Boudica: Reyna ng tribong Iceni sa Britanya

Si Boudica, na binabaybay din bilang Boudicca, at nakikilala ng mga Romano bilang Boudicea at Boadicea (ipinanganak noong humigit-kumulang sa 25 AD - namatay noong 60 AD o 61 AD) ay ang reyna ng mga Keltikong mga taong Iceni na nasa Norfolk, sa Silangang Anglia (silangang bahagi ng Britanya; ang Anglia ay ang pangalang Latin para sa Inglatera).

Asawa si Boudica ni Prasutagus, na isa sa mga haring Britaniko na nagtangkang makiisa sa mga Romano nang sakupin ng mga ito ang Britanya. Nang mamatay si Prasutagus, binalewala ng mga Romano ang kaniyang kagustuhan, na pinananatiling ang kaharian ni Prasutagus ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng emperador ng Roma. Ninakaw ng mga Romano ang mga lupain ni Boudica. Nang angkinin ni Boudica ang tronong iniwan ni Prasutagus, pinalatigo siya ni Catus Decianus sa kaniyang mga sundalo. Inabuso rin ng mga sundalong ito ang mga anak na babae ni Boudica. Naging tanyag si Boudica, na inilarawan bilang isang babaeng mataas at mapula ang buhok, dahil sa kaniyang pamumuno sa kaniyang tribong Iceni sa panghihimagsik laban sa Imperyong Romano na tumataban sa pulo ng Britanya noong kaniyang kapanahunan. Una niyang sinalakay ang Camulodunum (na nakikilala sa kasalukuyan bilang Colchester), na nasundan ng paglusob sa Verulamium (St. Albans), at tinupok nila ang Londinium (ang kasalukuyang London). Nakapaslang ang pangkat na Iceniano ni Boudica ng 70,000 mga Romano at mga kaanib nito. Itinuturing na may pagkamatagumpay si Boudica sa pagpupunyaging ito. Nang malaman ito ng mga Romano, nagtipon ang mga Romano ng mas malaking hukbong panlupa at nagkaroon ng isang labanan. Nagapi ng hukbong Romano ang panghihimagsik. Dahil nahiwatigan ni Boudica na matatalo siya ng mga Romano, nagpatiwakal siya sa pamamagitan ng paglason sa sarili, sa halip na maging alipin ng mga Romano. Isang estatwa ni Boudica ang inilagay sa Westminster, London noong 1902.

Boudica
Boudica: Reyna ng tribong Iceni sa Britanya
Kapanganakan30 (Huliyano)
  • (praetorian prefecture of Gaul, Imperyong Romano)
Kamatayan61 (Huliyano)
  • (praetorian prefecture of Gaul, Imperyong Romano)
Trabahoruler, reynang reynante
AsawaPrasutagus

Mga sanggunian


Boudica: Reyna ng tribong Iceni sa Britanya Boudica: Reyna ng tribong Iceni sa Britanya  Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at United Kingdom ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wiki sa pagpapalawig nito.

Tags:

AlipinBritanyaCamulodunumCatus DecianusColchesterEmperador ng RomaImperyong RomanoInglateraKeltsLatinLondiniumLondonNagpatiwakalPrasutagusSt. AlbansVerulamiumWestminster

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Sucesos de las Islas FilipinasDiosdado MacapagalInternetMoralidadTalaan ng mga Pangulo ng PilipinasRelihiyon sa PilipinasBalarilaBaguioPangangalagang pangkalusuganViva Hot BabesPangngalanBenigno Aquino IIIHeograpiyaDaniel PadillaEpektong greenhouseBayawakWalisKagawaran ng Kapaligiran at Likas na YamanEstadistikaZeinab HarakeBulaklak ng MayoHèctor Hernández VicensNora AunorNingas-kugonTeknikal na pagsulatDepresyonPang-uriAng Munting PrinsipePamahalaanBaybayinMga IlokanoMiguel López de LegazpiIdiyomaMoro-moroAraling panlipunanTalaan ng mga bagyo sa PilipinasEbolusyonTeknolohiyaBell Trade ActGloria Macapagal ArroyoGabriela SilangJosephine BrackenLindolMao ZedongMasbateIkalawang Republika ng PilipinasIsaac NewtonIce SeguerraLupang HinirangIdeolohiyang pampolitikaJuan LunaPilipinoSedulaTulayVilma SantosRelihiyonPangatnigOptimismoApelyidoPananaig ng batasPagkamakabansaSayawGeorge WashingtonPasyon (Kristiyanismo)BarangayTeokrasyaShotaconSayusayEspiritwalidadLucrecia KasilagAdolf HitlerKooperatibaPang-abayMundoBahagi ng pananalitaLokal na pamahalaan ng PilipinasPelikulang PilipinoGregoria de JesusKarahasan laban sa kababaihan sa Pilipinas🡆 More