Simbahang Ebanghelika Sa Alemanya

Ang Simbahang Ebanghelika sa Alemanya (Aleman: Evangelische Kirche in Deutschland, pinaikling EKD) ay isang pederasyon ng dalawampung Luterano, Repormado (Calvinista) at Nagkaisang (hal.

Prusong Unyon) Protestanteng rehiyonal na mga simbahan at denominasyon sa Germany, na sama-samang sumasaklaw sa karamihan ng mga Protestante sa bansang iyon. Noong 2020, ang EKD ay may kasapiang 20,236,000, o 24.3% ng populasyon ng Alemanya. Ito ay bumubuo ng isa sa pinakamalaking pambansang Protestante na mga kainatawan sa mundo. Ang mga tanggapan ng simbahan na namamahala sa pederasyon ay matatagpuan sa Hannover-Herrenhausen, Mababang Sahonya. Itinuturing ng marami sa mga miyembro nito ang kanilang sarili na mga Luterano.

Sa kasaysayan, ang unang pormal na pagtatangka na pag-isahin ang Protestantismong Aleman ay nangyari noong panahon ng Republikang Weimar sa anyo ng Kompederasyong Aleman na Ebanghelikong Simbahan, na umiral mula 1922 hanggang 1933. Noong una, nagkaroon ng matagumpay na pagsisikap ng hari sa pagkakaisa sa iba't ibang estado ng Aleman, simula sa Prusya at ilang menor na estadong Aleman (hal. Dukado ng Nassau) noong 1817. Ang mga unyon na ito ay nagbunga ng unang nagkaisa at nagkakaisang mga simbahan, isang bagong pag-unlad sa loob ng Protestantismo na kalaunan ay lumaganap sa ibang bahagi ng mundo.

Estruktura

Ang estruktura ng EKD ay batay sa mga pederal na prinsipyo. Ang bawat rehiyonal na simbahan ay may pananagutan para sa buhay Kristiyano sa sarili nitong lugar habang ang bawat rehiyonal na simbahan ay may kani-kaniyang mga natatanging katangian at nananatili ang kalayaan nito. Ang EKD ay nagsasagawa ng magkasanib na mga gawain na ipinagkatiwala dito ng mga kasapi nito. Para sa pagsasakatuparan ng mga gawaing ito, ang Simbahan ay may mga sumusunod na namumunong katawan, lahat ay organisado at inihalal sa mga demokratikong linya:

Sinodo

Ang Sinodo ay ang lehislatura ng EKD. Mayroon itong 126 na miyembro: 106 ang inihalal ng Landeskirchen na sinodo at 20 ang hinirang ng konseho. Ang 20 na ito ay itinalaga para sa kanilang kahalagahan sa buhay ng Simbahan at ng mga ahensiya nito. Ang mga miyembro ay naglilingkod ng anim na taong termino at ang synod ay nagpupulong taon-taon.

Mga sanggunian

Padron:Christianity in GermanyPadron:Hidden Regional Churches of the EKDPadron:Old City (Jerusalem)

Tags:

Simbahang Ebanghelika Sa Alemanya EstrukturaSimbahang Ebanghelika Sa Alemanya Mga sanggunianSimbahang Ebanghelika Sa Alemanya Mga panlabas na linkSimbahang Ebanghelika Sa AlemanyaAlemanyaLuteranismoMababang SahonyaPederasyonProtestantismoWikang Aleman

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

IdeolohiyaNur MisuariKatadKuomintangBalisawsawTimog AsyaAti-AtihanSingaw (sakit)Lambak ng CagayanPatinteroAswangPeminismoPagpapatalastasGatoKawayanTamarawLupang HinirangSpoliariumNingas-kugonSanta Maria, BulacanLiksiDaunganTalaan ng mga lungsod at bayan sa PilipinasOpyoMalabonKinaltas na Kabanata ng Noli me TangereFrancisco BalagtasMga isyu sa kapaligiran sa PilipinasMakataMartilyoTukoBarangayDigmaang PasipikoDinagyangTalaan ng mga Kabanata sa Noli Me TangerePangalanUpuanUnang Digmaang OpyoMga HudyoBangusNueva EcijaDuhatBulkanEkonomiyaPatakarang bukas na pintoTempo (musika)Talaan ng mga artista sa PilipinasMorong, BataanBahay na batoSenado ng PilipinasLindsay de VeraSilangang AsyaNobelang PilipinoFranklin D. RooseveltKapaligiranCabuyaoNoto (tipo ng titik)Juan Crisostomo SotoAurora (lalawigan)Kathang-isipJovito Salongao1lcpPaterosBibliyaEstadoBuod (paglilinaw)Myrna DelgadoGintoAparriPambansang Alagad ng Sining ng PilipinasKapangyarihang AksisIkalawang Rebolusyon sa EDSAPilipinasDistornilyadorKasaysayan ng PilipinasChie FilomenoMga Gobernador-Heneral ng PilipinasDiosdado Macapagal🡆 More