Cloning

Ang cloning (bigkas: /klow-ning/) ay isang salitang Ingles na may kahulugang paglikha ng molekula, selula o organismo na eksaktong kopyang henetiko ng isa pa.

Ito ay nangyayari sa kalikasan sa mga organismo gaya ng bakterya, mga insekto o mga halaman na nagpaparami ng aseksuwal. Sa bioteknolohiya, ang cloning ang artipisyal na paglikha ng eksaktong kopyang henetiko ng isa pang organismo.

Cloning ng tao

Ang cloning ang paglikha ng katulad na henetikong kopya ng isang umiiral o nakaraang umiiral na tao. Ang terminong ito ay pangkalahatang tumutukoy sa artipisyal na cloning ng tao. Ang mga clone ng tao sa anyo ng mga identikal na kambal ay nangyayari sa sa natural na proseso ng reproduksiyon. Maydalawang mga uri ng cloning ng tao: terapeutikong cloning at reproduktibong cloning. Ang terapeutikong cloning ay kinasasangkutan ng pagko-clone ng mga selula ng matandang tao para gamitin sa medisina. Ang reproduktibong cloning ang paggawa ng mga na-clone na tao. Ang isang ikatlong uri na pagpapalit na cloning ay isang teoretikal na posibilidad at kombinasyon ng terapeutiko at reproduktibong cloning.

Mga species na na-clone

Ang modernong pamamaraan ng cloning na kinasasangkutan ng paglipat na nukleyar ay naisagawa sa ilang mga species. Ang mga kilalang eksperimento nito ay kinabibilangan ng sumusunod:

  • Butete: (1952) Matagumpay na na-clone nina Robert Briggs at Thomas J. King ang hilagaang leopardong mga palaka. Ito ay 35 kumpletong embryo at 21 butete mulasa 104 na matagumpay na mga paglipat na nukleyar.
  • Karpa: (1963) Sa Tsina, nilikha ng embryologong si Tong Dizhou ang unang na-clone na isda sa pamamagitan ng pagpasok ng DNA mula sa selula ng isang lalakeng karpa tungo sa isang itlog mula sa isang babaeng karpa. Kanyang inilimbag ang kanyang mga natuklasan sa isang Hornal na Tsino ng agham.
  • Bubwit: (1986) Ang isang bubwit ay matagumpay na na-clone mula sa maagang selulang embryoniko. Ito ay isinagawa ng mga siyentipiko ng Unyong Sobyet na sina Chaylakhyan, Veprencev, Sviridova, at Nikitin. Kanilang inilimbag ang kanilang pagsasaliksik sa magazine na Rusong "Biofizika" bolyum ХХХII, isyu 5 ng 1987.
  • Domestikadong tupa: Ang unang mammal na na-clone ni Steen Willadsen noong 1984 ang tupa mula sa maagang mga selulang embryoniko. Sina Megan at Morag ay na-clone mula sa diperensiyadong mga selulang embryoniko noong Hunyo 1995 at si Dolly ang tupa ay na-clone mula sa isang selulang somatiko noong 1996.
  • Rhesus Monkey: Si Tetra ay naclone mula sa paghahati ng embryo noong 2000.[kailangang linawin]
  • Gaur: (2001) ang unang nanganganib na species na na-clone.
  • Baka: Sina Alpha at Beta mga lalakeng baka na na-clone noong 2001 at 2005 sa Brazil.
  • Cat: CopyCat "CC" (babae, huling 2001), Little Nicky, 2004, ang unang pusang na-clone para sa mga kadahilanang pangkalakalan (commercial).
  • Daga: Si Ralph ang unang na-clone na daga noong 2003.
  • Mule: Si Idaho Gem na isang john mula na ipinanganak noong 4 Mayo 2003 ang unang clone ng pamilya ng kabayo.
  • Kabayo:Si Prometea, na isang Haflinger na babaeng kabayo na ipinanganak noong 28 Mayo 2003 ang unang na-clone na kabayo.
  • Aso: Si Snuppy na isang lalakeng Afghan hound ang unang na-clone na aso noong 2005.
  • Lobo: Sina Snuwolf at Snuwolffy ang unang dalawang mga na-clone na babaeng lobo noong 2005.
  • Water Buffalo:Si Samrupa ang unang na-clone na water buffalo. Ito ay ipinanganak noong 6 Pebrero 2009 sa Karnal National Diary Research Institute ng India ngunit namatay pagkatapos ng limang araw dahil sa impeksiyon sa baga.
  • Ang Pyrenean Ibex (2009) ang unang ekstintong hayop (bagaman ang species ay hindi ekstinto o nanganganib, walang mga buhay na halimbawa ng subspecies na Pyrenean ang alam mula 2000) na naclone pabalik sa buhay. Ang clone ay nabuhay sa loob ng 7 minuto bago mamatay sa mga depekto sa baga.
  • Camel: Si (2009) Injaz ang unang na-clone na kamelyo.
  • Pashmina goat: Si (2012) Noori ang unang na-clone na kambing na pashmina. Matagumpay na na-clone ng faculty ng veterinary sciences at animal husbandry ng Sher-e-Kashmir University of Agricultural Sciences and Technology of Kashmir ang unang kambing na pashmina gamit ang mga maunlad na pamamaraan reproduktibo sa ilalim ng pamumuno ni Riaz Ahmad Shah.

Mga sanggunian

Tags:

AseksuwalHenetiko

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

KulturaSayawKuboRaffy TulfoIkalawang Digmaang PandaigdigMaharlikaPang-angkopNarutoJuan LunaTaripaUrdanetaSitawUnyon ng manggagawaSeksuwal na panliligaligBangusUnited KingdomEtikaCagayan de OroUnang Digmaang PandaigdigPananakop ng mga Ingles sa MaynilaIka-6 na Utos (palabas sa telebisyon)Andrés BonifacioLangkaKasaysayan ng MaynilaKapayapaanJosé BurgosKronolohiya ng kasaysayan ng PilipinasNingas-kugonIbong AdarnaPinyaPagsasalinKapangyarihang Alyados (Unang Digmaang Pandaigdig)MyanmarMakinang panahiPinoy Big BrotherMarikinaPandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng TaoKatarunganMga lungsod ng PilipinasPunoHimagsikanPamahalaan ng PilipinasAng Pagong at ang MatsingPanlapiAmihanProklamasyon Blg. 1081Anyong lupaKidapawanArtikuloMuslimFernando AmorsoloDigmaanIndustriyalisasyonParihabaMao ZedongBenito MussoliniNoto (tipo ng titik)Diperensiyang narsisistiko na personalidadPamayananEditoryalKahirapanAklatBuwisMapaTeodora Realonda y QuintosHeneral Luna (pelikula)MIMAROPABawal na gamotRamon MagsaysayKolusyonMilanPandiwaMiriam Defensor–SantiagoKabiteEleanor RooseveltJuan Crisostomo SotoPáitParusang kamatayan🡆 More