Pagkabangkarote

Ang pagkabangkarote (mula sa wikang Espanyol na bancarrota) ay ang legal na kalagayan ng isang tao o tinatag na negosyo na walang kakayanan pa magbayad sa kanilang mga pinagkakautangan.

Sa karamihan ng mga hurisdiksyon, ipinapataw ito sa pamamagitan ng isang utos ng hukuman na madalas na inumpisahan ng may utang.

Ang pagkabangkarote ay hindi lamang ang legal na kalagayan na maaaring mangyari sa isang tao o negosyong nalulugi, kaya hindi magkasingkahulugan ang terminolohiyang pagkabangkarote at kawalan ng pambayad. Sa ilang mga bansa, kabilang ang United Kingdom, ang pagkabangkarote ay limitado sa mga indibiduwal lamang, at ang mga paglilitis ng hukom hinggil sa kawalan ng pambayad (tulad ng pagpuksa at administrasyon ng mga ari-arian) ay inaakma sa mga kumpanya. Sa Estados Unidos, ang pagkabangkarote ay inaakma nang mas malawak sa pormal na paglilitis hinggil sa kawalan ng pambayad.

Etimolohiya

Nanggaling ang salitang bangkarote sa Italyanong salita na banca rotta, na ibig sabihin ay "sirang bangko". Ang maaaring pinagmulan nito ay ang kasanayan ng tagapagpalit ng pera na sinisira ang pambilang ng pera upang ipahiwatig ang kanyang kawalan ng pambayad. Maaari ding isang tayutay lamang ito.

Mga sanggunian

Tags:

LegalNegosyoWikang Espanyol

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

TanayPangunang lunasSandatahang Lakas ng PilipinasVice GandaPamamaga ng lalamunanÑMakatiTimog KoreaKing GutierrezWikipediaLa Ilustración FilipinaAraling panlipunanSingkamasPatakarang bukas na pintoTambakolMaria Asuncion RiveraTelebisyonPunoPandanggoSultanato ng SuluTeleseryeManny PacquiaoAdolf HitlerTsokolateng burolCaloocanSalapiMediaTekAng Pagong at ang MatsingGawgawBarkoPantasyaTuberkulosisTala ng mga taonAklanMyanmarPananakop ng mga Hapones sa PilipinasBumberoKasaysayan ng PilipinasJoseph EstradaKagawaran ng EdukasyonTamod (paglilinaw)Gregoria de JesusKomisyon ng Karapatang PantaoMyrna DelgadoSalagubangDengueTubigLabanan ng CorregidorHiroshima Peace MemorialGomburzaTitiEdukasyon sa Pilipinas noong panahon ng mga KastilaBahay Kubo (katutubong awit)TotalitarismoTalaan ng mga lungsod at bayan sa PilipinasAnahawLagunaOpyoPangasinanAgrikultura sa PilipinasBintiHimagsikanVolleyballWikang KapampanganTulinganAurora (lalawigan)Galeon ng MaynilaTeknolohiyaMarijuanaLangkaGamugamoEat Bulaga!RelihiyonPambansang Alagad ng Sining ng PilipinasApdoPamahiinKampanya laban sa iligal na droga sa PilipinasAlyansa🡆 More