Sirkumperensiya

Sa heometriya, ang sirkumperensiya (mula sa Latin na circumferens, nangangahulugang dinadala sa palibot) ay ang perimetro o palibot ng isang bilog o elipse.

Alalaong baga, ang sirkumperensiya ay magiging haba ng arko ng bilog, na kapag binuksan at diniretso, magiging segmentong linya. Sa mas pangkalahatan, ang perimetro ay ang habang pakurba sa palibot ng kahit anumang pigurang nakasara. Maaring tukuyin din ng sirkumperensiya ang bilog mismo, alalaong baga, ang locus o lugar na kaayon sa gilid ng isang disko. Ang ay ang sirkumperensiya, o haba, ng anumang isa mga makabuluhang bilog nito.

Sirkumperensiya
Sirkumperensiya = π × diyametro

Ang ibang katawagan nito sa Tagalog ay yantas at tikop.

Bilog

Ang sirkumperensiya ng isang bilog ay ang layo sa palibot nito, subalit kung, tulad sa maraming pagtratong elementarya, ang layo ay binibigay kahulugan sa mga tuntunin ng mga linyang diretso, hindi maaring gamitin ang depinisyon na ito. Sa ilalim ng ganitong katayuan, maaring ipakahulugan ang sirkumperensiya ng isang bilog bilang ang hangganan ng mga perimetro ng nakasulat na mga regular na poligono bilang ang bilang ng mga gilid na tumataas na walang hanggan. Ginagamit ang katawagang sirkumperensiya kapag sinusukat ang mga bagay na pisikal, gayon din kapag kinukunsidera ang mga anyong heometrikong basal.

Sirkumperensiya 
Kung ang diyametro ay 1, ang sirkumperensiya nito ay Sirkumperensiya 
Sirkumperensiya 
Kapag ang isang radyo ng isang bilog ay 1—tinatawag na bilog na yunit—ang sirkumperensiya nito ay Sirkumperensiya 

Kaugnayan sa π

May kaugnayan ang sirkumperensiya ng isang bilog sa isa sa mga pinakamahalagang konstanteng pangmatematika. Ang konstanteng ito, ang pi (bigkas: pay), ay kinakatawan ng titik Griyego na Sirkumperensiya  Ang unang ilang digitong desimal ng halagang numeriko ng Sirkumperensiya  ay 3.141592653589793 ... Ikinakahulugan ang pi bilang ang rasyo ng sirkumperensiya ng bilog Sirkumperensiya  sa diyametro Sirkumperensiya  nito:

Sirkumperensiya 

O, sa katumbas, bilang ang rasyo ng sirkumperensiya sa doble ng radyo. Maaring muling ayusin ang pormula sa itaas upang lutasin ang sirkumperensiya:

Sirkumperensiya 

Ang rasyo ng isang sirkumperensiya ng bilog sa radyo nito ay tinatawag ng konstanteng bilog, at katumbas ito ng Sirkumperensiya . Ang halagang Sirkumperensiya  ay ang halaga din ng mga radiyan sa isang pihit. Nasa lahat ng dako ng matematika, inhenyeriya, at agham ang konstanteng pangmatematika na π.

Sa Sukat ng isang Bilog na sinulat noong circa 250 BCE ni Arkimedes, pinapakita na ang rasyong ito (Sirkumperensiya  yayamang hindi niya ginamit ang pangalang π) ay higit sa 310/71 subalit mas mababa sa 31/7 sa pamamagitan ng pagkalkula ng mga perimetro ng isang nakasulat at isang tinakdang regular na poligono na may 96 na gilid. Ginamit sa mga dantaon ang kaparaanang ito para sa pagtataya ng π, na kinukuha ang katumpakan sa pamamagitan ng paggamit ng mga poligono ng mas malaki at mas malaking bilang ng mga gilid. Ang pinakahuling ganitong kalkulasyon ay isinagawa noong 1630 ni Christoph Grienberger na gumamit ng mga poligono na may 1040 gilid.

Mga sanggunian

Tags:

BilogElipseEsperaHabaHeometriyaLatinLinyang segmentoPerimetro

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Benigno Aquino Jr.HukbalahapKawalang trabahoPang-ukolPortugalKagawaran ng Kalakalan at Industriya (Pilipinas)NarutoKatotohananEpiko ni GilgameshImplikasyonBaro't sayaBalitaMga Ibong MandaragitKontrobersiya sa pagpapanibago ng prangkisa ng ABS-CBNGraciano López JaenaPangasinanBatasPang-angkopAng mga Paglalakbay ni Marco PoloKomonwelt ng PilipinasVintaPandanggoKristiyanismoAbakadaJohannes KeplerPagpapalaglagMaynila, sa mga Kuko ng LiwanagDalagMuhammadGeorge WashingtonGladys GuevarraHudaismoHermano PuleDambanang AguinaldoPilibusteroLucio San PedroPilipinasToni FowlerBahagi ng pananalitaEmilio AguinaldoHomoseksuwalidadTaguigEstadoImperyong RomanoKalikasanMindanaoAgham panlipunanLeni RobredoLipa, BatangasNelson MandelaPandemyaPandemya ng COVID-19Kapatid sa kasalEditoryalMariano PonceInplasyon (presyo)MeycauayanMga BisayaFrancis BaconPariralaTelebisyonFerdinand MarcosKatauhang pangkasarianDigmaang Pilipino–AmerikanoImperyalismoKultura ng AprikaBulaklak ng MayoGabinete ng PilipinasKorupsiyonAli Baba at ang Apatnapung MagnanakawBawal na gamotIlustradoBundok PinatuboCabuyaoBacolodIraqAprika🡆 More