Ang palitaw ay isang uri ng mamon o keyk sa Pilipinas na niluto mula sa giniling na malagkit na bigas, at hinaluan ng asukal at binudburan ng kinayod na murang niyog at linga.
Ang palitaw ay tinatawag na bilu-bilo (bilog o binilog) kung kasama bilang sahog sa ginatang may lamang-ugat kagaya ng kamote, gabi, ube, atbp. Tinatawag itong palitaw dahil isang indikasyon na luto na ito ay ang paglutang o paglitaw nito sa kumukulong tubig.
Tinatawag ang sangkap nito na giniling na malagkit na bigas bilang galapong. Nagiging galapong ang malagkit na bigas pagkatapos itong hugasan, ibabad, at dinurog sa ginilingan. Matapos na alisin ang sobrang tubig mula sa proseso ng pagdurog, binibilog ito sa ilang piraso at pinapatag upang maging hugis bilog. Niluluto naman ito sa pamamagitan ng paghuhulog nito sa kumukulong tubig; kapag lumutang na ito, luto na ito. Bago ito ihain, binubudburan muna ito ng kinayod na niyog at pwede ring mayroong asukal at tustadong linga.
Sa panitikang Pilipino, nabanggit ang katangian ng palitaw sa isang tula ng manunulat na si Lamberto Antonio na Takada ni Islaw Palitaw kung saan ang unang dalawang linya ay sinabi na "Ang tawag sa akin ay Islaw Palitaw Lulubong-lilitaw sa tae ng kalabaw".
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Palitaw, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.