Klamidia

Ang klamidia (Ingles: chlamydia) ay isang uri ng sakit na nakukuha sa pakikipagtalik na sanhi ng isang impeksiyong bakterya.

Lumalabas ang sakit na ito mula pito hanggang dalawampu’t isang araw pagkatapos na mahawa. Tinatawag din itong sakit na tulo.

Mga palatandaan

Madalas na walang palatandaang makikita sa taong nahawahan na ng klamidia, partikular na sa mga lalaki. Ayon sa estadistika, pito sa bawat sampung babaeng may klamidia ang hindi nililitawan ng mga palatandaan; subalit mas madalas na ang mga lalaki ang nagiging tagapagdala (carrier) na kalimitang hindi rin pinagkakakitaan ng anumang mga sintomas. Maaari ring magkaroon ng klamidia na kasama ang iba pang uri ng mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik. Kung may sintomas, nagkakaroon ng pagiihing mahapdi at may kadalasan kung ihahambing sa pangkaraniwan. Nagkakaroon din ng mabahong pangangamoy sa mga ari. Kapwa din nagkakalagnat ang lalaki at babae. Sa mga kababaihan, nagkakaroon ng malapot at walang kulay na likidong lumalabas mula sa kasangkapang pangkasarian, at nagiging abnormal ang pagsasapanahon.

Kumplikasyon

Sa mga kababaihan, may pamamaga ang mga tisyu sa kapaligiran ng bahay-bata (Ingles: pelvic inflammatory disease, PID), pagdadalang-tao sa labas ng matris o ektopikong pagbubuntis (Ingles: ectopic pregnancy), pagdurugo pagkaraang makipagtalik, hindi normal na pagreregla, rayuma at pagkabaog.

Sa mga kalalakihan, nagkakaroon ng namamagang bayag, pagkabaog, rayuma, pamamaga ng mga mata (Ingles: conjunctivitis, sore eyes), pamamaga at tulo sa lalamunan (Ingles: pharyngitis).

Tingnan din

Mga sanggunian

Tags:

Klamidia Mga palatandaanKlamidia KumplikasyonKlamidia Tingnan dinKlamidia Mga sanggunianKlamidiaSakit na nakukuha sa pakikipagtalikWikang Ingles

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

KitaHalalanMuslimHimagsikang PilipinoTalaan ng mga kabanata sa Noli Me TangereTrangkasoAlbert EinsteinKathryn BernardoPagtutuli ng babaePaseguruhan ng mga Naglilingkod sa PamahalaanCebuInternetLipa, BatangasQuezonPagpagSTeodoro AgoncilloVintaKalayaan sa pananalitaKomunismoPulmonyaUnang Digmaang OpyoHIVEspiritwalidadBuwan ng KababaihanFerdinand MarcosRomeo at JulietaNapoleon AbuevaPagsusuriMacario SakayKabiteBiyernes SantoMonarkiyaBawangSarsuwelaTeleseryeMga TagalogIsraelPangalawang Pangulo ng PilipinasPangulo ng PilipinasResesyonKasuotanKundolAdam SmithHimagsikanTayutayMustafa Kemal AtatürkLalakiKatarunganLa Liga FilipinaParagisKagawaran ng mga Pagawain at Lansangang BayanTakdang-aralinMga rehiyon ng PilipinasManokBansang umuunladMga lalawigan ng PilipinasHumanismoArko ni NoeBulaklak ng MayoWikang KapampanganKatipunanMeycauayanKarl MarxAlamatLakandulaEbolusyon ng taoHomoseksuwalidadCagayan de OroMga Ibong MandaragitIdeolohiyang pampolitikaPangatnigAborsyon sa PilipinasBuhayTeknikal na pagsulatSawikainKapayapaan🡆 More