Mirin

Ang mirin (味醂 o みりん) ay isang mahalagang rekado na ginagamit sa lutuing Hapon.

Isa itong uri ng alak-bigas tulad ng sake, ngunit mas mababa ang nilalamang alkohol nito at mas mataas naman ang nilalamang asukal. Ang nilalamang asukal ay isang masalimuot na karbohidrato na natural na bumubuo sa proseso ng pagbuburo; walang idinagdag na asukal. Pinapababa pa ang nilalamang alkohol pagka't iniinitan ito.

Mirin
Isang mangkok ng mirin

May tatlong karaniwang uri ng mirin. Ang una ay hon mirin (literal: totoong mirin), na naglalaman ng halos 14% alkohol at nagagawa sa pamamagitan ng proseso ng pagliligis (sakaripikasyon) na maaaring tumagal nang 40- hanggang 60-araw. Ang pangalawa ay ang shio mirin, na naglalaman ng alkohol na kasingbaba ng 1.5% upang maiwasan ang buwis-alkohol. Ang pangatlo ay ang shin mirin (literal: bagong mirin), o mirin-fu chomiryo (literal: malamirin ng panimpla), na naglalaman ng mas mababa sa 1% alkohol, ngunit nananatili pa rin ang parehong lasa.

Noong panahong Edo, ininom ang mirin bilang amazake. Maaaring ibuo ang O-toso, tradisyonal na iniinom sa Shōgatsu, sa pamamagitan ng pagbabad ng halo ng mga pampaanghang sa mirin.

Sa estilo ng pagluluto ng Kansai, mabilisang pinapakulo ang mirin bago gamitin, upang pahintulutang sumingaw nang kaunti ang alkohol, habang sa estilo ng rehiyong Kantō, ginagamit ang mirin na hindi pinapasingaw. Ang pinakuluang mirin na estilong Kansai ay tinatawag na nikiri mirin (煮切り味醂 ) (literal: kulong-kulo na mirin).

Mirin
Isang bote ng komersyal na ginawang miring Hapones

Ginagamit ang mirin upang magdagdag ng kaunting liwanag sa inihaw na isda o tanggalin ang amoy-isda. Madalas na ginagamit ang patak nito sa halip ng asukal at toyo. Gayunpaman, hindi ito dapat gamitin nang labis, dahil medyo malakas ang lasa nito. Minsan pinagsasama ito sa sushi. Ginamit ang mirin sa sarsang teriyaki.

Itinalaga ang Nobyembre 30 bilang araw ng hon-mirin ng industriya ng mirin, dahil sa palatinigang Hapon, magkatunog ang petsa sa '11' (いい, mabuti) at '30' (みりん , mirin).


Paggamit

Ginagamit din ang mirin upang makagawa ng iba pang mga sarsa:

  • Sarsang kabayaki (sarang igat): mirin, toyo, igat o mga buto ng isda
  • Sarsang nikiri mirin : toyo, dashi, mirin, sake, sa tagway ng 10:2:1:1
  • Sushi su (binagretang kaning sushi): suka ng alak-bigas, asukal, sarsang nikiri mirin

Tingnan din

  • Mga pampalasang Hapon
  • Michiu - alak-bigas ng Tsina
  • Sherry

Mga sanggunian

Tags:

AlkoholPagbuburoRikadoSakeWikipedia:IPA for Japanesewiktionary:味醂

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

LindolPangkat etnikoChristopher de LeonIspiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng PilipinasPrognosisDambanang AguinaldoAraling panlipunanMahal na ArawAlthea AblanAraw ng KalayaanHudaismoEdukasyon sa Pilipinas noong panahon ng mga KastilaBambiLabanan sa BritanyaBalisawsawDulaDuke ng WellingtonBalagtasanRomantisismoBenedict CuaLanao del NorteVirgilio AlmarioMike EnriquezJosé de la CruzGiovanni BoccaccioPananaliksikRamon SantosKagawaran ng Agham at Teknolohiya (Pilipinas)KasaysayanImperyalismoPambansang Pulisya ng PilipinasPangatnigFernando de MagallanesVasco da GamaPelikulaMuhammadKagawaran ng Interyor at Pamahalaang LokalBicolArkiduke Franz Ferdinand ng AustriyaRodrigo DuterteRelihiyonWikang KapampanganKanlurang AsyaKorupsiyonThailandTsinaBongbong MarcosSitaGitnang LuzonPakikipagtalastasanFacebookEl filibusterismoSawikainKanser sa susoLa SolidaridadToy StoryBagyong OndoyKatapanganBarangaySeksuwal na panliligaligTagu-taguanIraqDiego SilangBagyoTelegrapiyaMargarito TevesImbensiyonSergio OsmeñaRegine VelasquezEstadistikaSigarilyoPanaginipAbakaPedro PaternoCorazon AquinoDinagyangCharles DarwinSalapi🡆 More