Lipad 17 Ng Malaysia Airlines

Ang Lipad 17 ng Malaysia Airlines (MH17/MAS17) ay ang nakatakdang biyaheng panghimpapawid mula Amsterdam hanggang Kuala Lumpur na sinasabing tinira ng isang misilong panlupa-hanggang-himpapawid (surface-to-air missile) noong 17 Hulyo 2014 malapit sa Hrabove sa Donetsk Oblast, Ukranya, sa 40 km (25 milya) mula sa hangganan ng Ukranya at Rusya.

Lahat ng mga 283 pasahero at 15 tripulante nitong eroplanong Boeing 777 ay nasawi. Bumagsak ang eroplano sa kinagaganapan ng digmaan sa Donbass.

Malaysia Airlines Flight 17
Lipad 17 Ng Malaysia Airlines
9M-MRD sa Paliparang Leonardo da Vinci–Fiumicino noong Oktubre 2011
Buod ng Aksidente
Petsa17 Hulyo 2014
BuodKasalukuyang iniimbestigahan
LokasyonMalapit sa Hrabove, Donetsk Oblast, Ukranya
48°7′56″N 38°39′19″E / 48.13222°N 38.65528°E / 48.13222; 38.65528
Pasahero283
Tripulante15
Namatay298
Nakaligtas0
Tipo ng sasakyanBoeing 777-200ER
TagapamahalaMalaysia Airlines
Rehistro9M-MRD
Pinagmulan ng lipadPaliparang Schiphol ng Amsterdam
DestinasyonPaliparang Pandaigdig ng Kuala Lumpur

Bagaman hindi pa ganap na matukoy ang kadahilanan ng pagbagsak, marami ang nagsasabi na ito ay sinadyang tinira. Ayon sa tagapayo ng Ministro ng Interyor ng Ukranya na si Anton Gerashchenko, tinira ang eroplano sa taas na 10,000 metro (33,000 talampakan) ng isang misilong panlupa-hanggang-himpapawid na Buk. Tinawag ang insidenteng ito ng Pangulo ng Ukranya na si Petro Poroshenko na isang "kagagawan ng terorismo". Bilang tugon, inakusahan ng mga rebeldeng panig sa Rusya ang pamahalaan ng Ukranya ng pagpapasabog sa eroplano. Sinabi ng ahensyang panseguridad ng Ukranya na nakakalap sila ng dalawang pakikipagtalastasan sa telepono kung saan tinalakay ng mga rebelde ang pagpapasabog ng isang sibilyang eroplano kasama diumano ang mga opisyal ng intelihensiya ng Rusya. Sinabi naman ng Ministro ng Tanggulan ng Rusya na ang sistemang misilong Buk ng Ukranya ay gumagana sa lugar kung saan bumagsak ang eroplano ng Malaysia. Sinabi naman ng mga opisyal ng intelihensya ng Estados Unidos na ang eroplano ay pinabagsak ng isang misilo, at mayroon diumano silang "malakas na ebidensiya" na ito ay pinalipad mula sa teritoryo ng mga rebelde.

Ang pagbagsak ng eroplanong ito ay pangalawa na sa mga trahedya ng Malaysia Airlines ngayong taon, at ito ang kanilang trahedya kung saan mayroong pinakamaraming nasawi. Noong 8 Marso, biglang naglaho ang Lipad 370 habang papuntang Beijing galing Kuala Lumpur, at hanggang ngayon ay hindi pa ito nakikita. Ito rin ang pagbagsak ng isang Boeing 777 na may naitalang pinakamaraming nasawi.

Kasama sa mga nasawi ay ang humigit na 100 na dadalo sana sa isang Pandaigdigang Pagpupulong sa AIDS sa Melbourne, Australya, kabilang na ang respetadong mananaliksik na si Joep Lange na dating pangulo ng Pandaigdigang Samahan sa AIDS (International AIDS Society). Kasama din sa nasawi ay ang 188 mga Olandes at tatlong mag-iinang Pilipino.

Mga sanggunian

Tags:

AmsterdamDigmaan sa DonbassKuala LumpurMalaysia Airlines

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

BatasFacebookMonarkiyang konstitusyonalAtisPaghahari-harianAnahawPatakarang bukas na pintoAbogadoDindo FernandoSarsuwelaLambingPananakop ng mga Hapones sa PilipinasPanunuholPasismoPatutotGMA NetworkKasaysayanMoralidadJose P. LaurelPaglilingkod sa pamayananKapangyarihang Alyados (Ikalawang Digmaang Pandaigdig)Seksuwal na panliligaligEstadoSagisag ng Republika ng PilipinasBahaHimala (pelikula)TsartNoli Me TangereLakandulaRomeo at JulietaReporma sa lupaSultanato ng MaguindanaoPanggagahasa sa PilipinasPananahiBata, Bata...Pa'no Ka Ginawa?Jaime L. SinTalaan ng mga lungsod at bayan sa PilipinasMonarkiyaSasakyang panghimpapawidDigmaang Sibil ng EspanyaSangguniang BarangayTaguigIglesia ni CristoKalikasanDinamika (musika)PamayananMelchora AquinoDigmaang KoreanoTaripaSistemang padrinoIndioAnemiaAnak (pelikula)Talaan ng mga Kabanata sa Noli Me TangereAgusan del SurDouglas MacArthurXXXTentacionYouTubeDamdaminBuod (paglilinaw)YantokKabiseraPangasinanSayaw sa ObandoKalabawBituinKadayawanSalapiBarangayPanahonNobelang PilipinoPandanggoKagawaran ng Paggawa at EmpleoLagariKorupsiyonPananampalataya🡆 More