Si Albert John Lutuli o Albert John Luthuli, (bigkas ng apelido: Lu-tu-li) na kilala rin sa kaniyang pangalang Zulu bilang Mvumbi (c.
1898 – 21 Hulyo, 1967), ay isang Timog Aprikanong guro at politiko. Isa siyang pinunong nagtaguyod ng kalayaan at pagpapalaya. Nahalal si Lutuli bilang pangulo ng Pambansang Kongresong Aprikano (o African National Congress, ang ANC), sa panahon na isang katulong na organisasyon (umbrella organization) na namuno sa oposisyon laban sa mga pamahalaang minoridad ng mga puting mamamayan sa Timog Aprika. Ginawaran siya ng Gantimpalang Nobel Pangkapayapaan noong 1960 dahil sa kaniyang ginawang papel sa walang-kaguluhang pakikibaka laban sa apartheid.
Albert Lutuli | |
---|---|
Pangulo ng Pambansang Kongresong Aprikano | |
Nasa puwesto 1952 – 1967 | |
Nakaraang sinundan | J. S. Moroka |
Sinundan ni | Oliver Tambo |
Pansariling detalye | |
Ipinanganak | c. 1898 Bulawayo, Rhodesia |
Namatay | Stanger, KwaZulu-Natal, South Africa | Hulyo 21, 1967
Partidong pampolitika | Pambansang Kongresong Aprikano |
Asawa | Nokukhanya Bhengu |
Isinilang si Lutuli sa Groutville Reserve, Natal, Rhodesia. Isinulat niya ang sariling talambuhay na pinamagatang Let My People Go.
Mula 1935 hanggang 1952, naglingkod siya bilang hepe o pinuno ng tribong Abasemakholweni (kilala rin bilang tribong Zulu), ngunit inalis siya sa tungkulin ng pamahalaan dahil sa kaniyang ginampanang papel sa pagtanggi sa pagkakaroon ng segregasyon o paghihiwalay ng mga puti at mga itim noong 1952. Napili siya para maging presidente-heneral ng Pambansang Kongresong Amerikano noon taon ding iyon. Noong 1962, nahalal siyang maging rektor ng Pamantasang Glasgow.
Ginawaran siya ng Gantimpalang Nobel Pangkapayapaan noong 1961 dahil sa kaniyang walang-bahid gulong oposisyon sa pagkakaroon ng apartheid sa Timog Aprika.
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Albert Lutuli, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.