Pagkit

Ang pagkit, sera o waks (Aleman: Wachs, Ingles: wax, Kastila, Portuges: cera) ay isang sustansiyang nakapagpapakintab at nagdurulot ng proteksiyon sa balat ng mga prutas at dahon ng mga gulay at ibang halaman.

May mga pagkit din na nagmumula sa mga hayop, katulad ng tutuli mula sa loob ng tainga ng tao. May mga waks din na nanggagaling sa mga petrolyo at mineral. Mayroon ding mga waks na sintetiko o gawang-tao.

Pagkit
Isang kandilang yari sa pagkit.

May kaugnayan ang mga pagkit sa mga taba. Bagaman matigas, mas madaling masira ang mga ito kung ikukumpara mula sa mga taba. Hindi tumatagos ang tubig sa kapatagan ng mga pagkit, ngunit madali silang matunaw, kung kaya't nabibigyan ng hugis. Ginagamit ang mga pagkit sa paglikha ng mga pampaganda at pamahid na kosmetiko at panggagamot, waks papel, plorwax (floorwax), kandila, mga plaka pang-musika, barnis, papel na karbon (carbon paper), krayola, mga artipisyal na halaman, at mga sabon.

Mga uri ng pagkit

  • Mula sa mga halaman:
    • pagkit ng halamang karnauba
    • pagkit ng halamang kandelilya
    • pagkit ng Hapon, mula sa bungang lumboy ng halamang bayberry o puno ng sumak
    • pagkit mula sa tubo (halaman) (sugarcane)
    • pagkit ng ouricury
    • pagkit ng palma
    • pagkit ng raffia
    • pagkit ng damong esparto, na mula sa Hilagang Aprika
  • Mula sa mga mineral:
    • pagkit mula sa ozocerite
    • pagkit na Montan, mula sa mga lignite
  • Mula sa mga petrolyo:
    • ang paraffin
    • gulamang petrolyo (petroleum jelly)

Mga sanggunian

Tags:

BalatDahonGulayHalamanHayopKintabMineralPetrolyoPrutasSustansiyaTaingaTao

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

El NiñoHukbong Katihan ng PilipinasGumamelaKagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad PanlipunanMuhammad Dipatuan KudaratLakandulaThe SmithsBambiRomaPananaliksikPedro PaternoRusyaAd hominemKaibiganArkiduke Franz Ferdinand ng AustriyaSaknongEditoryalWilliam HarveyPangako Sa 'YoNigeriaSingkilMartin LutherPaggalangWikaMelchora AquinoPagkakapantay-pantay ng mga kasarianEmilia ClarkeEutanasyaPagpagTulinganSun Yat-senHenry HudsonBhutanWikang TagalogMahal na ArawNagkakaisang BansaPambansang Alagad ng Sining ng PilipinasRamon MagsaysayHukbong Himpapawid ng PilipinasPagpapalaglag sa PilipinasMary WollstonecraftHukbong Dagat ng PilipinasKongreso ng PilipinasEmilio JacintoBuwan ng WikaPang-abayKawalang trabahoMitolohiyang GriyegoLa SolidaridadDaliri sa kamayOrasanEmilio AguinaldoTalasalitaanJosé de la CruzAlmuranasKarapatang pantaoKasarinlanResesyonLihamPahayaganFrancisco BalagtasTeodoro AgoncilloThomas EdisonKapatid sa kasalPangatnigRamayanaEhekutibong sangayDasalan at TuksuhanKrisis sa MarawiJake ZyrusManokPiyudalismoNingas-kugonMahabharataKarahasan laban sa kababaihan sa PilipinasEspiritwalidadMaynila, sa mga Kuko ng LiwanagPatani🡆 More