1917 Himagsikang Ruso: Himagsikang nagpabagsak sa monarkiyang Ruso

Ang Himagsikang Ruso ng 1917 ay isang serye ng mga himagsikan sa Imperyong Ruso.

Ang mga kaganapan sa panahong ito ang nagwasak sa awtokrasyang Tsarista at tumulong sa paglikha ng Unyong Sobyet. Ang Himagsikang Pebrero ang unang rebolusyon na naganap noong Pebrero 1917. Napalitan ang Tsar (Czar) ng pamahalaang probisyonal. Ang pangalawang rebolusyong kilala bilang Himagsikang Oktubre ay naganap sa buwan ng Oktubre noong 1917. Pinalitan ng mga Bolshevik ang pamahalaang probisyonal.

Himagsikang Pebrero

1917 Himagsikang Ruso: Himagsikang Pebrero, Himagsikang Oktubre, Digmaang Sibil sa Rusya 
Mga nagpoprotestang rebolusyonaryo noong Pebrero 1917

Sa simula ng Pebrero, nagsimula ang mga manggagawa ng Petrograd ng ilang welga at demonstrasyon. Noong Marso 7 [O.S. Pebrero 22], nagsara ang Putilov, ang pinakamalaking plantang pang-industriya sa Petrograd, dahil sa welga ng mga mangagagawa. Sa sumunod na araw, naganap ang isang serye ng pagpupulong at pagtipun-tipon para sa Pandaigdigang Araw ng Kababaihan, na unti-unting naging patitipong pampolitika at pang-ekonomika. Naorganisa ang mga demonstrasyon upang humingi ng tinapay, at sinuportahan ito ng puwersang manggagawang pang-industriya na tinuturing silang bilang dahilan ng patuloy na welga. Nagmartsa ang mga manggagawang kababaihan sa katabing pagawaan na nagdala ng higit sa 50,000 manggagawa para magwelga. Sa pagpatak ng Marso 10 [O.S. Pebrero 15], halos lahat ng mga negosyong pang-industriya sa Petrograd ang nagsara, kasama ang maraming negosyong pang-komersyo at pang-serbisyo. Sumali ang mga mag-aaral, manggagawang pang-opisina, at guro sa mga kalye at mga pagpupulong pampubliko.

Himagsikang Oktubre

Sumunod ang Himagsikang Oktubre na sinamantala ang mga kaganap sa Himagsikang Pebrero na nauna, na nagdulot sa pagbibitiw ni Nicolas II at ang paglikha ng pamahalaang pansamantala. Kilala din ang Himagsikang Oktubre bilang ang Dakilang Himagsikang Sosyalista ng Oktubre, (sa Historiyagrapiyang Sobyetiko) o Kudetang Oktubre. Pinamunuan ang Himagsikang ito sa Rusya ng Partidong Bolshevik ni Vladimir Lenin na naging susi sa mas malaking Himagsikang Ruso na tumagal mula 1917 hanggang 1923. Ito ang ikalawang pagbabagong rebolusyonaryo ng pamahalaan sa Rusya noong 1917. Naganap ito sa pamamagitan ng armadong paghihimagsik sa Petrograd (San Petersburgo na ngayon) noong Nobyembre 7, 1917 [O.S. October 25].

Digmaang Sibil sa Rusya

Nagdulot ng Digmaang Sibil sa Rusya ang pagpapatalsik ng sosyo-demokratikong Pansamantalang Pamahalaang Ruso na nabuo noong Himagsikang Oktubre. Sa digmaang sibil na ito, maraming paksyon ang lumaban upang tukuyin ang politika ng Rusya sa hinaharap. Nagresulta ito sa pagbuo ng Sobyetikong Pederatibong Sosyalistang Republika ng Rusya at sa kalaunan ang Unyong Sobyetiko sa karamihan ng teritoryo nito. Minarkahan ng katapusan nito ang katapusan ng Himagsikang Ruso, na isa mga susing kaganapan sa ika-20 dantaon.

Mga pananda

Mga sanggunian

This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Himagsikang Ruso (1917), which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.

Tags:

1917 Himagsikang Ruso Himagsikang Pebrero1917 Himagsikang Ruso Himagsikang Oktubre1917 Himagsikang Ruso Digmaang Sibil sa Rusya1917 Himagsikang Ruso Mga pananda1917 Himagsikang Ruso Mga sanggunian1917 Himagsikang RusoAwtokrasyaBolshevikHimagsikanHimagsikang OktubreHimagsikang PebreroImperyong RusoTsarUnyong Sobyet

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Eat Bulaga!IndonesiaWalisMoro National Liberation FrontSa Aking Mga KabataPaciano RizalGintoMarijuanaPigsaSanta Maria, BulacanKarahasan laban sa kababaihanSumbreroTeresa MagbanuaDambanang Rizal (Calamba)LagariHentaiIkalawang Digmaang Laban sa OpyoKorupsiyonTalaan ng mga salitang hiniram ng TagalogMartsa ng Kamatayan sa BataanDalagDinamika (musika)PabulaTimog KoreaBawal na gamotLeonor RiveraTalinghagaTawag ng TanghalanDyords JavierBastosFranklin D. RooseveltSigarilyoEpektong greenhousePagpapatalastasBoracayPelikulaNorzagarayKampanya laban sa iligal na droga sa PilipinasTaguigFelix ManaloKabiseraMedidaPagkakapantay-pantay ng mga kasarianKorupsiyon sa PilipinasRene SaguisagListahan ng mga aktibong bulkan sa PilipinasSakit na naipapasa sa pakikipagtalikTerorismoRelihiyonPamahalaan ng PilipinasChiang Kai-shekSalawikainMelchora AquinoAlmuranasMoroKatotohananPangunang lunasBuwisPasismoPanaguriPropesyonAraling panlipunanKalabawApogMithiinKongreso ng PilipinasKuomintangTsartAnne CurtisSaranggolaWikipediaSagisag ng Republika ng PilipinasMga AetaTeknolohiyaFreddie AguilarBatas militarKasuotanEpiko🡆 More