15°1′36.6″N 120°41′12.15″E / 15.026833°N 120.6867083°E / 15.026833; 120.6867083
San Fernando P | ||||||||||||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Pambansang Daambakal ng Pilipinas | ||||||||||||||||||||||||||||||
Pangkalahatang Impormasyon | ||||||||||||||||||||||||||||||
Lokasyon | Lungsod ng San Fernando, Pampanga | |||||||||||||||||||||||||||||
Pagmamayari ni/ng | Pambansang Daambakal ng Pilipinas | |||||||||||||||||||||||||||||
Linya | Linyang Pahilaga ng PNR | |||||||||||||||||||||||||||||
Ibang impormasyon | ||||||||||||||||||||||||||||||
Kodigo | SFN | |||||||||||||||||||||||||||||
Kasaysayan | ||||||||||||||||||||||||||||||
Nagbukas | Pebrero 2, 1892 | |||||||||||||||||||||||||||||
Nagsara | 1989 | |||||||||||||||||||||||||||||
Serbisyo | ||||||||||||||||||||||||||||||
|
Ang estasyong daangbakal ng Lungsod San Fernando, (o tinatawag din bilang estasyong ng San Fernando P o Himpilang daangbakal ng San Fernando), isang dating estasyong daang-bakal sa Pangunahing Linyang Pahilaga (North Main Line) o "Linyang Pahilaga" (Northrail) ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas. Matatagpuan ito sa Lungsod ng San Fernando, ang kabisera ng lalawigan ng Pampanga. Ito ay isang makasaysayang pook-palatandaan ng lungsod ang himpilang. Noon, ang estasyong daang-bakal ay lugar ng paghinto para sa mga Pilipino at Amerikanong bilanggo ng digmaan (prisoners of war) noong naganap ang Martsa ng Kamatayan sa Bataan noong 1942.
Pinasiyahan nina Gobernador-Heneral Eulogio Despujol at Arsobispo ng Maynila Bernardino Nozaleda ang estasyon noong Pebrero 23, 1892. Bumaba si José Rizal mula sa estasyon ito noong Hunyo 27, 1892 upang sumalubong sa ilang mga bagong kaanib para sa La Liga Filipina at muli sa sumunod na araw pagtungo sa Bacolor. Nang naganap ang Martsa ng Kamatayan sa Bataan noong Abril 1942, nagsilbi ang himpilan bilang huling punto para sa 102-kilometro (63-milyang) martsa mula Bataan. Mula rito, inihatid ang mga Pilipino at Amerikanong bilanggo ng digmaan patungong Capas sa Tarlac sa pagdaraan sa Kampo O'Donnell, ang kanilang huling paroroonan. Isinara ang estasyon mula nang natigil ang mga pahilagang serbisyong riles ng Pambansang Daambakal ng Pilipinas higit sa dalawampung taon na ang nakalilipas.
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Estasyon ng San Fernando (Pampanga), which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.