Yakgwa: Panghimagas sa Korea

Ang yakgwa (약과; 藥菓) na tinatawag ding gwajul (과줄) ay isang pritong-lubog, de-trigong hangwa (konpeksiyong Koreano) na gawa sa hani, cheongju (alak-bigas), langis ng linga, at katas ng luya.

Ayon sa tradisyon, inihain ang minatamis sa jesa (seremonya ng ninuno) at tinatamasa sa mga araw ng kapistahan tulad ng chuseok (pista ng pag-aani), kasalan, o selebrasyon ng hwangap (ikaanimnapung kaarawan). Sa modernong Timog Korea, inihahain ito bilang panghimagas at maaaring bilhin sa mga tradisyonal na merkado o sa mga supermarket.

Yakgwa
Yakgwa: Panghimagas sa Korea
Ibang tawagGwajul
UriYumil-gwa
LugarKorea
Kaugnay na lutuinLutuing Koreano
Pangunahing SangkapHarinang trigo, hani, langis ng linga
Enerhiya ng pagkain
(per 1 paghain)
67.5 kcal (283 kJ)
Pangalang Koreano
Hangul약과
Hanja藥菓
Binagong Romanisasyonyakgwa
McCune–Reischaueryakkwa
IPAjak̚.k͈wa

Etimolohiya

Nangangahulugan ang yakgwa (약과; 藥菓), na binubuo ng dalawang pantig, yak (; ; "gamot") at gwa (; ; "konpeksiyon"), ng "medisinal na konpeksiyon". Hango ang pangalan sa napakaraming hani na ginagamit sa paghahanda nito, dahil itinuring na nakapagpapagaling ang hani ng mga pre-modernong Koreano kaya pinangalang yak ("gamot") ang mga de-haning pagkain.

Kasaysayan

Mahaba ang kasaysayan ng pagkaing yakgwa. Inihanda ito para sa mga ritwal ng Budismo noong panahon ng Huling Silla (668–935). Sumikat ito noong Dinastiyang Goryeo at tinamasa ng mga maharlikang pamilya, aristokrata, templo, at pribadong bahay. Noong panahong Goryeo (918–1392), ginamit ang yakgwa sa pyebaek (pormal na pagbati) sa kasalan ng mga Haring Goryeo at prinsesang Yuan.

Dati, hinubog ang mga yakgwa sa hugis ng mga ibon at hayop, ngunit pinapatag ito sa kalaunan para mas madaling ipagpatung-patong noong panahong Joseon (1392–1897). Nagpapahiwatig ang bawat padron ng kahilingan; kumakatawan ang paru-paro sa magaliyang pag-aasawa, nagdadala ang paniki ng swerte, at sumisimbolo ang mga puno ng pino ng simula ng bagong taon. Iimprenta ang lotus para sa pagkakasundo at granada para sa pag-aanak. Pagkatapos, sa Kahariang Joseon, pinasimple ang hugis sa isang globo. Subalit hindi naging angkop ang mga bola sa pagtatanghal sa mesa para sa mga ritwal ng ninuno. Kaya naging kubo ito. Sa bandang huli, inistilo ang yakgwa sa kasalukuyang hugis nito, bilog na may pakurba-kurbang gilid.

Sa pre-modernong Korea, tinamasa ang yakgwa ng mga mayayaman, dahil bihira at pinahahalagahang sangkap ang trigo noon, at mataas din ang pagtingin sa hani. Ngayon karaniwan ang paghahain ng yakgwa kasama ng tsaa, ngunit maaari ring iregalo sa mga espesyal na okasyon.

Mga sanggunian

Tags:

LuyaPanghimagasTimog Korea

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Rebelyon ni DagohoyHukbong Dagat ng PilipinasRodrigo DuterteMagnifico (pelikula)LalakiKomonwelt ng PilipinasKrisis sa MarawiHatirang pangmadlaPatinteroRelihiyonTrangkasoTeorya ng realismoKalakalanPagsusuriAnna OhuraKartilya ng KatipunanVirgilio AlmarioTalaan ng mga Sakuna sa PilipinasHenry HudsonGregoria de JesusSimbahang Katolikong RomanoUnang Digmaang OpyoPolitikaPatolaSingawUnang PahinaKultura ng AsyaMga IgorotMiriam Defensor–SantiagoJosé RizalAd hominemHalalanRivermayaEkonomiya ng PilipinasSakit sa pag-iisipBatas sa Responsableng Pagkamagulang at Kalusugang Reproduktibo ng 2012William HarveyPangkat etnikoMiguel López de LegazpiManokDuke ng WellingtonKaragSpoliariumAng Huling El BimboTagapagbatasLimang Haligi ng IslamAlbert EinsteinRelihiyon sa PilipinasNapoleon AbuevaPamilyaPekeng balitaTalaan ng mga salitang hiniram ng TagalogMiyerkulesMacario SakayNobelaBatas militarPagkamakabansaSepoyPagsusulatPrognosisMangyanEdukasyonMitolohiyaMagasinLiberalismoUnyong SobyetikoChristopher de LeonTeresa MagbanuaDigmaang Ruso-UkranyoMagsasakaMasbateLipunanLa Liga FilipinaPamamaga ng mataPagpapatalastasBatas militar sa ilalim ni Ferdinand MarcosDiego SilangMitolohiyang Pilipino🡆 More