Batik

Ang batik ay isang kasiningang Indones ukol sa pagtitinang hadlang-pagkit (wax-resist dyeing) na ikinakapit sa buong tela.

Nagmula itong kasiningan sa Java, Indonesia. Nagagawa ang batik sa pagguguhit ng mga tuldok at linya ng panghadlang gamit ang isang kagamitang pabuga na tinatawag na tjanting, o sa paglilimbag ng panghadlang gamit ang isang selyong tanso na tinatawag na cap. Pinipigilan ng ikinapit na pagkit ang pagtitina at sa gayon ay pinapayagan ang artisano na piliin ang kukulayin sa pagbababad ng tela sa isang kulay, pagtatanggal ng pagkis gamit ang kumukulong tubig, at pag-uulit nito kung ninanais ang maraming kulay.

Batik
Batik
Batik mula sa Surakarta sa lalawigan ng Gitnang Java sa Indonesia; bago mag-1997
UriTelang pansining
MateryalKambray, sutla, bulak
Lugar ng pinagmulanIndonesia

Matatagpuan ang tradisyon ng paggawa ng batik sa mga iba't ibang bansa; gayunman, masasabi na ang batik ng Indonesia ang pinakakilala. Ang batik Indones na gawa sa pulo ng Java ay may mahabang kasaysayan ng akulturasyon, na may mga magkakaibang disyeno na naimpluwensyahan ng mga iba't ibang kultura, at ito rin ang pinakamalinang ayon sa disenyo, kasiningan, at kalidad ng pagkakagawa. Noong Oktubre 2009, itinalaga ng UNESCO ang batik Indones bilang Obra Maestra ng Pasalita at Di-nasasalat na Pamana ng Sangkatauhan.

Etimolohiya

Wikang Habanes ang pinagmulan ng salitang batik. Maaari itong nagmula sa mga salitang amba ('magsulat') at titik ('tuldok') sa Habanes, o nanggaling sa mas diumano’y ugat sa wikang Proto-Austronesyo, *beCík ('magtatu'). Nagpatotoo ito ng Kapuluang Indones noong panahong kolonyal ng Olanda sa mga iba't ibang anyo: mbatek, mbatik, batek at batik.

Kasaysayan

Batik 
Telang tinina ng hadlang-pagkit mula sa Niya (Basin ng Tarim), Tsina
Batik 
Kumakatawan sa batik ang disenyo ng damit sa Silangang Habanes na rebulto ni Prajnaparamita ng ika-13 dantaon

Isang sinaunang kasiningan ang pagtitinang hadlang-pagkit ng tela. Umiral na ito sa Ehipto sa ika-4 na dantaon BK, kung saan ginamit ito sa pagbabalot ng mga momya; binadbad ang lino sa pagkit, at kinuskos ng panulat. Sa Asya, isinagawa ang kasiningan sa Tsina noong Dinastiyang Tang (618–907 PK), at sa Hapon noong Panahon ng Nara (645–794 PK). Sa Aprika, orihinal na isinagawa ito ng mga tribong Yoruba sa Nigeria, mga tribong Soninke at Wolof sa Senegal. Gayunpaman, ginagamit nitong bersyong Aprikano ang gawgaw ng kamoteng-kahoy o masa ng bigas, o putik bilang panghadlang sa halip ng pagkit.

Pinakanalinang ang sining ng batik sa pulo ng Java sa Indonesia. Sa Java, agad na makukuha ang mga materyales para sa proseso – bulak at pagkit at mga halaman kung saan na pinagkukunan sa paggawa ng mga iba't ibang pangulay de-gulay. Nauuna pa ang batik Indones sa mga nakasulat na rekord: ikinakatuwiran ni G. P. Rouffaer na maaaring dinala ang kasiningan noong ika-6 o ika-7 dantaon mula sa India o Sri Lanka. Sa kabila nito, pinaniniwalaan ni J.L.A. Brandes, isang arkeologo Olandes, at F.A. Sutjipto, isang arkeologong Indones na katutubong tradisyon ang batik Indones, dahil ang mga ilang rehiyon sa Indonesia tulad ng Toraja, Flores, at Halmahera na hindi direktang naimpluwensiyahan ng Hinduismo, ay nagpatotoo rin sa tradisyon ng paggawa ng batik.

Batay sa mga nilalaman ng Manuskritong Sundanes, may kaalaman na ang mga Sundanes ukol sa Batik mula noong ika-12 dantaon. Nakatala sa Sanghyang Siksa Kandang Karesian, isang sinaunang manuskritong Sundanes na isinulat noong 1518 PK, na may batik ang mga Sundanes na kapareho at kumakatawan sa kulturang Sundanes sa pangakalahatan. Marami nga ang mga naitalang disenyo sa teksto, at batay sa mga sanggunian na iyon, nagsisimula nang hakbang-hakbang ang proseso ng paglikha ng Batik Sundanes.

