Ang pagpapala ay isang gawain ng pagbabasbas o pagbebendisiyon na maaaring magmula sa Diyos na napapasatao, o mula sa isang tao na ibinibigay sa kapwa tao.
Katumbas rin ng basbasan, pagpalain, at bendisyunan, ang paginghawahin (pagbibigay ng ginhawa). Sinasabing kapag nanggaling ang pagpapala mula sa Diyos, pinapainam ng Diyos ang kalagayan ng isang tao, kaya't itinuturing itong isang biyaya mula sa Diyos. Samantala, kapag nagpala naman ang isang tao, hinihiling ng taong iyon na maghatid ng kabutihan sa taong pinagpala.
Sa Hudaismo, sinasabi ang mga bendisyon (Ebreo: ברכה, brakha, "biyaya", "bendisyon") sa isang kaganapan, seremonya, o ibang gawain. Ito ay upang kilalanin ang Diyos bilang pinagmulan ng lahat ng biyaya. Karaniwang nagsisimula ang isang brakha sa:
ברוך אתה אדני אלוהינו מלך העולם…
Barukh Ata Adonay Elohenu Melekh ha'olam…
"Mapalad Ka, Panginoon, aming Diyos, Hari ng sanlibutan…"
Mayroong tatlong pangunahing uri ng brakha:
Ang isang nakakarinig ng isang namemendisyon ay sumasagot nang "amen," ngunit ang isang namemendisyon o nagdarasal ay binabawalang magsalita, kasama na ang mag-amen. Bagaman may iilang eksepsiyon, hindi sinasagutan nang "amen" ang sariling bendisyon. Gayumpaman, may ilang mga panalagin, tulad ng kadish, na sinasama ang "amen" sa teksto.
Sa Kristiyanismo, maaaring gawin ang pagpapala sa mga bagay, katulad ng palaspas, mga pinalamutiang dahon ng palma na binabasbasan tuwing Linggo ng Palaspas.
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Pagpapala, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.