Puno Ng Pasko

Ang punong pamasko o punong pampasko (Ingles: Christmas tree o Tannenbaum) ay isa sa pinakatanyag na mga kaugalian na may kaugnayan sa pagdiriwang ng Pasko.

Karaniwan itong isang puno na palaging lunti at koniperoso (may bungang kono), na dinadala sa isang tahanan o ginagamit sa labas ng bahay, at pinapalamutian ng mga ilaw na pamasko at makukulay na mga ornamento tuwing mga araw na nakapaligid sa panahon ng kapaskuhan. Isang anghel o isang bituin ang madalas na inilalagay sa tuktok ng punong ito, upang maging representasyon ng Bituin ng Betlehem magmula sa Kapanganakan ni Hesus.

Bilang isang punong dinekurasyunan, ang karaniwang ginagamit na palaging lunting koniperong puno ay ang katulad ng punong pino o fir. Ang isang artipisyal na punong pampasko ay isang bagay na nilikha upang maging kahawig ng tunay na punong pamasko, na karaniwang yari mula sa polyvinyl chloride (PVC).

Ang puno ay makatradisyon at dating nadedekurasyunan ng mga pagkaing nakakain, katulad ng mansanas, mga mani, at mga datiles. Noong ika-18 daantaon, nagsimula itong pagliwanagin sa pamamagitan ng mga kandila, kung saan ang elektripikasyon ay maaari ring gamitin sa pamamagitan ng paghalili ng mga pamaskong ilaw. Sa ngayon, mayroong malawak na kasamu't sarian ng pangtradisyong mga ornamentong pamasko, katulad ng mga garland, mga tinsel, at mga kending baston.

Ang kostumbre ng punong pamasko ay umunlad sa loob ng kaagahan ng modernong Alemanya na may mga ninuno na maaaring bakasin mula sa ika-16 na daantaon at maaaring sa ika-15 daantaon, kung kailan ang mga Kristiyanong deboto ay nagdala ng mga punong pinalamutian sa lob ng kanilang mga tahanan. Nagkamit ito ng katanyagan na lampas sa hangganan ng Alemanya noong pangalawang hati ng ika-19 daantaon. Ang punong pamasko ay naging nakikilala rin bilang "puno ng Yule", natatangi na sa mga pagtalakay ng mga simulain nitong pokloristiko.

Mga sanggunian

Tags:

AnghelBituinKapanganakan ni JesusKaugalianKonoPalaging luntiPaskoPuno

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Nick JoaquinKagawaran ng Ugnayang PanlabasTotalitarismoFerdinand MarcosPalakasanBahay na batoIsraelAng LadladHukbong Katihan ng PilipinasHeliosentrismoKasukdulan (paglilinaw)Impeksiyon sa daanan ng ihiAntonio PigafettaOlongapoGalileo GalileiAng Huling El BimboKulturaTalaan ng mga pangyayari sa kasaysayan ng PilipinasMIMAROPAQur'anLiberalismoPanunuholPandaigdigang Araw ng mga KababaihanPangulo ng PilipinasDigmaang Pilipino–AmerikanoIbn SaudTalaan ng mga Pangulo ng PilipinasMary WollstonecraftTugtuginPangngalanEspanyaMga rehiyon ng PilipinasSagisag ng Republika ng PilipinasBuwisRivermayaOptimismoAd hominemDistribusyón ng salitang-tinutukoy (paksa)Hermano PulePang-aapi sa InternetSInhenyeriyang henetikoLayonMangiferaTikbalangTamblotTrangkasoPag-ibig sa Tinubuang LupaLa Liga FilipinaBatas militar sa ilalim ni Ferdinand MarcosTalaan ng mga Kabanata sa Noli Me TangereLokal na pamahalaan ng PilipinasUnyong SobyetikoManokRamon SantosPagpapalaglagLanao del NorteEpektong greenhouseBahagi ng pananalitaSitaMga AetaKasarinlanJean-Jacques RousseauPakikipag-ugnayan sa ibang taoPampublikong sektorShe's Dating the GangsterSinaunang GresyaBasketbolKawalang trabahoGumamelaSanta Maria, BulacanHaponKartilya ng KatipunanKoridoEpikoJuan LunaSagisag ng Pangulo ng PilipinasRamadan🡆 More