Aristokrasya

Ang aristokrasya (Griyego: ἀριστοκρατία aristokratía, mula sa ἄριστος aristos 'napakahusay', at κράτος, kratos 'pamamahala') o kamarhalikaan ay isang uri ng pamahalaan na nilalagay ang kapangyarihan sa mga kamay ng isang maliit, may pribilehiyong namumunong uri, mga aristokrata o taong maharlika.

Hinango ang katawagang aristokrasya mula sa salitang Griyego na aristokratia, na nangangahulugang 'pamahalaan ng pinakamahusay'.

Sa panahon ng sinaunang Gresya na pinagmulan ng salita, inisip ng mga Griyego ito bilang pamahalaan ng pinakakuwalipikadong mga mamamayan—at kadalasang sinasalungat nito ang pinapaborang monarkiya, na pinamumunuan ng isang indibiduwal. Unang ginamit ang katawagan ng mga sinaunang Griyego tulad nina Aristotle at Plato. Ginamit nila ang naturang salita upang isalarawan ang isang sistema kung saan ang mga pinakamagagaling na mga mamamayan lamang, na pinili sa pamamagitan ng maingat na proseso ng pagpili, ang magiging pinuno, at bawal ang minanang pamumuno, maliban lamang kung taglay ng mga anak ang mas mahusay na katangian na akma sa pamumuno kumpara sa ibang mga mamamayan alang sa kaayusan ng pamahalaan. Mas kaugnay ng "minanang pamumuno" ang konteksto ng oligarkiya, isang masamang anyo ng aristokrasya kung saan pinamumunuan ng iilan, ngunit hindi sila mahuhusay. Isinaalang-alang nina Plato, Socrates, Aristotle, Henoponte at mga Sparta ang aristokrasya (ang mainam na anyo ng pamamahala ng iilan) na likas na mas mabuti kaysa demokrasya (mainam na anyo ng nakakarami). Subalit tinuturing din nila na ang masamang anyo ng aristokrasya (oligarkiya) ay mas malala pa kaysa sa masamang anyo ng demokrasya (oklokrasya). Nag-ugat ang paniniwalang ito sa palagay na ang masa lamang ang makakagawa ng katamtamang polisiya, kung sila nga ay pinakakamahusay na mga indibiduwal. Ginamit sa paglaong pagsusuri ni Polibio sa Konstitusyong Romano ang konsepto ng aristokrasya upang isalarawan ang kanyang pagkakaintindi ng isang republika bilang isang pinaghalong anyo ng pamahalaan, kasama ng demokrasya at monarkiya sa pagkakaintindi mula doon, bilang isang sistema ng mga pagsuri at pagtimbang (checks and balances), kung saan sinusuri ng bawat elemento ang pagmamalabis ng bawat isa.

Sa makabagong panahon, kadasalang nakikita ang aristokrasya bilang pamahalaan na pinamumunuan ng isang may pribilehiyong pangkat, ang uring aristokratiko, at tinataliwas sa demokrasya.

Mga pananda


Mga sanggunian

Tags:

PamahalaanWikang Griyegowikt:aristocrat

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

SukarnoJaime L. SinPasmaConfucianismoMonopolyo24 OrasKapitalismoAbogadoKalakhang MaynilaU NuKahirapanWikang KastilaPagbabago ng klimaTalaan ng mga lindol sa PilipinasKoridoPahayaganBahagi ng pananalitaSerbesaMiguel López de LegazpiBenito MussoliniGABRIELATalabaSalitaSanta Rosa, LagunaPornograpiyaUnang Digmaang OpyoKapeBastosKalihim-Panlahat ng Mga Bansang NagkakaisaBalagtasanTimog KoreaHolokaustoDaniel PadillaPangasiwaan ng Pilipinas sa Serbisyong Atmosperiko, Heopisiko, at AstronomikoEditoryalJose W. DioknoPalakasanKatauhang pangkasarianBundokTalinghagaEfren PeñafloridaMagasinPagmiminaBinangonanBawal na gamotAraw (astronomiya)KidapawanLa SolidaridadDaliri sa kamayJuan LunaTiyagaPangalanDistornilyadorGrin DepartmentKalabawBarkoPagduduwalPartidong NaziLino BrockaLambak ng CagayanAspinKasuotanMindanaoIkalawang Rebolusyon sa EDSABenigno Aquino IIITeresa MagbanuaBuwitreMonarkiyang konstitusyonalMuhammad Dipatuan KudaratTuboBatas Republika Bilang 9165 ng PilipinasKomonwelt ng PilipinasPanunumpa ng Katapatan sa WatawatSeksuwalidad ng taoLuslosKampanya laban sa iligal na droga sa PilipinasBalbalKomunismoMakamisa🡆 More