Pagpapakita Ng Panginoon

Ang Pagpapakita ng Panginoon o Epipanya (Ingles: Epiphany, (Griyegong Koine: ἐπιφάνεια, epiphaneia, manipestasyon, kagila-gilalas na kaanyuan) o Teopanya (Ingles: Theophany), (Sinaunang Griyego (ἡ) Θεοφάνεια, Τheophaneia) na may ibig sabihing pagkatanaw sa Diyos, na pangtradisyong bumabagsak tuwing Enero 6, ay isang Kristiyanong araw ng kapistahan na nagdiriwang ng rebelasyon ng Diyos Anak bilang isang tao sa katauhan ni Hesukristo.

Pangunahing (subalit hindi lamang ito) inaalala ng mga Kristiyanong Kanluranin ang pagdalaw ng Pambibliyang Mago sa Sanggol na Hesus, kung kaya't ang manipestasyong pisikal o pagkakatawang-tao ni Hesus sa mga Hentil. Inaalala ng mga Kristiyanong Silanganin ang pagbibinyag kay Hesus sa Ilog ng Hordan, na tinatanaw bilang manipestasyon ni Hesus sa daigdig bilang Anak ng Diyos.

Sa payak na mga pananalita, ang Epipanya ay isang paglitaw o pagsipot, pagpapakita; o dili kaya ay isang pagpapahayag ng kabanalan, at pangyayaring ispirituwal kung saan ang katuturan ng isang bagay ay ipinakikita sa isang tao. Ito rin ay nakikilala bilang kapistahan ng Tatlong Haring Mago tuwing Enero 6.

Mga sanggunian

Tags:

Anak ng DiyosAraw ng kapistahanDiyos AnakGriyegong KoineHentilHesukristoIlog ng HordanKristiyanoKristiyanong SilanganinMundong KanluraninPambibliyang MagoSanggol na HesusSinaunang GriyegoTeopanyaΤheophaneia

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Pagkamatay ni Jang LuceroKapatid sa kasalLikas na kapaligiranNoli Me TangereArtipisyal na katalinuhanSaligang Batas ng Pilipinas ng 1973TeknolohiyaIslamKagawaran ng AgrikulturaFree Legal Assistance GroupNoli me tangere (parilala)MandaluyongUlapBahaghariHinuhaWalisPamamaga ng mataCabuyaoPolitikaMga pangkat etniko sa PilipinasKasaysayanTekstoBangusLope K. SantosMagasinSara DuterteLibangan (gawain)Kronolohiya ng kasaysayan ng PilipinasTalinghagaMyanmarKalayaan sa pananalitaEditoryalMga KrusadaLihamAndrés BonifacioReglaLakandulaAspinInggitLokal na pamahalaan ng PilipinasNorzagaraySapilitang trabahoSibuyasUnggoyKawayanPantasyaKumpilBatisBalagtasanSikolohiyang PilipinoPagmamanupakturaKampanya laban sa iligal na droga sa PilipinasSakutingNagkakaisang BansaHiroshima Peace MemorialSimple random samplingDagatLa Ilustración FilipinaIkatlong Republika ng PilipinasArkiduke Franz Ferdinand ng AustriyaPananahiEdukasyon sa Pilipinas noong panahon ng mga KastilaWikang SebwanoRebolusyong EDSA ng 1986KolonyalismoAbogadoKompyuterIce SeguerraKatauhang pangkasarianTalambuhayRamadanKuwentong-bayanMaria Clara at IbarraSutlaManuel RoxasTaguigPartido Komunista ng TsinaBaliwag🡆 More