Dual Sim

Ang dual SIM na teleponong selular ay isang kasanggkapan na kayang tumanggap ng dalawa o higit pang SIM card.

Dual Sim
Isang dual-SIM na telepono.

Kasaysayan

Unang naglabas ng dual SIM na telepono ang Benefon noong taong 2000, ngunit noon lamang huling bahagi ng dekada 2000 nang naglabas ang mga kompanyang galing Tsina ng teleponong dual SIM taglay ang chipset na gawa ng Mediatek.

Noong una ay hindi naglabas ng dual SIM na telepono ang mga malaking kompanya kagaya ng Nokia, sa pangambang tututulan sila ng mga kompanya ng telekomunikasyon, pero noong 2010 ay inilunsad ng Nokia ang kanilang C2-00 at C1-00 and ang Nokia X, na sinundan pa ng mga katulad na telepono mula sa Samsung, Sony at iba pa.

Mga uri ng dual SIM

Bago lumaganap ang mga dual SIM na telepono, unang lumabas sa merkado ang mga adapter para makagamit ng dalawang SIM ang isang telepono, at magpalit ng linya kung kinakailangan.

Ang mga dual SIM switch na telepono, tulad ng Nokia C1-00, ay kagaya din ng isang pangkaraniwang teleponong selular sa kadahilanang iisa lang ang ginagamit nitong radyo, at kailangang buksan ang kabilang SIM para magamit ito. Iisa din ang radyong ginagamit ng dual-standby na telepono, ngunit parehong aktibo ang dalawang SIM; pero kapag ginamit ang isang SIM sa pagtawag ay pansamantalang mapuputol ang kabilang linya.

Gumagamit ang dual SIM active na telepono ng dalawang radyo sa pagpapadala at pagtanggap ng tawag at mensahe, kaya ito ay maaring makatanggap ng tawag sa parehong linya. Ngunit ito ay maaring kumunsumo ng higit pang kuryente, kaya ang ilan sa mga dual SIM active na telepono ay gumagamit ng bateryang may mas malaking kapasidad.

Pagtanggap

Naging popular ang mga dual SIM na telepono, lalo na sa mga tagagamit mula sa mga umuunlad na bansa tulad ng India at Pilipinas at sa mga negosyante dahil sa higit na mababang halaga ng pagtawag at dagdag na network coverage.

Kumakalat din sa merkado ang mga pekeng teleponong selular mula Tsina, na ang kalimitan ay kayang tumanggap ng dalawang SIM.

Mga sanggunian

Tags:

Dual Sim KasaysayanDual Sim Mga uri ng dual SIMDual Sim PagtanggapDual Sim Mga sanggunianDual SimTeleponong selular

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

TulinganAspinUpuanOpyoBarong TagalogPangalanPedro PaternoDasalMyrna DelgadoKasaysayan ng MaynilaLupang HinirangYouTubeKalayaanBahay na batoTaripaFernando de MagallanesMelchora AquinoFree Legal Assistance GroupPosisyong papelSun Yat-senVietnamManuel L. QuezonBlitzkriegIlustradoMga Ibong MandaragitBangko Sentral ng PilipinasAwtoritarismoAlkoholismoBuwan (astronomiya)OrasanPransiyaKolonyalismoKarapatang pantaoMalakas at MagandaKarahasanPolusyonAng Pagong at ang MatsingKomunismoSalapiPanunuholPamilihanTeleseryeBata, Bata...Pa'no Ka Ginawa?Emperador HirohitoEduardo V. ManaloTransportasyon sa PilipinasUrdanetaGliceria Marella de VillavicencioMga lalawigan ng PilipinasHolokaustoPaaralanBadjaoLino BrockaKalesaLiksiProduksiyon ng bigas sa PilipinasAnimasyonAlmuranasAgrikulturaVolleyballPangasiwaan ng Pilipinas sa Serbisyong Atmosperiko, Heopisiko, at AstronomikoBaboyBayan KoSekularisasyonKatinigBastosBibiFernando AmorsoloKabibeMarian RiveraKapayapaanJosé de la CruzRusyaRelihiyonSarsuwelaBughawLipa, BatangasImpraestrukturaEncantadia🡆 More