Leon Guinto

Si Leon Gawaran Guinto Sr.

Higit siyang nakilala bílang alkalde ng Maynila noong panahon ng digmaan.

Leon Guinto
Alkalde ng Maynila
Nasa puwesto
27 Enero 1942 – 17 Hulyo 1944
Bise AlkaldeHermenegildo Atienza (1942−1944)
Nakaraang sinundanJorge B. Vargas
Sinundan niHermenegildo Atienza
Kagawad ng Kapulungan ng mga Kinatawan mula ikalawang distrito ng Tayabas
Nasa puwesto
1925–1931
Nakaraang sinundanRafael R. Vilar
Sinundan niMarcelo T. Boncan
Gobernador ng Quezon
Nasa puwesto
30 Disyembre 1955 – 30 Disyembre 1959
Nasa puwesto
1931–1933
Pansariling detalye
Ipinanganak
Leon Gawaran Guinto

28 Hunyo 1896(1896-06-28)
Bacoor, Cavite, Captaincy General of the Philippines
Namatay10 Hulyo 1962(1962-07-10) (edad 66)
Maynila, Pilipinas
HimlayanManila South Cemetery
Partidong pampolitikaKALIBAPI
AsawaMarta Montes
Anak3
Alma materColegio de San Juan de Letran
Trabahopolitiko

Panimulang búhay

Ipinanganak si Guinto noong 28 Hunyo 1896 kay Juan Guinto at Pia Gawaran sa Barrio San Nicolas, Bacoor, Cavite. Nagtapós siya ng pag-aaral sa Colegio de San Juan de Letran. Una siyang nagtrabaho sa Kawanihan ng Panahon. Ikinasal siya kay Marta Montes na taga-Atimonan, Tayabas at nagkaroon ng limang supling, tatlong lalaki, at dalawang babae.

Noong 1916, nilisan niya ang kaniyang trabaho sa Kawanihan ng Panahon upang mag-aral ng batás sa Escuela de Derecho, at noong 1920 naging ganap na abogado. Matapos noon, nakapagtrabaho siya bílang pribadong kalihim ni Manuel L. Quezon na Pangulo ng Senado.

Paglilingkod sa pamahalaan

Panahon ng mga Amerikano

Makaraang manungkulan sa maikling panahon bílang pribadong kalihim ni Manuel Quezon, tumakbo noong 1922 si Guinto bílang kagawad ng Lupong Panlalawigan ng Tayabas, ang pinanggalingang lalawigan ng kaniyang asawang si Marta Montes.

Noong 1925, kumandidato si Guinto bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Tayabas sa Kapulungan ng mga Kinatawan. Kaniya itong napanalunan at nanungkulan sa naturang posisyon sa loob ng anim na taon hanggang 1931.

Nahalal siya bílang gobernador ng Tayabas noong 1931, ngunit napaikli ang kaniyang termino nang siya'y hirangin ni Gobernador Heneral Theodore Roosevelt Jr. bilang Komisyonado ng Kaligtasang Pambayan. Bandang hulí ng 1933, hinirang siya ni Gobernador Heneral Frank Murphy bílang pangalawang kalihim ng Kagawarang Interyor. Noong 1934, nang ipinagsanib ang kagawaran ng Interyor, at ng kagawaran ng Paggawa, nagpatuloy si Guinto bilang pangalawang kalihim sa naturang magkasanib na tanggapan.

Panahong Komonwelt

Noong 1940, hinirang si Guinto bilang Kalihim ng Paggawa sa pamahalaang Komonwelt ni Pangulong Manuel L. Quezon.

Mga sanggunian

Tags:

Leon Guinto Panimulang búhayLeon Guinto Paglilingkod sa pamahalaanLeon Guinto Mga sanggunianLeon GuintoIkalawang digmaang pandaigdigKomonwelt ng PilipinasLingkod bayanPilipinas

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

MapilindoGraciano López JaenaGloria Macapagal ArroyoAgrikulturaZoroastrianismoTukoSagisag ng Pangulo ng PilipinasPandemyaBulkang TaalBuhayMabalacatTalaan ng mga artista sa PilipinasParokya ni EdgarTeorya ng realismoGlobalisasyonHabeas corpusDaliri sa kamayTeleseryeDuke ng WellingtonEstadistikaHesusGregorio del PilarKapitalismoAng LadladPetrarcaPagsusulatRamon ObusanOryentasyong seksuwalTalaan ng mga lungsod at bayan sa PilipinasUnang KrusadaNingas-kugonMaynilaImpraestrukturaCalamba, LagunaLipunanTradisyong-pambayan ng IndiaBalagtasanBadjaoImpeksiyon sa daanan ng ihiReporma sa lupaRebelyon ni DagohoyKultura ng PilipinasAng mga Paglalakbay ni Marco PoloLipa, BatangasImplikasyonPangangatwiranTahananBalbalMarcelo H. del PilarGenoveva Edroza MatuteFlorante at LauraPantigEbolusyonCaintaJessica SohoCebuTrangkasoBuod (paglilinaw)KaragBatangasSistemang panghukumanBanaag at SikatPanlapiGitnang LuzonAd hominemBatas Republika Bilang 9165 ng PilipinasSaudi ArabiaHudaismoAAAIkalawang Digmaang PandaigdigBangkong PandaigdigSinturong pangkaligtasanNelson MandelaIdeolohiyaSanggunian🡆 More