Ang isang matematiko ay isang taong gumagamit ng malawak na kaalaman sa matematika sa kanyang trabaho, kadalasa'y para lumutas ng mga problemang pang-matematika.
Ang matematika ay tungkol sa mga numero, datos, dami, estruktura, kalawakan, modelo at pagbabago.
Isa sa mga unang nakilalang matematiko ay si Thales ng Miletus (halos 624 na taon hanggang 546 taon bago mabuhay si Kristo); siya ay hinirang na unang tunay na matematiko at unang kilalang indibiduwal na nai-ugnay sa isang matematikang pagkatuklas. Siya ay binigyan ng papuri dahil sa kanyang unang paggamit ng deduksyong pangangatuwiran na ginamit sa heometriya, sa pamamagamitan ng apat na resultang pahayag ng teorama ni Thales.
Ang bilang ng mga kilalang matematikon ay dumami noong itinayo ni Pythagoras ng Samos (halos 582 na taon hanggang 507 na taon bago mabuhay si Kristo) ang Paaralan ni Pythagoras, na may doktrina na ang matematika ang namamahala sa buong kalawakan at may moto na "Ang lahat ay numero." Ang mga tagasunod ni Pythagoras ang lumikha ng salitang "matematika" at nagpasimula ng pag-aaral ng matematika para sa sarili nitong kapakanan.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wiki sa pagpapalawig nito.
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Matematiko, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.