Agnostisismo

Ang agnostisismo (Griyego: α- a-, may ibig sabihing wala(ng) + γνώσις gnōsis, nangangahulugang kaalaman, kaya't walang kaalaman kapag nabuo ang parirala o salita; pagkaraan ng nostisismo) ay isang uri ng paniniwalang pangpananampalataya hinggil sa pagkakaroon ng Diyos o ng mga diyos.

Isa itong paniniwalang nagsasaad na nababatay lamang ang kabatiran o kaalaman sa nakikita o naoobserbahan. Isa rin itong teoriyang hindi tumatangging may Diyos subalit naglalahad na imposibleng makilala ang Diyos o ang mga diyos. May ilang mga taong tumatawag sa kanilang mga sarili bilang mga agnostiko ang nagsasabing hindi maaari o di posibleng mapatunayan kung mayroon o walang Diyos o mga diyos sa uniberso. Ngunit may mga agnostikong nagsasabing natatanging hindi sila sigurado o hindi sila nakatitiyak kung mayroon nga o wala ngang Diyos o mga diyos.

Sa katunayan, maraming iba't ibang mga uri ng agnostisismo.

  • Agnostismong absoluto (agnostisismong matigas, saradong agnostismo, agnostisismong matigas, agnostisismong malakas), isang paniniwalang nagsasabing imposibleng mapatotohanan kung mayroon o walang Diyos o mga diyos.
  • Agnostisimong empirikal ('agnostisismong malambot, agnostisismong bukas, mahinang agnostisismo, agnostisismong temporal), isang paniniwalang walang sinumang nakakaalam sa ngayon kung umiiral o hindi ang Diyos o mga diyos, ngunit maaaring matagpuan ito sa hinaharap.
  • Agnostismong apatetiko, isang paniniwalang nagsasabing hindi mahalaga kung umiiral nga ba o hindi ang Diyos o mga diyos.

Kung minsan, ikinalilito ng mga tao ang agnotisismo sa iba pang mga paniniwala, katulad ng ateismo. Magkaiba ang mga ito, dahil talagang naniniwala ang mga ateistang walang Diyos o mga diyos; samantala, payak na naniniwala ang mga agnostiko na hindi talaga sila sigurado hinggil sa Diyos o mga diyos, o nag-iisip silang hindi talaga sila nakatitiyak kung malalaman ito o hindi.

Mga paniniwalang kaugnay ng agnostisismo

  • Ignostisismo, ang paniniwala na ang ideya ng Diyos o mga diyos ay walang sapat na paglalarawan o depinisyon, kaya't walang kahulugan ang pagsasabi ng "umiiral ang Diyos" (may Diyos) o "hindi umiiral ang Diyos" (walang Diyos). May ilang mga taong nag-iisip na isang uri ng agnostisismo ang ignostisismo. May ilan namang mga taong umiisip na isa itong uri ng ateismo. At may ilan pa ring kaiba ito sa dalawang ito.
  • Agnostikong teismo, isang paniniwala ng mga taong mayroon ngang Diyos o mga diyos subalit hindi sila talaga nakakatiyak.
  • Agnostikong ateismo, isang kawalan ng paniniwala sa mga pag-iral ng anumang diyos, ngunit hinuha nila na ang pagkakaroon ng isang banal na entidad o mga entidad ay maaaring hindi nalalaman alinman sa saligan o sa kasalukuyang katotohanan.
  • Post-teismo, isang pananaw na dating mahalaga ang relihiyon o pananampalataya, subalit hindi na ito importante ngayon.

Tingnan din

Mga sanggunian

Agnostisismo Agnostisismo  Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilosopiya at Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wiki sa pagpapalawig nito.

Tags:

NostisismoUnibersoWikang Griyego

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

PresasNoli me tangere (parilala)Bundok ApoIsraelKaunlaranIslam sa PilipinasHIVPagtutuliLihamBulutung-tubigSenakuloBahaSosyalismoDawagKasaysayan ng salapi ng PilipinasGaslightingSigarilyoEpektong greenhouseBanaag at SikatJudy Ann SantosGloria Macapagal ArroyoMiriam Defensor–SantiagoDasalLarong onlineTayutayMyanmarNanganganib na mga uriRelihiyonPagpapatalastasPanloloko sa Pondo ng Pangunahing Tulong sa Pag-unladSan Jose del MontePagduduwalSakit sa ibaba ng likodAng Pagong at ang MatsingPambansang Pulisya ng PilipinasSpoliariumMga Ibong MandaragitPartido Liberal (Pilipinas)Lokal na pamahalaan ng PilipinasAbogadoApolinario MabiniJacinto ZamoraTeoryang pampanitikanDengueDyipniKatapatanFreddie AguilarLayonTalatuntunan ng Kaunlarang PantaoNazismoKulturaBoracayApendisitisPanliligawKalayaan ng mga mamamahayagFrancisco DagohoyInternetKarahasanPaul Jake CastilloSan Pedro, LagunaHimagsikanKagawaran ng Interyor at Pamahalaang LokalMyrna DelgadoDambanang Rizal (Calamba)Talaan ng mga kabanata sa Noli Me TangereHiroshima Peace MemorialMamagIkalawang Digmaang Laban sa OpyoLa Liga FilipinaKomisyon ng Karapatang PantaoPagmamanupakturaItalyaPandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng TaoReporma sa lupaBata, Bata...Pa'no Ka Ginawa?KatarunganPangasiwaan ng Pilipinas sa Serbisyong Atmosperiko, Heopisiko, at AstronomikoEksomunyon🡆 More