Planetang Menor

Ang isang planetang menor (Kastila: planeta menor, Ingles: minor planet) ay isang bagay na pang-astronomiya na direktang umorbita sa palibot ng Araw (o mas malawak na kahulugan, kahit anumang bituin sa isang sistemang planetaryo) na hindi isang planeta ni hindi eklusibong inuuri bilang isang kometa.

Bago ang 2006, opisyal na ginamit ng International Astronomical Union (IAU o Pandaigdigang Unyong Astronomiko) ang katawagang minor planet (planetang menor), ngunit sa pagpupulong noong taon na iyon, muling inuri ang mga planetang menor at kometa sa mga planetang unano at mga maliit na bagay sa Sistemang Solar o small Solar System bodies (SSSBs).

Planetang Menor
Diagrama ni Euler na pinapakita ang mga uri ng mga bagay sa Sistemang Solar

Kabilang sa mga planetang menor ang mga asteroyd (mga bagay na malapit-sa-Daigdig, mga tumatawid sa Marte, mga pangunahing sinturon ng asteroyd, at mga troyano ng Hupiter), gayon din ang mga malayong planetang menor (mga cenatauro at mga bagay na transneptuniyano), na matatagpuan ang karamihan sa sinturon ng Kuiper at sa diskong nakakalat. Noong Hunyo 2021, mayroong 1,086,655 kilalang mga bagay, na mahahati sa 567,132 nakanumero (siniguradong mga tuklas) at 519,523 di-nakanumerong planetang menor, na lima lamang dito ang opisyal na kinikilala bilang planetang unano.

Ceres ang natuklasang planetang menor noong 1801. Ginamit ang katawagang planetang menor simula pa noong ika-19 na dantaon upang isalarawan ang mga ganitong bagay. Ginagamit din ang katawagang planetoyd (Ingles: planetoid), lalo na para sa mas malaking planetaryong mga bagay tulad ng mga tinatawag ng IAU bilang mga planetang unano simula noong 2006. Sa kasaysayan, humigit-kumulang magkasingkahulugan ang asteroud, planetang menor, at planetoyd. Naging mas komplikado ang terminolohiyang ito sa pagkakatuklas ng napakamaraming planetang menor lampas ng sa orbita ng Hupiter, lalo na ang mga bagay na transneptuniyano na pangkalahatang tinuturing na mga asteroyd.

Tingnan din

Mga pananda

Mga sanggunian

This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Planetang menor, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.

Tags:

Araw (astronomiya)BituinKometaOrbitPandaigdigang Unyong AstronomikoPlanetaPlanetang unanoWikang InglesWikang Kastila

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

TubigLambak ng CagayanLabanan sa BritanyaBatasMga IgorotSenado ng PilipinasAspinTala ng mga bansa ayon sa sistema ng pamahalaanPanitikan sa PilipinasKasinungalinganPanitikanMonarkiyang konstitusyonalKalakhang MaynilaMatinding DepresyonSaknongManggaSalagubangBalagtasanMao ZedongLambingMuhammad Dipatuan KudaratWatawat ng PilipinasKawayanKapitalismoEat Bulaga!Bongbong MarcosTalasalitaanRamadanPatakarang bukas na pintoLikas na kapaligiranPambansang Alagad ng Sining ng PilipinasWinston ChurchillKasalanPantigKasunduan sa Paris (1898)MultoPilibusteroLiyabeProduksiyon ng bigas sa PilipinasMel TiangcoPanahon (meteorolohiya)BudhiVice GandaPagpapahayag ng Kalayaan ng PilipinasSalitaKolonyalismoAgusan del SurMarian RiveraSakutingArsobispoDiosdado MacapagalPasmaTamod (paglilinaw)Araw ng mga Nagkakaisang BansaPang-uriIndonesiaSenakuloAnekdotaGloria Macapagal ArroyoYantokPakikipagtalastasanKomisyon sa Wikang FilipinoHigadKatinigCebuMilanSaligang Batas ng Pilipinas ng 1973MapaPia WurtzbachPag-ibigKomedyaBicolUnang PahinaMga Gobernador-Heneral ng PilipinasMiss Universe Philippines 2024Lorenzo Ruiz🡆 More