; gayumpaman, iminungkahi ng arkeolohikal na gawain na orihinal na mayroon itong kortina. Inilarawan ito ng Enciclopedia Italiana bilang "ang pinaka-kamangha-manghang kastilyo na itinayo ni Federico II", ang site ay protektado bilang isang Pandaigdigang Pamanang Pook. Lumilitaw din ito sa Italyanong bersiyon ng isang sentimo barya na Euro.
Castel del Monte | |
---|---|
Andria | |
Mga koordinado | 41°05′05″N 16°16′15″E / 41.0847535°N 16.2709346°E |
Site history | |
Itinayo | 1240–1250 |
Opisyal na pangalan | Castel del Monte |
Uri | Cultural |
Pamantayan | i, ii, iii |
Itinutukoy | 1996 (20th session) |
Takdang bilang | 398rev |
State Party | Italy |
Region | Southern Europe |
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Castel del Monte, Apulia, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.