Ang sustansiyang kemikal (Ingles: chemical substance) o sangkap pangkimika ay ang kahit anong materyal na ginagamit o makukuha sa pagawaan ng kimika:
Maaring mabigyang kahulugan ang isang sustansiyang kimikal bilang "anumang materyal na may isang tiyak na komposisyong kimikal" ayon sa isang pagpapakilalala ng aklat-aralin ng pangkalahatang kimika. Sang-ayon sa kahulugan na ito, ang sustansiyang kimikal ay maaaring isang purong elementong kimikal o isang purong kompuwestong kimikal. Subalit, mayroon itong eksepsyon sa kahulugan na ito; maaring bigyan kahulugan ang purong sustansiya bilang isang anyo ng materya na mayroong parehong tiyak na komposisyon at naiibang mga katangian. Binibilang din sa indeks ng sustansyang kimikal na nilalathala ng CAS ang ilang mga haluang metal na may hindi tiyak na komposisyon. Isang natatanging kaso ang mga kompuwestong di-estekiyometriko (sa kimikang inorganiko) na lumalabag sa batas ng hindi nagbabagong komposisyon, at para sa kanila, mahirap minsan na tukuyin kung isa itong halo o isang kompuwesto, tulad ng kaso ng palladium hydride. Makikita din ang mas malawak na depinisyon ng mga kimikal o sustansiyang kimikal, halimbawa: "nangangahulugan ang 'sustansiyang kimikal' na kahit anong sustansiyang organiko o inorganiko ng isang partikular na identidad pang-molekula, kabilang ang – (i) anumang kombinasyon ng mga ganoong sustansiya na buo o bahagi lamang na naging resulta ng isang reaksyong kimikal o mayroon sa kalikasan".
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Sustansiyang kimikal, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.