Iniulat ni Rouffaer na kilala na ang huwarang gringsing pagsapit ng ika-12 dantaon sa Kediri, Silangang Java. Naghinuha siya na maililikha lamang ang pinong huwaran sa pamamagitan ng canting, isang pang-ukit na may maliit na imbakan ng mainit na pagkit, at iminungkahi na naimbento ang canting sa Java sa mga panahong iyon. Ang mga detalyeng inukit sa mga damit na isinuot ng mga rebulto sa Prajnaparamita ng Silangang Java mula noong mga ika-13 danton ay nagpapakita ng mga salitgutgot na bulaklaking disenyo sa loob ng mga pabilog na gilid, kahawig ng jlamprang at ceplok, dalawang tradisyonal disenyong pambatik sa Java sa kasalukuyan. Ipinapalagay na kumakatawan ang disenyo sa loto, isang sagradong bulaklak sa mga paniniwalang Hindu-Budista. Ipinapahiwatig ng ebidensya na umiral na ang mga saligutgot na huwarang pambatik sa tela na inilapat gamit ang canting noong ika-13 dantaon sa Java o mas maaga pa. Pagsapit ng huling sangkapat ng ika-13 dantaon, iniluwas ang telang batik mula sa Java patungo sa mga Kapuluang Karimata, Siam, kahit hanggang sa Mosul.

Sa Europa, inilarawan ang kasiningan sa unang pagkakataon sa History of Java (Kasaysayan ng Java), inilathala sa Londres noong 1817 ni Stamford Raffles, na naging Britanikong gobernador sa Bengkulu, Sumatra. Noong 1873, ibinigay ni Van Rijckevorsel, isang komersyanteng Olandes, ang mga pirasong kinolekta niya noong isang biyahe sa Indonesia sa museong etnograpiko sa Rotterdam. Sa kasalukuyan, naroon sa Tropenmuseum ang pinakamalaking koleksyon ng batik Indones sa Olanda. Naging aktibo ang mga kolonistang Olandes at Tsino sa paglilinang ng batik, lalo na ang taga-baybaying batik, sa hulihan ng panahong kolonyal. Nagpasok din sila ng mga bagong huwaran pati paggamit ng cap (blokeng selyo gawa sa tanso) para sa maramihang paggawa ng batik. Itinanghal sa Exposition Universelle sa Paris noong 1900, napahanga ang publiko at manlilikha sa batik Indones.

Noong dekada 1920, ipinakilala ng mga batikero na naglipat patungo sa Malaya (Malaysia ngayon) ang paggamit ng pagkit at blokeng tanso sa silangang baybayin nito.

Sa Subsarahanong Aprika, ipinakilala ang batik Habanes noong ika-19 siglo ng mga Olandes at Ingles na mangangalakal. Inakma ng mga katutubong tao roon ang batik Habanes sa paggagawa ng mga malalaking disenyo na may mas makakapal na linya at mas mararaming kulay. Noong dekada 1970, ipinakilala ang batik sa Australia, kung saan nilinang ito ng mga aboriheng manlilikha tulad ni Erna Bella bilang kani-kanilang sariling kasiningan.

Talababa

Mga sanggunian

Tags:

Batik EtimolohiyaBatik KasaysayanBatik TalababaBatik Mga sanggunianBatikIndonesiaJavaTanso (elemento)Tina

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

PandemyaToy StoryPunong Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng PilipinasTeleseryeJosephine BrackenMga pambansang sagisag ng PilipinasPagsasalinSakit sa pag-iisipLeo EchegarayHukbong Himpapawid ng PilipinasPanatang MakabayanArko ni NoeDaigdigEdukasyon sa Pilipinas noong panahon ng mga AmerikanoBawangNora AunorMuslimMga BisayaPambansang Alagad ng Sining ng PilipinasHermano PuleKatinigPagpapatalastasMga HudyoMaynila, sa mga Kuko ng LiwanagPambansang wikaPedro PaternoBahagi ng pananalitaSan Pedro, LagunaHukbalahapHatirang pangmadlaPangungusapWilliam ShakespeareBatas sa Responsableng Pagkamagulang at Kalusugang Reproduktibo ng 2012Tinimbang Ka Ngunit KulangBongbong MarcosSanta Maria, BulacanMapaMaharlikaKultura ng AprikaMiriam Defensor–SantiagoKanser sa susoLGBTLikas na yamanIndonesiaInplasyon (presyo)KolonyalismoIsraelKontra-RepormaKababaihan sa PilipinasAng Pagong at ang MatsingHinduismoDinagyangTulinganDNADambanang Rizal (Calamba)Agham panlipunanImperyalismoDengueLuha ng BuwayaUnang Digmaang PandaigdigLutuing PilipinoTalaan ng mga bansa at teritoryo ayon sa lawakPariralaKarapatang pantaoTalaan ng mga lungsod at bayan sa PilipinasImpraestrukturaHesusPederalismoHidilyn DiazParagisPakikipagtalastasanKatas ng pukeFidel V. RamosGumamelaImperyong MaliAntropolohiyaLeonardo da VinciPagkakapantay-pantay ng mga kasarianHIV🡆 More