Ang Gitnang Kabisayaan (Ingles: Central Visayas) ay isang rehiyon ng Pilipinas na matatagpuan sa mga kapuluan ng Kabisayaan.
Binubuo ito ng apat na lalawigan, Bohol, Cebu, Negros Oriental at Siquijor at ng mga nagsasariling lungsod ng Cebu, Lapu-Lapu, at Mandaue. Katutubong sinasalita ang wikang Sebwano. Ang lungsod ng Cebu ang sentro ng rehiyon.
Gitnang Kabisayaan Tunga-tungang Kabisay-an Rehiyon VII | |
---|---|
Mula itaas-kaliwa hanggang ibaba-kanan: Cebu Metropolitan Cathedral (Cebu); Balinsasayao Twin Lakes Natural Park (Negros Oriental); Chocolate Hills (Bohol); Salagdoong Beach (Siquijor); | |
Palayaw: | |
Lokasyon sa Pilipinas | |
Mga koordinado: 10°00′N 123°30′E / 10°N 123.5°E | |
Bansa | Philippines |
Pangkat ng mga Pulo | Kabisayaan |
Sentro ng Rehiyon | Lungsod ng Cebu |
Lawak | |
• Kabuuan | 15,895.66 km2 (6,137.35 milya kuwadrado) |
Ranggo sa lawak | ika-13 |
Populasyon (senso ng 2020) | |
• Kabuuan | 8,081,988 |
• Ranggo | 4th |
• Kapal | 510/km2 (1,300/milya kuwadrado) |
• Ranggo sa densidad | ika-3 |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) |
Kodigo ng ISO 3166 | PH-07 |
Mga lalawigan | |
Mga lungsod | |
Mga Munisipalidad | 116 |
Mga Barangay | 3,003 |
Mga Distrito | 11 |
Mga Wika |
Ang Gitnang Kabisayaan ay binubuo ng 4 na mga lalawigan at 3 mataas na urbanisadong lungsod.
Lalawigan/Lungsod | Kabisera | Populasyon (2015) | Lawak (km²) | Kakapalan (/km²) |
---|---|---|---|---|
Bohol | Lungsod ng Tagbilaran | 1,313,560 | 4,820.95 | 272.5 |
Cebu | Lungsod ng Cebu | 2,938,982 | 4,943.72 | 594.5 |
Negros Oriental | Lungsod ng Dumaguete | 1,354,995 | 5,402 | 240 |
Siquijor | Siquijor | 95,984 | 337.49 | 284.4 |
Lungsod ng Cebu¹ | — | 922,611 | 315.00 | 2,928.9 |
Lungsod ng Lapu-Lapu¹ | — | 408,112 | 58.10 | 7,024.3 |
Lungsod ng Mandaue¹ | — | 362,654 | 25.18 | 14,402.46 |
Bagaman ang Lungsod ng Cebu, Lungsod ng Mandaue, at Lungsod ng Lapu-Lapu ay kadalasang nakapangkat sa ilalim ng lalawigan ng Cebu para sa layuning estadistikal ng Pambansang Tanggapan ng Estadistika, bilang mga mataas na urbanisadong lungsod sila ay nagsasarili at hindi pinapamahalaan ng lalawigan ng Cebu.
Taon | Pop. | ±% p.a. |
---|---|---|
1990 | 4,594,124 | — |
2000 | 5,706,953 | +2.19% |
2010 | 6,800,180 | +1.77% |
2015 | 7,396,898 | +1.61% |
Nabibilang ang Negros Oriental sa datos ng taong 2015. Source: Philippine Statistics Authority |
Ayon sa pinakahuling senso noong 2015, umabot sa 7 milyon ang populasyon ng Gitnang Kabisayaan. Ang Rehiyon VII ang ikalimang pinakamataong rehiyon ng Pilipinas.
Ang Sebwano ang pinakalaganap na wika sa rehiyon. Nakakaintindi rin ang nakakarami ng Tagalog, Ingles.
Dahil nahihiwalay ng dagat ang mga lalawigan sa rehiyon, isang malaking industriya sa rehiyon ang transportasyong pandagat. Ang Pantalan ng Cebu ang pangunahing daungan sa rehiyon na siya ring pinakamalaking daungan sa buong Kabisayaan. May mga biyahe rito papunta sa iba't ibang parte ng Kabisayaan, Mindanao at Luzon. Mayroon ring mga daungan sa ibang bahagi ng lalawigan ng Cebu. Marami ring daungan sa Bohol, Negros Oriental at Siquijor. Ilan dito ang mga pantalan ng Dumaguete, Tagbilaran at Larena.
Ang Paliparang Pandaigdig ng Mactan–Cebu, na matatagpuan sa Lungsod ng Lapu-Lapu, ay ang ikalawang pinakaabalang paliparan sa Pilipinas (pagkatapos ng Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino) sa Kalakhang Maynila at ang tanging paliparan sa Kabisayaan na may mga pandaigdigang paglipad (maliban sa Paliparang Pandaigdig ng Kalibo).
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wiki sa pagpapalawig nito.
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Gitnang Kabisayaan, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.