Aklat-Pampaaralan

Ang aklat-pampaaralan o aklat-aralin (Aleman: Lehrbuch, Pranses: manuel scolaire, Kastila: libro de texto, Ingles: textbook o coursebook) ay isang manwal o aklat ng mga pagtuturo, direksiyon, paggamit, krokis, aral, aralin, tagubilin, o mga pag-iwi sa anumang mga sangay ng pag-aaral.

Ang mga aklat-aralin ay nililikha ayon sa pangangailangan ng mga institusyong pang-edukasyon. Bagaman ang karamihan ng mga aklat-pampaaralan ay inilalathala lamang na nasa anyong nakalimbag, marami na sa ngayon ang makukuha mula sa Internet bilang mga e-book o elektronikong mga aklat at dumarami, bagaman labag sa batas, na nasa pormatong ini-scan na nasa mga network na nagsasalu-salo ng mga talaksan.

Ang aklat-pampaaralan ay isang aklat na ginagamit para sa pag-aaral ng isang paksa. Ginagamit ito ng mga tao upang makaalam ng mga katotohanan at mga pamamaraan na patungkol sa isang partikular na paksa. Kung minsan, ang mga aklat-aralin ay mayroong mga tanong upang masubukan ang kaalaman at pagkaunawa ng isang nag-aaral.

Ang aklat panggawain o aklat-sanayan (Aleman: Arbeitsmappe, Ingles: workbook) ay isang uri ng aklat-aralin na mayroon lamang ng mga nilalamang katanungan at mga ehersisyo. Idinisenyo ang mga aklat-gawain o aklat na pangsanay hindi upang makapagturo subalit upang makapagbigay ng pagsasanay at upang mabigyan ng diin ang mga pook na nangangailangan ng mas dagdag na pagkatuto o pag-aaral. Ang gabay sa rebisyon (Ingles: revision guide) ay isang uri ng aklat-aralin na ginagamit upang ipaalala sa nag-aaral ang hinggil sa paksa at bigyan siya ng karagdagang pagsasanay, natatangi na sa panahon bago sumapit ang araw ng isang pagsusulit o eksaminasyon.

Ang aklat-pampaaralan ay maaaring ipahiram ng mga paaralan sa kanilang mga mag-aaral bilang patnubay nila sa isang kursong itinuturo ng paaralan. Kung minsan, natatangi na ang sa pamantasan, ang mga estudyante ay kailangang bumili ng mga aklat-aralin na kailangan nila o kaya ay humiram mula sa isang aklatan.

Wiktionary
Wiktionary
Tingnan ang Aklat-pampaaralan sa
Wiktionary, ang malayang talahulugan.

PanitikanEdukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan at Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wiki sa pagpapalawig nito.

Tags:

Internet

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

Daniel PadillaWency CornejoTalampasKawalang trabahoKalayaan sa pananalitaHuwaranDiperensiyang narsisistiko na personalidadVice GandaPartido Komunista ng TsinaKalabawPulisyaPantayong pananawValenzuelaPandanggoTalinghagaSalawikainJosé de la CruzPagkamakabansaMga katutuboEspanyaBalagtasanKabiseraUnang Digmaang PandaigdigDekada '70 (nobela)Noli me tangere (parilala)SalapiJaime L. SinGaslightingMoralidadDatuJovito SalongaBundokBangusGregoria de JesusKomisyon sa Mas Mataas na EdukasyonEat Bulaga!KonstruksiyonPatolaProduksiyon ng bigas sa PilipinasMag-aaralRusyaGubatParagisSamahan ng mga Bansa sa Timog-Silangang AsyaPaglilimbagPabula24 OrasRodrigo DuterteIskwalang panubokSenado ng PilipinasKomprehensibong Programa sa Repormang PansakahanTsinaPandemya ng COVID-19Leonor RiveraTekstoOrasanPantabanganTalaan ng mga bagyo sa PilipinasNagkakaisang BansaTalaan ng mga Pangulo ng PilipinasDatosKultura ng PilipinasTulinganKarl MarxKristiyanismoBaboyKalinisang-puriKampanya laban sa iligal na droga sa PilipinasHiroshima Peace MemorialTurismoInternetQuezonKabitePagkalulong sa bawal na gamotSaranggolaPangasinanGliceria Marella de Villavicencio🡆 More