Mga Pag-Atake Sa Paris Noong Nobyembre 2015

Sa gabi ng 13 Nobyembre 2015, isang serye ng magkakaugnay na mga pag-atakeng terorista ang nangyari sa Paris, ang kabisera ng Pransiya, at sa kalapit na Saint-Denis sa hilaga.

Simula ng 21:20  CET, tatlong katao ang nagpasabog ng sarili malapit sa Stade de France sa Saint-Denis, na sinundan ng iba pang mga suicide bombing at malawakang barilan sa mga kapihan, restawran at ganapan ng musika sa Paris.

Mga pag-atake sa Paris noong Nobyembre 2015
Mga Pag-Atake Sa Paris Noong Nobyembre 2015
Mga tagpuan ng pag-atake. Sumusugnay ang mga bituin sa mga suicide bombing o pagpapasabog sa sarili (maliban sa Bataclan)
LokasyonParis at Saint-Denis, Pransiya
Petsa21:20, 13 Nobyembre 2015 (2015-11-13T21:20) –
00:58, 14 Nobyembre 2015 (2015-11-14T00:58) (CET)
Target1: Malapit sa Stade de France
2: Rues Bichat at Alibert (Le Petit Cambodge; Le Carillon)
3: Rue de la Fontaine-au-Roi (Café Bonne Bière; La Casa Nostra)
4: Ang teatrong Bataclan
5: Rue de Charonne (La Belle Équipe)
6: Boulevard Voltaire (Comptoir Voltaire)
Uri ng paglusobMalawakang barilan, suicide bombing, Pagbibihag
SandataMga ripleng AK-47
mga granada
mga suicide belt
Namatay130 mga biktima
7 na may pakana
Nasugatan368 (80–99 na kritikal)
SalarinSiyam na katao, bilang bahagi ng Islamikong Estado ng Iraq at Levant (ISIL)

Mga pag-atake

Tatlong grupo ang nagsagawa ng anim na natatanging pag-atake: Tatlong mga suicide bombing sa isang pag-atake, isang ika-apat na suicide bombing sa isa pang pag-atake, at barilan sa apat na tagpuan sa apat na magkakahiwalay na pag-atake. Ang mga barilan ay naiulat na nangyari sa loob ng rue Alibert, rue de la Fontaine-au-Roi, rue de Charonne, teatrong Bataclan, at sa avenue de la République. Tatlong pagsabaog ang nangyari malapit sa Stade de France, at isa pa sa boulevard Voltaire, at dalawa sa mga mamamaril sa Bataclan ang nagpasabog ng kanilang sarili habang winakas ng pulisya ang insidente. Ayon sa isang prosecutor sa Paris, ang mga nag-atake ay may suot ng mga suicide vest na gumamit ng acetone peroxide bilang pangsabog.

Wakas

Tugong lokal

Ang hashtag #portesouvertes ("buksan ang pintuan") ay ginamit ng mga Parisyano para umalok ng tahanan sa mga takot na umuwi ng bahay matapos ang mga pag-atake.

Katulad na nangyari noong Enero matapos ang mga pag-atake sa Charlie Hebdo, ang Place de la République ay naging tagpuan ng mga pagluluksa, pagaalaga at pagpupugay. Isang pang-alaala ay agarang inalagay malapit sa teatrong Bataclan. Noong Nobyembre 15, dalawang araw matapos ang mga pag-atake, isang misang pang-alaala ang idinaraos sa Notre Dame Cathedral, na pinagunahan nila Kardinal André Vingt-Trois ang Arsobispo bg Paris, na idinaraos ng ilang mga pulitiko at relihiyosong personalidad.

Ang mga organisasyong Muslim sa France, katulad ng Union of Islamic Organisations of France, ay malakas na ikinondena ang mga pag-atake sa Paris. Ang mga pag-atake ay nakaapekto sa mga negosyo at kilalang mga lugar at bilihan sa Paris at nagdulot ng pagkabahala sa maraming Parisyano na ang mga pag-atake ay magdudulot sa pagkadiskrimina sa mga Muslim sa lungsod. Walang magkatulad na panawagan sa pagkakakaisa sa mga Muslim, noong kakatapos ang pag-atake noong Enero. Ang bentahan ng watawat ng Pransiya, na malimit na ipinapakita ng mga Pranses bago ang mga pag-atake, ay lubhang tumaas matapos ang mga pag-atake.

Mga sanggunian

Tags:

Mga Pag-Atake Sa Paris Noong Nobyembre 2015 Mga pag-atakeMga Pag-Atake Sa Paris Noong Nobyembre 2015 WakasMga Pag-Atake Sa Paris Noong Nobyembre 2015 Mga sanggunianMga Pag-Atake Sa Paris Noong Nobyembre 2015Central European TimeParisPransiyaTerorismo

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Mga pangkat etniko sa PilipinasSikolohiyang PilipinoSaranggolaMagnifico (pelikula)HardinPandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng TaoImelda MarcosKabuuang pambansang produktoPananakit ng bayagSinaunang GresyaHIVBulkang MayonPosisyong papelMga kagawarang tagapagpaganap ng PilipinasKoridoEnrique ang NabigadorPolitikaHermano PuleRelihiyon sa PilipinasBarangayArko ni NoeNgKasunduan sa TordesillasKathryn BernardoPangulo ng Senado ng PilipinasHaranaPagsusulatKalakhang MaynilaGraciano López JaenaBoracayPang-angkopCabanatuanFernando Poe Jr.NetherlandsPekeng balitaRelihiyonDambanang AguinaldoSarsuwelaKasarianPandemya ng COVID-19Regine VelasquezSucesos de las Islas FilipinasSeksuwal na panliligaligTeleseryeMapilindoPusaBatas militarBadjaoAraw ng KagitinganMga pambansang sagisag ng PilipinasCariñosaLabanan sa BritanyaAng mga Paglalakbay ni Marco PoloKaragMatematikaMiguel MalvarLihamDipologBudismoAng LadladTeoryang pampanitikanPanahon ng KaliwanaganPagmiminaPatinteroPakikipanayamAbakadaMitolohiyang PilipinoJosé de la CruzPandemyaDekada '70 (nobela)PanunuholSeksuwalidad ng taoFidel V. RamosOrganisasyong di-pampamahalaanPetrarcaTurkiyaLa Liga FilipinaKasaysayan ng Pilipinas (1898–1946)Saligang batas🡆 More