Apolo: Grieyong Mitolohiyang Diyos Ng Araw

Si Apolo, Apollo o Apollon ay ang diyos ng liwanag at musika sa mitolohiyang Griyego.

Anak siyang lalaki ni Zeus kay Leto (Latona), na anak na babae ng isang Titano. Kapatid at kakambal siyang lalaki ni Artemis. Apollo rin ang tawag sa kanya sa mitolohiyang Romano. Binabansagan din siyang Phoibos o Phoebus na nangangahulugang maliwanag, nakasisilaw, o nagliliyab dahil sa kanyang angking kabataan at kaakit-akit na mukha, kaya't ikinakabit siya sa araw o bilang diyos ng araw na si Helios sa Griyego o Sol sa Romano. Kilala siya ng mga Etruskano bilang Apulu o Aplu.

Apolo: Grieyong Mitolohiyang Diyos Ng Araw
Si Apollo.

Bilang diyos ng araw, lagi siyang maaasahan ng tao hinggil sa katotohanan at maging ng kagandahan, sapagkat walang kadilimang nagmumula kay Apollo. Wala ring mabangis na pag-uugali o pag-init ng ulo at galit. Wala ring takot.

Bilang diyos ng tugtugin, lumilikha at tumutugtog si Apollo ng musika mula sa isang ginintuang kudyapi o lira. Ngunit isa rin siyang diyos na bihasa sa pagpana, na nagmamay-ari at naghahawak ng sandatang pilak na pana.

Isa siyang diyos na gumagabay sa tao upang malaman ang "kagustuhang banal". Bilang tagasunod ni Apollo, nagtuturo ang kanyang orakulong nasa templo niya sa Delphi ng mga ukol sa sining, pagbibigay lunas, at panggagamot o pagpapagaling.

Mga sanggunian

Tags:

Araw (astronomiya)ArtemisMitolohiyang EtruskanoMitolohiyang GriyegoMitolohiyang RomanoTitanoZeus

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Coco MartinParusang kamatayanPamahalaan ng PilipinasSamahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang AsyaAng Isang Libo't Isang GabiLokal na pamahalaanFelix Resurreccion HidalgoHidilyn DiazMustasaSaknongGomburzaMga Batas sa Ika-13 Kongreso ng PilipinasPasigAng Pagong at ang MatsingKasunduan ng Maynila (1946)Pag-atake sa Pearl HarborIkalawang Digmaang Laban sa OpyoDiptonggoIkalawang Republika ng PilipinasSpoliariumSistemang pang-ekonomiyaIsaac NewtonJawaharlal NehruManggaHèctor Hernández VicensBuwan ng WikaMicronesiaAnyong lupaIglesia ni CristoApolinario MabiniSeksuwal na panliligaligGitaraDengueMustafa Kemal AtatürkDaigdigKatapanganMao ZedongSaligang batasKagawaran ng Pananalapi (Pilipinas)KabiteIbn SaudMarikinaTalasalitaanKalikasanKasunduan sa TordesillasMarijuanaIbong AdarnaEpektong greenhouseAtomoLayonKampanya laban sa iligal na droga sa PilipinasSanaysayFernando de MagallanesLaissez-faireBangkoRaha SulaymanSanggunianAmado V. HernandezAdan at EbaAristotelesMga wika sa PilipinasGabinete ng PilipinasGlobalisasyonPanghalipBenjamin PascualBugtongKotseThomas HobbesUgandaCalamba, LagunaKasunduan sa VersaillesHinuhaSa Aking Mga KabataEspiritwalidadAnak (pelikula)🡆 More