Pagkababae

Ang pagkababae, peminidad, ugaling babae, o pagiging babae (Ingles: muliebrity, salitang hinango mula sa Latin na muliebris; womanhood, o femininity) ay isang pangkat ng mga katangian, mga kaasalan o pag-uugali, at mga gampanin na pangkalahatang may kaugnayan sa mga batang babae at kababaihang nasa wastong gulang na.

Bagaman itinatag o nilikha ng lipunan, ang peminidad ay binubuo ng mga bagay-bagay na kapwa itinalaga ng lipunan at nilikha ng biyolohiya. Dahil dito, naiiba ito mula sa payak na kahulugan ng pambiyolohiyang kasarian na pambabae, bilang kababaihan, kalalakihan, at mga taong transhender na maaaring magpamalas ng mga katangiang peminino, katulad ng paglalarawang pagkabinabae (ng binabae) at kabaklaan (ng isang bakla). Kaya't ang pagkababae o pemininad ay isang neolohismo na kabaligtaran o kaya ay katambal ng pagkalalaki (birilidad) o kaya ng maskulinidad. Bukod sa pagbibigay ng kahulugan rito ng "pagiging babae" o "pagkababae", ito rin ay minsang nabibgyan ng kahulugan na may diwang "parang babae" (kung kumilos, sa kalinisan sa katawan, o manamit, bilang halimbawa). Minsan ding ginagamit ito bilang mapagtipong kataga para sa kababaihan.

Pagkababae
Ang dibuhong Pagsilang kay Benus na iginuhit ni Boticelli ay isang klasikong kinatawan ng peminidad. Si Benus ay isang diyosa sa mitolohiyang Romano na pangunahing may kaugnayan sa pag-ibig, kagandahan, at pertilidad.

Ang mga katangiang may kaugnayan sa peminidad ay kinabibilangan ng isang kasamu't sarian ng mga bagay na panlipunan at pangkultura, at kadalasang nagbabagu-bago ayon sa lokasyon at konteksto. Ang mga katangiang pangpag-uugali na itinuturing na peminino ay kinabibilangan ng kayumian, pagkabanayad, kalamyusan, empatiya (maunawain sa damdamin ng ibang tao), at sensitibidad (pagiging sensitibo). Ang kabaligtaran ng peminidad ay ang maskulinidad.

Tingnan din

Mga sanggunian

Tags:

Babae (kasarian)BaklaBinabaeFemininityKababaihanMaskulinidadNeolohismoPagkalalakiPambabaeTranshenderWomanhood

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

GlobalisasyonPagtutuli ng babaePananakop ng mga Hapones sa PilipinasPortugalKagawaran ng KalusuganUgandaSImperyong MaliJosefa Llanes EscodaKarapatang pantaoLa Liga FilipinaMedisinaMitoKahulugan ng buhayPonemaBagyong Paeng (2022)Parokya ni EdgarTeleskopyoIntramurosKooperatibaLipunanEkonomiya ng PilipinasEl NiñoIdeolohiyaKasaysayan ng salapi ng PilipinasHuling PaalamMga IgorotIlocosInplasyon (presyo)Charles Darwin24 OrasBongbong MarcosDambanang Rizal (Calamba)PisoJosephine BrackenBangkong PandaigdigBadmintonBawangIspiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng PilipinasJawaharlal NehruViva Hot BabesPagbabago ng klimaKuwentong-bayanHainismoAtang dela RamaBalagtas, BulacanAnekdotaKatauhang pangkasarianAti-AtihanAlpabetong FilipinoIbong AdarnaTalinghagaElpidio QuirinoEmilio AguinaldoAraw ng KalayaanKomunismoWilliam HarveyRené DescartesEat Bulaga!MasbateSitaTahananKasoyBuwan ng KababaihanUnang PahinaSagisag ng Republika ng PilipinasAlbumEmilia ClarkeRebolusyong IndustriyalSan Pedro, LagunaVoccaKomisyon sa Wikang FilipinoDigmaang Mapanghimagsik sa AmerikaTeknolohiyaKaugaliang PilipinoCalabarzon🡆 More