Ang Béjaïa (Kabyle: Bgayet, ⴱⴳⴰⵢⴻⵜ), dating Bougie at Bugia, ay isang Mediteraneong daungang lungsod sa Golpo ng Béjaïa sa Algeria.
Ito ay kabisera ng Lalawigan ng Béjaïa. Ito ang pinakamalaking lungsod na pangkaramiha'y nagsasalita ng Wikang Kabil sa rehiyong Kabil ng Algeria. Karamihan sa mga nakatira rito ay mga Berber. Ang populasyon nito ay 177,988 katao, ayon sa senso noong 2008.
Béjaïa Bgayet | |
---|---|
commune of Algeria, lungsod, big city | |
Mga koordinado: 36°45′04″N 5°03′51″E / 36.7511°N 5.0642°E | |
Bansa | Algeria |
Lokasyon | Béjaïa District, Lalawigan ng Béjaïa, Algeria |
Lawak | |
• Kabuuan | 120.22 km2 (46.42 milya kuwadrado) |
Populasyon (2008, Senso) | |
• Kabuuan | 176,139 |
• Kapal | 1,500/km2 (3,800/milya kuwadrado) |
Sona ng oras | UTC+01:00 |
Websayt | http://www.communedebejaia.org |
Ang Béjaïa ay pangunahing pantalan ng langis sa kanlurang Mediteraneo; ito ang hilagang dulo ng Hassi Messaoud oil pipeline mula Sahara. Maliban sa krudong langis, kabilang sa mga iniluluwas ay bakal, phosphates, alak, tuyong igos, at plum. May mga industriya rin ng tela at tapon (cork) ang lungsod. Matatagpuan ang punong-tanggapan ng kompanyang conglomerate na Cevital sa lungsod.
Sa ilalim ng pamumuno ng mga Pranses, kilala noon ang Béjaïa sa ilang pangalang Europeo, tulad ng Budschaja sa Aleman, Bugia sa Italyano, at Bougie [buˈʒi] (ang huling dalawa ay mga salita sa salitang "kandila", at nagmumula sa pangalan ng bayan dahil sa kalakal na pagkit nito).
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Béjaïa, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.