Anzor Erkomaishvili

Si Anzor Erkomaishvili (Heorhiyano: ანზორ ერქომაიშვილი; Agosto 10, 1940 - Marso 31, 2021) ay isang Heorhiyanog mang-aawit, kompositor, at mananaliksik ng musikang-pambayan.

Kilala siya sa kaniyang matagal nang trabaho bilang musical director ng folk choir na Rustavi Ensemble mula noong 1968 at mga pagsisikap para sa pagpapanatili ng pamana ng katutubong pag-awit ng Georgia.

Talambuhay

Si Anzor Erkomaishvili ay ipinanganak sa Batumi na noo'y bahagi ng Sobyet na Georgia sa isang pamilyang may matagal nang tradisyon sa musika. Ang kaniyang lolo ay ang Heorhiyanong pambayang mang-aawit na si Artem Erkomaishvili. Nagtapos siya sa Tbilisi State Conservatoire noong 1969. Bilang isang mag-aaral, nagsimula siyang mangolekta at mag-transcribe ng poliponikong repertoire pambayang Heorhiyano, partikular na mula sa lalawigan ng Guria. Noong 1968, itinatag niya ang Koro Rustavi na naglibot sa buong Georgia at sa ibang bansa sa loob ng mga dekada.

Ang gawain ni Erkomaishvili sa pagsasaliksik, pag-compile at pag-iingat sa pamana ng katutubong pag-awit. Kabilang dito ang Georgia: History, Culture, Ethnography. Ito ay isang dalawang-tomong aklat na sumasaklaw sa pamana at kultura ng bansa. Inihayag ito nakaraang 2019.

Ang kaniyang mga gawain ay nagbigay sa kaniya ng maraming mga parangal, kabilang ang titulong Meritorious Artist of Georgia (1969), Ivane Javakhishvili at Shota Rustaveli pambansang mga premyo, Order of Honor at Presidential Order of Excellence (2020), Onoraryong Mamamayan ng Tbilisi (2014) at iba pa. Noong 2008 siya ay nahalal sa Parlamento ng Georgia para sa naghaharing partido ng United National Movement mula sa nag-iisang mandato na distrito ng Ozurgeti, ngunit nagbitiw siya sa kaniyang posisyon sa parlyamentaryo noong Marso 2009. Naglathala siya ng mga memoir at mga libro sa Heorhiyanong musikang-pambayan

Marso 19, 2021 nang nagsimulang mapunta sa artipisyal na bentilasyon si Erkomaishvili sa University Clinic of Tbilisi dahil sa pakikipagsapalaran sa COVID-19. Namatay si Erkomaishvili dahil sa mga komplikasyon na nauugnay sa virus sa isang ospital sa Tbilisi noong Marso 31,2021. Siya ay inilibing sa Mtatsminda Pantheon sa Tbilisi.

Mga sanggunian

Tags:

Georgia (bansa)Wikang Heorhiyano

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

PagtutuliBughawTsinaBatas Republika Bilang 9165 ng PilipinasPanitikanListahan ng mga aktibong bulkan sa PilipinasMel TiangcoAsoKapangyarihang Alyados (Ikalawang Digmaang Pandaigdig)PamangkinArkiduke Franz Ferdinand ng AustriyaBantasPangngalanIdeolohiyang pampolitikaAntipoloBlitzkriegMahatma GandhiFlorante at LauraEstadistikaKalakhang MaynilaKomisyon sa Wikang FilipinoBoholBenito MussoliniPagkamatay ng magkapatid MaguadPamilihanFranklin D. RooseveltBahay na batoBoracayOrasanCOVID-19TuberkulosisEfren PeñafloridaGaleon ng MaynilaBayan KoIskwalang panubokHikaPariralaKomisyon sa HalalanKumbentoSilangang AsyaMga KrusadaMao ZedongEroplanoTeoryang pampanitikanPananampalatayaMga IgorotMarian RiveraKahirapanPandemya ng COVID-19ManggaUnyon ng manggagawaGaslightingGaroteKasaysayan ng PilipinasRobin PadillaBatas militar sa ilalim ni Ferdinand MarcosKaranasanSanaysaySagisag ng Republika ng PilipinasGitnang LuzonMakatiGarapataMga PilipinoMonopolyoWikang InglesAghamNepotismoDatuPampangaKanser sa susoHimagsikang PransesEDSAGloria Macapagal ArroyoMarcos ang EbanghelistaLikas na yamanBahaPag-atake sa Pearl HarborSakit na naipapasa sa pakikipagtalikBonifacio Global City🡆 More