Ivan Iv Ng Rusya

Si Ivan IV Vasilyevich (Ruso:  Ива́н Четвёртый, Васи́льевич​ (tulong·impormasyon), Ivan Chetvyorty, Vasilyevich), kilala rin bilang Ivan ang Terible, Ivan ang Nakakahindik, Ivan ang Nakakatakot, Ivan ang Nakapangingimi, o Ivan ang Nakakasindak (Ingles: Ivan the Terrible, Ivan Grozny Ruso:  Ива́н Гро́зный​ (tulong·impormasyon)) (25 Agosto 1530, Moscow – 28 Marso 1584, Moscow) ay ang Grandeng Prinsipe ng Moscow mula 1533.

Ang kanyang mahabang pamumuno ay nakapagmasid ng pananakop ng mga Khanaduhan ng Kazan, Khanaduhan ng Astrakhan, at Khanaduhan ng Sibir (Khanaduhan ng Siberia), na nagpabago sa Rusya upang maging isang multi-etniko at multikumpesyunal na estado na sumasaklaw halos sa 1 bilyong mga hektarya, na lumalaki sa panahon ng kanyang pamumuno sa tulin na tinatayang 130 mga kilometro kuwadrado sa isang araw. Pinangasiwaan ni Ivan ang maraming mga pagbabago sa paglilipat mula estadong nasyong midyibal na naging isang imperyo at lumilitaw na kapangyarihan o lakas na pangrehiyon, at naging ang unang Tsar ng isang bago at mas makapangyarihang nasyon.

Ang mga pinagmumulang makakasaysayan ay nagpapahayag ng magkakaibang mga paglalahad hinggil sa masalimuot na ugali o personalidad ni Ivan: nilarawan siyang matalino at mataimtim o mapitagan, subalit bumabaling sa mga matinding pagngangalit at maaaring bumaling sa yugtu-yugtong sumpong ng karamdaman sa pag-iisip. Ang isang natatanging sumpong ay maaaring nagresulta sa kamatayan ng kanyang inihanda at napiling tagapagmanang si Ivan Ivanovich, na humantong sa pagpapasa ng pagka-Tsar sa mas nakababatang anak na lalaki: ang mahina at maaaring may kapansanan sa pag-iisip (may retardasyong mental) na si Feodor I ng Rusya. Tinawag si Ivan IV ng Rusya ng kanyang mag kaalinsabayan bilang "Ivan Grozny", na bagaman isinasalin bilang "Terible", ay katunayang may kaugnayan sa lakas, kapangyarihan, at kahigpitan, sa halip na hilakbot, lagim, o kalupitan. Kaya't kilala rin siya bilang Ivan ang Magnipisente o Ivan ang Kahanga-hanga.

Mga sanggunian

Tags:

158428 MarsoRu-Ivan Grozny.oggRusyaTalaksan:Ru-Ivan Grozny.oggTsarWikang RusoWikipedia:Tulong sa Mediatungkol sa tunog na ito

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Kagawaran ng Repormang PansakahanPamilihanPanitikanSitawKumbentoTukoTaguigAraw ng mga Nagkakaisang BansaJuan Ponce EnrilePusonKalesaNorzagarayKarapatanSimple random samplingPaaralanPariralaTotalitarismoMithiinWoodrow WilsonHiroshima Peace MemorialPananakit ng bayagKahel (kulay)Bayan KoKronolohiya ng kasaysayan ng PilipinasArtipisyal na katalinuhanPelikulaSan Pedro, LagunaPelikulang PilipinoAnak (pelikula)PasigSayaw sa ObandoPaterosDi-kathang isipIslam sa PilipinasChatGPTMartsa ng Kamatayan sa BataanDemokrasyaLa Ilustración FilipinaGamugamoKaibiganPearl HarborLalakiHumanismoSalapiBalutArtikuloLian, BatangasAlkoholismoNepotismoProklamasyon Blg. 1081Kritikal na pag-iisipMorong, BataanNobelaMarikinaKagawaran ng Interyor at Pamahalaang LokalPista ng PanagbengaKarapatang pantaoBicolTanayBarkoMga wika sa PilipinasBastosPamamaga ng mataImpiyernoNAMFRELHimagsikang PilipinoKasarianLambingSenado ng PilipinasPananaliksikIbong AdarnaJus sanguinisReporma sa lupaBulutung-tubigMaynilaAltapresyonRaffy TulfoMonarkiyang konstitusyonalBundok🡆 More