Ang Tahdhib al-Ahkam (Arabe: تَهْذِيب ٱلَأَحْكَام فِي شَرْح ٱلْمُقْنِعَه) (Tahdhib al-Ahkam fi Sharh al-Muqni'ah lit.
Pagwawasto ng mga Batas sa Pagpapaliwanag ng Nakakubli o Pagpipino ng mga Batas) ay isang koleksyon ng Hadith, ng Imamismong Shia na iskolar ng Hadith na si Abu Ja'far Muhammad Ibn Hasan Tusi, karaniwang kilala bilang Shaykh Tusi. Kabilang ang kanyang gawa sa apat na aklat ng Shia Islam. Komentaryo ito sa Al-Muqni'ah na si Al-Shaykh Al-Mufid, na isang Imanismong Shia na teologo.
May-akda | Abu Jafar Muhammad Ibn Hassan Tusi |
---|---|
Wika | Arabe |
Uri ng midya | Aklat |
Sinalin ang Tahdhib al-Ahkam ni Ludwig W. Adamec sa Ingles bilang confirmation of decision (pagpapatunay ng pasya) at ni I.K.A Howard bilang The Refinement of the Laws (as Discussed) (Ang Pagpipino ng mga Batas (gaya ng Tinalakay)).
Si Abu Jafar Muhammad Ibn Hasan Tusi (Persa: ابوجعفر محمد بن حسن توسی) na kilala bilang Shaykh al-Ta'ifah (Arabe: شيخ الطائفة) o Shaykh al-Tusi ay ipinanganak noong 996 AD sa Tus, Iran. Isa siyang Persa na Imanismong Shia na iskolar at inakdaan ang dalawang reperensya ng mga koleksyong Shia ng tradisyon, ang Tahdhib al-Ahkam at Al-Istibsar. Namatay si Al-Shaikh al-Tusi sa Najaf noong ika-22 ng Muharram noong Disyembre 2, 1067.
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Tahdhib al-Ahkam, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.