Babae

Ang babae ay salitang pangkasariang ginagamit para sa tao (Ingles: woman o lady at women o ladies ) at mga hayop (Ingles: female; sa Hebreo: ishah; sa ilang salin sa Bibliya: virago, varona).

Kabaligtaran ito ng salitang lalaki. Tinatawag na kababaihan (Ingles: womanhood o womankind) ang grupo ng mga babae. Karaniwang tumutukoy ang salitang babae sa mga ginang o gining [may asawa] at binibini o dalaga [wala pang asawa] na nasa hustong gulang na. Batang babae (Ingles: girl o lass) naman ang tawag sa isang babaeng tao na wala pa sa hustong gulang, at dalagita o dalaginding ang isang batang babaeng nagdadalaga.

Babae
Katotohanan, 1870, ni Jules Joseph Lefebvre.
Babae
Ang simbolo para sa planetang Venus ay ginagamit ding tanda para sa mga kababaihan, tao man o hayop.
Babae
Mga bahagi (sa harapan) ng katawan ng isang babaeng tao: 1. buhok, 2. kilay, 3. mata, 4. ilong, 5. tainga, 6. bibig, 7. baba, 8. leeg, 9. balikat, 10. lugar ng dayapram, 11. dibdib, 12. suso, 13. utong, 14. braso, 15. balakang, 16. tiyan, 17. siko, 18. puson, 19. singit, 20. bulbol, 21. kasukasuan, 22. puke, 23. kamay, 24. hita, 25. mga daliri, 26. tuhod, 27. lulod, 28. bukung-bukong, at 29. paa at mga daliri
Babae
Mga bahagi (sa likuran) ng katawan ng isang babaeng tao: 1. ulo, 2. buhok, 3. leeg, 4. balikat, 5. likod, 6. kili-kili , 7. braso, 8. gulugod, 9. balakang, 10. siko, 11. pigi, 12. puwit, 13. kamay, 14. mga daliri, 15. hita, 16. alak-alakan, 17. binti, 18. bukung-bukong, 19. paa, at 20. mga daliri at talampakan.

Kabilang sa ibang katawagan sa babae ang mga salitang balbal na bebot at egat. Tinatawag namang ali o ale ang babae kung may paggalang sa isang hindi nakikilalang babae, bagaman ginagamit ang aling sa pagtawag na may paggalang sa isang kilala nang tao sapagkat katumbas ito ng mis (Ingles:Miss) at misis (Ingles:Mrs.). Dalaga (mula sa Sanskrito: दारिका [dārikā]) naman ang tawag sa isang babaeng wala pang asawa ngunit nasa hustong gulang na.

Sa Aklat ng Pahayag (nasa Pahayag 17:7-8) ng Bagong Tipan ng Bibliya, kumakatawan ang salitang babae, kasama ng salitang halimaw, para sa emperador ng Roma at maging para sa sinaunang lungsod ng Roma  – ang itinuturing din na larawan ng "lungsod ng dimonyo"  – noong panahon ni Nero at ni Domikiano.

Tingnan din

Mga sanggunian

Babae  Ang lathalaing ito na tungkol sa Antropolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wiki sa pagpapalawig nito.

Tags:

KasarianLalakiTaoWikang Ingles

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

DatuOryentasyong seksuwalBanaag at SikatLeonor RiveraKagawaran ng AgrikulturaParihabaKapangyarihang AksisKalakalanAsoIkalawang Rebolusyon sa EDSATeknolohiyaAlpabetong FilipinoKomisyon sa Wikang FilipinoEduardo V. ManaloIndonesiaSandatahang Lakas ng PilipinasNoli me tangere (parilala)LapayTalabaKomisyon sa Mas Mataas na EdukasyonILOVEYOULabanan sa MactanEpikoSilangang AsyaKomedyaMao ZedongIbonKalakhang MaynilaDasalDigmaang MalamigPangngalanPulmonyaKahirapanKawalAgrikulturaMaikling kuwentoKapaligiranRodrigo DuterteSapilitang trabahoEstadistikaBangusBintiYouTubeFlorante at LauraKatipunan ng mga KarapatanBangungotApolinario MabiniPakikipagtalastasanKongreso ng PilipinasBuhawiJose W. DioknoAraling panlipunanBuod (paglilinaw)Pang-angkopGaleon ng MaynilaFreddie AguilarTalaan ng mga Kabanata sa Noli Me TangereKapayapaanArtikuloKristiyanismoAswangWoodrow WilsonTulinganMartsa ng Kamatayan sa BataanEat Bulaga!Jose P. LaurelPamahalaan ng PilipinasArsobispoBenigno Aquino Jr.MaynilaMarilaoPanliligawFernando AmorsoloHikaSaligang Batas ng Pilipinas ng 1987MundoSaging🡆 More