Pamumuna

Ang pamumuna, puna o kritisismo (Ingles: criticism) ay ang pagbuo ng isang paghatol tungkol sa mga negatibo o positibong katangian ng isang tao o isang bagay.

Ang pamumuna ay maaaring sumaklaw mula sa impromptu na komento hanggang sa nakasulat na detalyadong tugon. Ang pagpuna o kritisismo ay nahahati sa ilang magkakapatong na uri kabilang ang "teoretikal, praktikal, impresyonistiko, apektibo, preskriptibo, o deskriptibo".

Ang pagbibigay-puna ay maaari ding tumukoy sa isang pagpapahayag ng hindi pagsang-ayon sa isang tao o isang bagay. Kapag ang pagpuna sa ganitong uri ay konstruktibo, maaari nitong ipabatid sa isang indibidwal ang mga butas o siwang sa kanilang pag-unawa at maaari itong magbigay ng mga natatanging ruta para sa pagpapaunlad o repormasyon. Sinusuportahan ng pananaliksik ang paniwala o nosyon na ang paggamit ng puna at konstruktibong kritisismo sa proseso ng pag-aaral ay napaka-maimpluwensya.

Critique (kritika) laban sa criticism (kritisismo): Sa French, German, o Italian, walang iginuhit na pagkakaiba sa pagitan ng 'critique' at 'criticism'. Ang dalawang salita ay parehong isinasalin bilang critique, Kritik, at critica, ayon sa pagkakabanggit. Sa wikang Ingles, ang pilosopo na si Gianni Vattimo ay nagmumungkahi na ang kritisismo ay mas madalas na ginagamit upang tukuyin ang kritisismong pampanitikan o kritisismong pansining habang ang critique o kritika ay tumutukoy sa mas pangkalahatan at malalim na pagsulat tulad ng Critique of Pure Reason ni Kant. Ang isa pang pagkakaiba na kung minsan ay ginagawa ay ang critique ay hindi kailanman isinapersonal o ad hominem at ipinakita sa paraang naghihikayat sa pagtanggi o pagpapalawak ng mga ideyang ipinahayag. Gayunpaman, ang mga pagkakaiba ay mapaglalang at hindi maliwanag sa kainaman.

Ang terminong Ingles na "brickbat" ay minsan ay ginagamit sa katuturang "isang hindi kanais-nais na pamumuna, hindi magandang komento o matalas na pagbagsak". Ang termino ay nagmula noong ika-17 siglo, na nagmula sa kasanayan ng paghahagis ng mga laryo bilang pambato sa isang tao na hindi naaprubahan.

Sa ilang konteksto, gaya ng kritisismong pampanitikan at kritisismong pansining, ginagamit ang salitang kritisismo bilang isang neutral na salita na kasingkahulugan ng ebalwasyon.

Tingnan din

Mga sanggunian

Tags:

Wikang Ingles

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

SanggunianAba Ginoong MariaDamdaminRebelyon ni DagohoyLambingGregorio del PilarIlog PasigArkiduke Franz Ferdinand ng AustriyaKabibeJuan Ponce EnrileTalaan ng mga Kabanata sa Noli Me TangerePanggagahasa sa PilipinasHomoseksuwalidadHadhadListahan ng mga aktibong bulkan sa PilipinasAmpalayaKomisyon sa Wikang FilipinoMariano GómezTelebisyonIskwalang panubokSan Jose del MonteLiberalismoUnyong EuropeoTulinganRodriguezWikang FilipinoKolonyalismoIndiyaPia WurtzbachHolokaustoEuropaWalisBughawGoogleSayawSibuyasPantasyaSakit sa pag-iisipKalayaanAwtoritarismoAmado V. HernandezKanlurang AsyaKomisyon sa HalalanAklatSurotCariñosaBekeEat Bulaga!PatolaPanloloko sa Pondo ng Pangunahing Tulong sa Pag-unladBaboyMiss Universe Philippines 2024Liwasang RizalMalakas at MagandaAgusan del SurImpiyernoPandaigdigang Organisasyon ng PangangalakalLalaking nakikipagtalik sa kapwa lalakiPagkamakabansaTugtuging pambayan sa PilipinasLa SolidaridadBela PadillaElpidio QuirinoKasaysayan ng Pilipinas (1565–1898)MultoFrancisco BalagtasTalaan ng mga artista sa PilipinasBabaeRebolusyong EDSA ng 1986Pamamaraang parlamentaryoPamahalaanCriza TaaKapaligiranTambakolBatangasTalataanBoracay🡆 More