Ang bini, hinhin, yumi, mababang-loob, pakumbaba, hiya, o kimi (Ingles: modesty) ay pamantayang kasama sa mga aspeto ng kultura ng isang bansa o mga tao, na nasa isang ibinigay na kapanahunan, at isang sukatan ng paghahatol o paghuhusga sa isang indibiduwal ng isang lipunan.
Maaaring maipadama ang pagkamahinhin, kahinhinan, pagiging mahinhin, kabinian, kabinihan, pagiging mabini, kayumian, pagiging mayumi, pagkamababang-loob, kababaang-loob, pagkamapagpakumbaba, kapakumbabaan, pagiging mapagkumbaba, pagkamahiyain, pagiging mahiyain, pagkakimi, pangingimi, kakimian, kaigihan, kainaman, katamtaman, katatagan, pagiging disente, kadisentehan, o pagiging hindi palalo sa interaksiyong panlipunan sa pamamagitan ng komunikasyon na may paraang nagpapamalas ng kaamuan (kababaan ng loob), kaumiran (pagkamahiyain), o pagkapayak (simple, kasimplehan).
Kabilang sa pangkalahatang mga elemento ng kabinian ang mga sumusunod:
Ang pangalawang pagpapahayag ng kabinian, na nakahiwalay mula sa komunikasyon at pakikiharap na pantao, ay mas nakatuon sa pang-unawang panloob ng kahigitan o kalamangan at maaaring ipadama sa sumusunod na mga kaparaanan:
Nangingibabaw sa plataporma ng lipunan ang kabinihang pangkatawan o pisikal. Kung minsan, sinusubukan ng mga moda at pansamantalang mga uso ang limitasyon o hangganan ng mga pamantayan ng kabinihan ng pamayanan. Ang mga tao ay maaaring malantad sa pamumuwersa ng mga kasamahang kauri, upang makibagay sa mga pamantayang pampamayanan o paghamak sa mga pamantayang ito. Ang mga pamantayang pampamayanan ng kabinihan ay maaaring hatid ng isang pakiramdam ng pangingibabaw, na kaiba sa ilang mga kahulugan ng kabinihan.
Kabaligtaran ng kabinihan ang pagkamasagwa, kasagwaan, kagaslawan, pagkamahalay, kahalayan, kabastusan, malaswa, mahalay, bastos, kalanyaan, o hindi mahinhin.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Sikolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wiki sa pagpapalawig nito.
This article uses material from the Wikipedia Tagalog article Bini, which is released under the Creative Commons Attribution-ShareAlike 3.0 license ("CC BY-SA 3.0"); additional terms may apply (view authors). Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit. Images, videos and audio are available under their respective licenses.
®Wikipedia is a registered trademark of the Wiki Foundation, Inc. Wiki Tagalog (DUHOCTRUNGQUOC.VN) is an independent company and has no affiliation with Wiki Foundation.