Japchae

Ang japchae (잡채; 雜菜) ay isang matamis at malinamnam na ulam ng sotanghon at gulay na sikat sa lutuing Koreano.

Karaniwang inihahanda ang japchae na may dangmyeon (당면, 唐麵), isang uri ng sotanghon na gawa sa gawgaw na kamote; tinatabunan ng mga iba't ibang gulay, karne, at kabute, at tinitimplahan ng toyo at langis ng linga.

Japchae
Japchae
LugarKorea
Kaugnay na lutuinLutuing Koreano
Ihain nang50–65 °C (122–149 °F)
Pangunahing SangkapSotanghon
Japchae
Hangul잡채
Hanja
Binagong Romanisasyonjapchae
McCune–Reischauerchapch'ae

Isang maharlikang ulam dati, ito ay isa sa mga pinakasikat na kinaugaliang ulam pandiriwang ngayon, kadalasang inihahain sa mga epesyal na okasyon, tulad ng mga kasal, kaarawan (lalo na sa dol, ang unang kaarawan, at hwangap, ang ikaanimnapung kaarawan), at pista. Sikat din ito na inihahain sa mga pulutong sa mga bankete, salu-salo, at kainan, dahil sa dali ng paghahanda ng marami at dali ng pakikibagay ng paghahain: maaaring ihain ang japchae nang maligamgam, katamtamang temperatura, o malamig mula sa palamigan, at maaaring kainin habang sariwa o sa susunod na araw.

Karaniwang inihahain ang japchae bilang banchan (pamutat), ngunit maaari ring maging pangunahing ulam. Madalas ito inihahain sa ibabaw ng kanin: kasama ng bigas ito ay kilala bilang japchae-bap (잡채밥).

Etimolohiya

Ang salitang Sino-Koreano, japchae (잡채; 雜菜), ay binubuo ng dalawang pantig, jap (; ), na ibig sabihin na "halung-halo" at chae (; ), na ibig sabihin na "gulay".

Ayon sa Joseon Wangjo Sillok, dating tumutukoy ang pangalan sa ulam ng ginisang gulay at kabute, unang ginawa sa unang bahagi ng ika-17 siglo ni Yi Chung (1568‒1619) para bankete sa palasyo ni Haring Gwanghaegun. Sobrang nagustuhan ng hari ang ulam na ginantimpalaan niya si Yi sa pagtataas sa kanya sa isang posisyong mataas na ranggo, katumbas ng posisyon ng kalihim ng Tesorerya, at naging karaniwang bahagi ng lutuing Koreano sa maharlikang korte. Niluluto nang walang pansit o karne noong araw, itinuring ang japchae bilang marangya at eleganteng ulam na inihahain sa maharlikang pamilya at mga opisyal na may mataas na ranggo. Kabilang sa mga gulay na ginamit noong panahong iyon ang pipino, labanos, at kabuteng shiitake.

Tulad ng mga ibang maharlikang ulam, kalaunang naging bahagi ang japchae sa lutuin ng karaniwang tao. Sumikat ito noong huling bahagi ng ika-20 siglo noong ipinakilala sa Korea ang sotanghon na gawa sa gawgaw na kamote mula sa Tsina. Mula noon, ang pansit ay naging mahalagang at pangunahing sangkap ng japchae. Dinagdagan ang ulam na pansit ng mga baka at ibang karne, habang humantong ang mga eksperimento at pag-aangkop sa mga uring walang pansit na gawa sa pagkaing-dagat, halamang-gamot, sili, toge, at mga iba pang sangkap.

Mga sangkap at paghahanda

Japchae 
Dangmyeon

Ang mga dangmyeon ay maputlang abuhing kulay, bahagyang naaaninag, mangunguyang at nababanat na pansit na gawa sa gawgaw na kamote. Kilala ang mga ito bilang pansit sotanghon. Maaaring ibabad ang mga pansit sa tubig bago lutuin. Maaaring iba-iba ang mga sari-saring gulay sa japchae. Kabilang sa mga karaniwang sangkap ang asanorya, espinaka, sibuyas, at iskalyon. Kabilang sa mga karaniwang ginagamit na kabute ang taingan-daga, shiitake, at pleurotus ostreatus. Karaniwang ginagamit ang karneng baka at baboy para sa japchae. Ginigisa nang hiwalay ang bawat sangkap bago hinahalo sa pansit na pinasingaw at pinatulo, at tinitimplahan ng toyo, asukal, at langis ng linga. Kadalasang pinapalamutian ang ulam ng tostadong linga at sil-gochu (hibla na sili), at inihahain nang mainit o malamig.

