Salaysay

Ang salaysay, kuwento, o istorya ay anumang paglalahad ng isang serye ng magkakaugnay na mga pangyayari o mga karanasan, kahit na ito pa ay hindi kathang-isip (talaarawan, talambuhay, ulat ng balita, dokumentaryo, panitikan sa paglalakbay, atbp.) o kathang-isip (kuwentong bibit, pabula, alamat, katatakutan, nobela, atbp.).

Maaring ipahayag ang kuwento sa pamamagitan ng isang magkakasunod na mga salitang sinulat o sinabi, mga larawan o gumagalaw na larawan (bidyo), o anumang kumbinasyon ng mga ito. Tinatawag din ito na naratibo na hango sa pandiwang Latin na narrare (magsabi), na hango mula sa pang-uri na gnarus (marunong o sanay). Kasama ng pangangatuwiran, paglalarawan, at paglalahad, ang pagsasalaysay (ang proseso ng pagpapahayag ng isang salaysay), sa malawak na kahulugan, ay isa sa apat na paraang retorika ng diskurso. Sa mas makitid na kahulugan, ito ang paraan ng pagsusulat ng piksyon na kung saan direktang nakikipagtalastasan ang tagapagsalaysay sa tagapakinig.

Ang pasalitang pagkukuwento ay ang pinakamaagang pamamaraan ng pagbahagi ng mga naratibo. Sa panahon ng halos lahat ng pagkabata ng isang tao, ginagabayan sila ng mga salaysay sa tamang ugali, kasaysayang pangkalinangan, pagbuo ng isang pagkakakilanlang pampamayanan, at prinsipyo, na pinag-aralan lalo na ng antropolohiya sa mga tradisyunal na mga katutubo.

Matatagpuan ang salaysay sa lahat ng anyo ng pagkamalikhain ng tao, sining, at libangan, kabilang ang talumpati, panitikan, teatro, musika at awit, komiks, pamamahayag, pelikula, telebisyon at bidyo, mga larong bidyo, radyo, paglalaro ng laro, hindi nakaayos na libangan, at pagtatanghal sa pangkalahatan, gayon din ang ilang pagpipinta, eskultura, pagguhit, potograpiya, at ilang sining biswal, hangga't pinapakita ang magkakasunod na kaganapan. May ilang mga kilusang sining, tulad ng makabagong sining, na tinatanggihan ang naratibo kapalit ng abstrakto at konseptuwal.

Mga sanggunian

Tags:

AlamatBalitaKatatakutanKathang-isipKuwentong bibitLatinNobelaPabulaPaglalahadPaglalakbayPaglalarawanPagsasalaysayPakikipagtalastasanPandiwaPang-uriPangangatuwiranPiksyonRetorikaTagapagsalaysayTalaarawanTalambuhay

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

KalayaanMonarkiyaMadre TeresaPakikipagtalastasanUsogBacolodAnak (pelikula)RenasimiyentoKarahasan laban sa kababaihan sa PilipinasWikang Kastila sa PilipinasNora AunorTeresa MagbanuaFidel V. RamosDekada '70 (nobela)CebuTeoryang pampanitikanPanatang MakabayanTalaan ng mga bagyo sa PilipinasAntonio LunaLeo EchegarayGregorio del PilarIsraelPananakit ng bayagTulang patniganSpoliariumPakistanIbaloiIdiyomaEat Bulaga!HaranaMga Batas sa Ika-13 Kongreso ng PilipinasMicronesiaRivermayaLuha ng BuwayaPusaPagduduwalKasaysayan ng Pilipinas (1521–1898)Kagawaran ng Paggawa at EmpleoBrazilMagna CartaMaikling kuwentoEmilio JacintoSitaKompyuterUnggoyTalaan ng mga Pangulo ng PilipinasHeneral Luna (pelikula)Bangko Sentral ng PilipinasKasaysayan ng Pilipinas (1898–1946)Kagawaran ng Repormang PansakahanFrancisco BalagtasKatapanganPatinteroLGBT sa PilipinasMuslimShe's Dating the GangsterBjörkMaynila, sa mga Kuko ng LiwanagPagbabago ng klimaRomeo at JulietaBrooklynNigeria1872 Pag-aaklas sa KabiteAn-anSan Pedro, LagunaChristopher ColumbusGanito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon?TeknolohiyaBela PadillaAng Isang Libo't Isang GabiNoli Me Tángere (nobela)Bawal na gamotEkonomiyaEroplanoKagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad PanlipunanBenjamin PascualLapayTsokolateng burol🡆 More