Arkitekturang Islamiko

Ang arkitekturang Islamiko ay binubuo ng mga estilo ng arkitektura ng mga gusaling nauugnay sa Islam.

Saklaw nito ang kapuwa sekular at relihiyosong mga istilo mula sa maagang kasaysayan ng Islam hanggang sa kasalukuyan. Ang maagang arkitekturang Islamiko ay naimpluwensiyahan ng arkitekturang Romano, Bisantino, Persiano, Mesopotamiko at lahat ng iba pang mga lupaing unang sinakop ng mga Muslim sa ikapito at ikawalong siglo. Sa dakong silangan, naimpluwensiyahan din ito ng arkitekturang Tsino at Mughal habang kumalat ang Islam sa Timog Silangang Asya. Nang maglaon ay nakabuo ito ng mga natatanging katangian sa anyo ng mga gusali, at ang dekorasyon ng mga rabaw na may Islamikong kaligrapiya at heometriko at komplikadong mga palamuti. Naimbento ang mga bagong elemento ng arkitektura tulad ng mga silindrikong minaret, muqarnas, arabesque, multifoil. Ang pangunahing uri ng arkitekturang Islamiko para sa malaki o pampublikong mga gusali ay ang mosque, ang nitso, ang palasyo, at ang kuta. Mula sa apat na uri na ito, ang bokabularyo ng arkitekturang Islam ay nakuha at ginagamit para sa iba pang mga gusali tulad ng mga pampublikong paliguan, fountain at arkitekturang pambahay.

Arkitekturang Islamiko
Mga dakilang arko ng Mosque – Katedral ng Córdoba
Arkitekturang Islamiko
Lotfollah Mosque sa Plaza Naqsh-e Jahan, Isfahan
Arkitekturang Islamiko
Ang loob na tanaw sa gilid ng pangunahing simboryo ng Selimiye Mosque sa Edirne, Turkey itinayo sa estilong Ottoman
Arkitekturang Islamiko
Ang Patyo ng Mosque Umayyad sa Damascus, ang Mosque na ito ay itinayo sa estilong Umayyad

Marami sa mga gusaling nabanggit sa artikulong ito ay nakalista bilang Pandaigdigang Pamanang Pook . Ang ilan sa kanila, tulad ng Kuta ng Aleppo, ay nakatamo ng malaking pinsala sa nagpapatuloy na Digmaang Sibil ng Syria at iba pang giyera sa Gitnang Silangan.

Mga sanggunian

Tags:

Arkitekturang TsinoGusaliIslamKutaMosquePalasyoPuntodTimog-silangang Asya

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Bernardo CarpioAlamat ng pinyaAti-AtihanTuluyanAndrés BonifacioGomburzaPakikipanayamCatriona GrayEstadoSarsuwelaConfucianismoLayonBukalSergio OsmeñaBalbalMundoJake ZyrusIsabela (lalawigan)Himagsikang PransesTalaan ng mga Pangulo ng PilipinasAlmuranasPia WurtzbachGABRIELAHeneral Luna (pelikula)HinuhaDemokrasyaMga isyu sa kapaligiran sa PilipinasIskuwaterPetrarcaMarinduqueVintaPambansang wikaPanahon ng KaliwanaganInhenyeriyaEutanasyaFrancisco DagohoyCarlos P. GarciaHimagsikang pang-aghamDipologMusika ng PilipinasPandaigdigang katubiganManny PacquiaoKalikasanEpikoSenado ng PilipinasPakikipagtalastasanBuod (paglilinaw)AIDSFlorante at LauraHaranaPandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng TaoBugtongSepoyTrangkasoKelly OsbourneTanagaFernando Poe Jr.TalinghagaRomantisismoKagawaran ng AgrikulturaSimbahang Katolikong RomanoPag-ibigGregoria de JesusPanaginipJosefa Llanes EscodaMitoSiningDenguePambansang Alagad ng Sining ng PilipinasTanaySingkamasPaggalangKalabasaPanitikanSitaRivermayaPamahiinMga guho ng CagsawaPiyudalismo🡆 More