Mga uri

Mga ulam sa maharlikang korte

  • Gyeoja-chae (겨자채)
  • Jokchae (족채) – gawa sa ginutay-gutay na jokpyeon (halayang troton) at gulay
  • Tangpyeong-chae (탕평채) – gawa sa nokdu-muk (halayang monggo), baka, toge, oenanthe javanica, at artemisia vulgaris
  • Wolgwa-chae (월과채) – gawa sa wolgwa (oriental pickling melon), baka, at gulay
  • Juksoon-chae (죽순채) - gawa sa labong at gulay

Mga ibang ulam

  • Gochu-japchae (고추잡채) – gawa sa ginutay-gutay na berdeng sili at gulay
  • Buchu-japchae (부추잡채) – gawa sa allium tuberosum
  • Kongnamul-japchae (콩나물잡채) – gawa sa usbong-balatong
  • Haemul-japchae (해물잡채) – gawa sa pagkaing-dagat at gulay
  • Beoseot-japchae (버섯잡채) – gawa sa kabute
  • Gungjung-japchae (궁중잡채) - gawa sa de-kalidad na sangkap at maharlikang gulay
Japchae 
Wiktionary
Tingnan ang Japchae sa
Wiktionary, ang malayang talahulugan.

Tingnan din

  • Chop suey
  • Cap cai
  • Gochu-japchae
  • Tangpyeong-chae
  • Wolgwa-chae
  • Yakisoba

Mga sanggunian

Mga kawing panlabas

Tags:

Japchae EtimolohiyaJapchae Mga sangkap at paghahandaJapchae Mga uriJapchae Tingnan dinJapchae Mga sanggunianJapchae Mga kawing panlabasJapchaeKamoteLutong Koreano (Hansik)Pansit sotanghonToyo

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

EkonomikaTalaan ng mga Sakuna sa PilipinasMga TagalogKapangyarihang Alyado (Ikalawang Digmaang Pandaigdig)KulturaPanggagahasa sa PilipinasLabanan sa BritanyaKatarunganUrdujaTalaan ng mga Pangulo ng PilipinasFacebookTaripaPagduduwalAntropolohiyaWikaArko ni NoeTakdang-aralinBenedict CuaMga kagawarang tagapagpaganap ng PilipinasLino BrockaHukbong Dagat ng PilipinasRoe v. WadeAraling panlipunanRenasimiyentoSawikainSenakuloSeverino ReyesKasaysayan ng PilipinasPaseguruhan ng mga Naglilingkod sa PamahalaanKawalang trabahoPamamaga ng mataUsogDemokrasyaFidel V. RamosAdam SmithAlamatBarangayJosephine BrackenDigmaang Ruso-UkranyoSan Jose del MonteWikang FilipinoIndiyaThe SimpsonsTalaan ng mga pangyayari sa kasaysayan ng PilipinasKahulugan ng buhayBumbilyaSergio OsmeñaSigaw ng Pugad LawinKasaysayan ng salapi ng PilipinasThailandNingas-kugonJuan LunaBangko Sentral ng PilipinasEmilio AguinaldoChristopher de LeonKongreso ng PilipinasSan Pablo, LagunaUnang KrusadaImplikasyonPusaPaninigarilyoTeleseryeKabiteLayonKomonwelt ng PilipinasBell Trade ActBalitaIlustradoBansang umuunladLiberalismoGaleon ng MaynilaDNAPambansang Alagad ng Sining ng PilipinasIntramurosPaunang lunasAba Ginoong MariaPag-ibig sa Tinubuang LupaJohn LockeRusya🡆 More