Niyoki

Niyoki (Italyano: gnoc·chi; Kastila: ño·qui) ang katawagan para sa sari't saring uri ng mga malalambot na luglog o siyomay.

Maaaring magawa ang mga ito sa semola, arina, patatas, giniling na tinapay, at iba pa.

Niyoki
Mga niyoki na may karne at sarsa ng kamatis

Ang gnocchi ang anyong pangmaramihan ng gnocco, na nangangahulugang "bukol" sa Italyano, at nagmula sa salitang nocchio, isang buhol sa kahoy. Ito'y naging isang tradisyonal na uri ng Italyanong pasta mula noong panahon pang Romano at na maaaring nagmula sa Gitnang Silangan. Dinala ito ng mga Romanong lehyonaryo noong malakihang paglawang ng imperyo sa mga bansa ng Europa. Sa nakaraang 2,000 taon nakapaggawa ang bawat bansa ng sari-sarili nitong mga syomay, at ang sinaunang niyoki ang iisang pinagmulan nilang lahat. Noong panahong Romano, gawa ang niyoki sa isang malalugaw na masa ng semola na hinaluan ng mga itlog, at matatagpuan pa rin ang mga magkasintulad na anyo sa panahong ito, partikular na sa Sardegna. Ang isang anyo, ang gnocchi di pane (lit. "niyoki na gawa sa tinapay"), ay gawa sa giniling na tinapay at popular sa Friuli at Trentino-Alto Adige. May pagkakamakailan lamang ang paggamit ng patatas, na nangyari lamang pagkatapos unang maipasok ang patatas sa Europa sa ika-16 dantaon.

Kinakain ang mga niyoki bilang mga pampagana (primo piatto) sa Italya o bilang mga alternatibo sa mga sabaw o pasta.

Mabibili ang niyoki bilang tuyo, nakayelo, o sariwa sa mga supermarket o malalaking pamilihan at sa mga tindahan ng mga pinagdalubhasaang Italyano. Nasasama sa mga klasikong katapat ng niyoki ang sarsa ng kamatis, pesto, at tunaw na mantekilya (na minsa'y piniprito) at keso.

Mga sanggunian

Tags:

ArinaLuglog (sangkap)PatatasSiyomayTinapayWikang ItalyanoWikang Kastila

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

TalumpatiParagisKapulungan ng mga Kinatawan ng PilipinasBatas militar sa ilalim ni Ferdinand MarcosTeknikal na pagsulatUnited KingdomEkonomikaGumamelaGabinete ng PilipinasInplasyon (presyo)Nicanor AbelardoAghamTeoryaPamahalaan ng PilipinasMarie AntoinetteSaudi ArabiaTalasalitaanSalinta MononTagu-taguanNoli Me Tángere (nobela)Corazon AquinoKarahasanPanaguriMga NegritoMelchora AquinoJohn LockeDasalan at TuksuhanMariano PonceEbolusyon ng taoSun Yat-senRomaSamahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang AsyaMuhammad Dipatuan KudaratEpikoAnekdotaWikang KastilaAnnalizaPrinsipyoIbong AdarnaHukbong Himpapawid ng PilipinasPalakasanAspinPabulaVice GandaMary WollstonecraftGregorio del PilarLeo EchegarayÑMga wika sa PilipinasFanny GarciaEkonomiya ng PilipinasKomonwelt ng PilipinasKomiksBatangasMga Tao ng PalawanPagsusuriPangasinanCamarines SurAd hominemTayutayPamahalaanJake ZyrusPamamanhikanMahabharataVasco da GamaSigaw ng Pugad LawinPagkamakabansaKuliglig (Cicadidae)Manuel RoxasPagpapatalastasDambanang AguinaldoHesusHimagsikang PilipinoGeorge WashingtonMichelangelo BuonarrotiKagawaran ng Repormang PansakahanPolitikaKaragEbolusyon🡆 More