Maria Sibylla Merian

Si Maria Sibylla Merian (2 Abril 1647 – 13 Enero 1717) ay isang Alemang naturalista at mangguguhit na pang-agham, na kaapu-apuhan ng sangay ng Frankfurt na Suwisong mag-anak na Merian, na mga tagapagtatag ng isa sa pinakamalaking bahay-palathalaan sa Europa noong ika-17 daantaon.

Maria Sibylla Merian
Maria Sibylla Merian
Kapanganakan2 Abril 1647(1647-04-02)
Kamatayan13 Enero 1717(1717-01-13) (edad 69)
Amsterdam, Republikang Olandes
TrabahoNaturalista, mangguguhit na pang-agham, entomologa
Kilala saDokumentasyon ng metamorposis ng paru-paro, pagguhit na pang-agham

Natanggap ni Merian ang kaniyang pagsasanay na pangsining mula sa kaniyang ama-amahan na si Jacob Marrel, na isang estudyante ng pintor ng buhay na hindi tumitinag na si Georg Flegel. Nanatili siya sa Frankfurt hanggang sa pagsapit ng 1670, na pagdaka ay lumipat siya sa Nuremburgo, Amsterdam at sa Kanlurang Friesland. Nilathala ni Merian ang kaniyang unang aklat ng mga ilustrasyong likas (guhit ng kalikasan), na pinamagatang Neues Blumenbuch, noong 1675 sa gulang na 28. Noong 1699, pagkatapos ng walong mga taon ng pagpipinta at pag-aaral, at dahil sa panghihikayat ni Cornelis van Aerssen van Sommelsdijck, na noon ay gobernador ng Timog Amerikanong Olandes na kolonya ng Surinam, si Merian ay ginawaran ng isang kaloob ng lungsod ng Amsterdam upang maglakbay sa Surinam na kasama ang kaniyang anak na babaeng si Dorothea. Pagkalipas ng dalawang taon na pagiging naroroon, napilitan siyang magbalik sa Europa bilang resulta ng malaria. Pagkaraan ay inilathala niya ang kaniyang pangunahing akdang pinamagatan bilang Metamorphosis insectorum Surinamensium noong 1705, na dahilan ng kaniyang pagiging tanyag. Dahil sa kaniyang maingat na pagmamasid at pagdodokumento ng metamorposis (pagbabagong-anyo) ng paru-paro, itinuring siya bilang nasa piling ng pinakamahahalagang mga tagapag-ambag sa larangan ng entomolohiya.

Bibliyograpiya

  • Neues Blumenbuch. Volume 1. 1675
  • Neues Blumenbuch. Volume 2. 1677
  • Neues Blumenbuch. Volume 3. 1677
  • Der Raupen wunderbare Verwandlung und sonderbare Blumennahrung. 1679
  • Metamorphosis insectorum Surinamensium. 1705

Mga talababa

Mga kawing na panlabas

Tags:

Maria Sibylla Merian BibliyograpiyaMaria Sibylla Merian Mga talababaMaria Sibylla Merian Mga sanggunianMaria Sibylla Merian Mga kawing na panlabasMaria Sibylla MerianFrankfurtMga AlemanNaturalistaSuwiso

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Pagkamatay ni Jang LuceroGabriela SilangKapeSaligang Batas ng Pilipinas ng 1973Noli me tangere (parilala)KatotohananAti-AtihanTala ng mga taonHuling PaalamWalisManny PacquiaoEuropaAmpalayaIdeolohiyang pampolitikaPaaralanGuroMga lalawigan ng PilipinasMindanaoPilosopiyaEncantadiaEksomunyonBaboyEfren PeñafloridaMaynilaSaknongTulinganSurotBulkanMga wika sa PilipinasSpoliariumPanitikanPulmonyaParokya ni EdgarSekularisasyonCebuKatipunanGawgawSaranggolaHermano PulePalawanKapangyarihang Alyados (Ikalawang Digmaang Pandaigdig)Watawat ng PilipinasPandiKalayaang sibilBibliyaBastosPeminismoAnyong tubigJacinto ZamoraKapuluang SpratlySenakuloKapayapaanAhasLGBTTambalanBarenaAmado V. HernandezWoodrow WilsonBongbong MarcosMarie AntoinetteSanggunianCalamba, LagunaTitiSanaysayDiperensiyang narsisistiko na personalidadKarahasan laban sa kababaihanMIMAROPASan Ildefonso, BulacanPanliligawBulutung-tubigMarcelo H. del PilarHuwaranTalaan ng mga sakuna sa PilipinasEmilio JacintoEdukasyonDagatPantabangan🡆 More