Thor Heyerdahl

Si Thor Heyerdahl (6 Oktubre 1914, Larvik, Noruwega – 18 Abril 2002, Colla Micheri, Italya) ay isang Noruwegong etnograpo at adbenturero na mayroong kaalaman sa soolohiya at heograpiya.

Naging tanyag siya dahil sa kaniyang ekspedisyong Kon-Tiki, kung kailan naglayag siya ng 8,000 km (5,000 mi) sa pagtawid sa Karagatang Pasipiko habang nakasakay sa isang balsang siya ang may-gawa, magmula sa Timog Amerika hanggang sa Kapuluang Tuamotu noong 1947. Ang expedisyon ay idinisenyo upang ipamalas na ang sinaunang mga tao ay maaaring nakagawa ng malayuang mga paglalakbay sa dagat, na nakalikha ng mga pakikipag-ugnayan sa pagitan ng tila magkakahiwalay na mga kultura. Naiugnay ito sa isang modelong dipyusyonista ng pag-unlad ng kalinangan. Sa paglaon, gumawa pa si Heyerdahl ng iba pang mga paglalakbay na idinisenyo upang maipakita ang posibilidad ng pakikipag-ugnayan sa pagitan ng malawakang napaghiwalay na sinaunang mga tao. Naitalaga siya bilang iskolar ng pamahalaan noong 1984.

Thor Heyerdahl
Thor Heyerdahl
Kapanganakan6 Oktubre 1914(1914-10-06)
Larvik, Noruwega
Kamatayan18 Abril 2002(2002-04-18) (edad 87)
Colla Micheri, Italya
NasyonalidadNoruwego
NagtaposPamantasan ng Oslo
Karera sa agham
LaranganEtnograpiya
Pakikipagsapalaran
Doctoral advisorKristine Bonnevie
Hjalmar Broch

Noong Mayo 2011, ang Mga Arkibong Thor Heyerdahl o Thor Heyerdahl Archives ay naidagdag sa Rehistro ng "Alaala ng Mundo" ng UNESCO. Noong panahong iyon, ang talang ito ay nagbibilang ng 238 na mga kalipunan magmula sa lahat ng mga bahagi ng daigdig. Ang Mga Arkibong Heyerdahl ay sumasakop sa mga taon ng 1937 hanggang sa 2002 at kinabibilangan ng mga kalipunang potograpiko (may mga larawan), mga talaarawan, mga plano ng ekspedisyon, mga artikulo, mga clipping o mga ginupit na mga artikulo mula sa mga pahayagan, mga orihinal na mga manukrito ng aklat at pang-artikulo. Ang Mga Arkibong Heyerdahl ay pinangangasiwaan ng Museong Kon-Tiki at ng Pambansang Aklatan ng Noruwega sa Oslo.

Mga sanggunian

Tags:

AdbentureroEtnograpoHeograpiyaItalyaKapuluang TuamotuKaragatang PasipikoKon-TikiNoruwegaSinaunang mga taoSoolohiyaTimog Amerika

🔥 Trending searches on Wiki Tagalog:

TekstoPelikulang PilipinoReporma sa lupaFelix Resurreccion HidalgoIkalawang Republika ng PilipinasGuillermo TolentinoDiary ng PangetHumanismoHatirang pangmadlaPanahon ng KaliwanaganDekada '70 (pelikula)Mga dinastiya sa kasaysayan ng TsinaPang-ukolFernando Poe Jr.Karahasan laban sa kababaihan sa PilipinasEhekutibong sangaySoberanyaArkiduke Franz Ferdinand ng AustriyaPagmiminaAnyong lupaMaria MakilingIbong AdarnaKarapatang pantaoTelebisyonPaggalangHenry HudsonPang-aabusong seksuwalKongreso ng PilipinasShotaconWikang TagalogPagkainAgusan del SurPaaralanDamdaminDulaAtomoManggaMoro-moroBenigno Aquino Jr.Gawad sa Manlilikha ng BayanTalaan ng mga kabanata sa Noli Me TangereKelly OsbourneTeleseryeChristopher ColumbusAti-AtihanInplasyon (presyo)Unang KrusadaMiriam Defensor–SantiagoPilipinasVic SottoTanayDeogracias RosarioEmilio AguinaldoEpektong greenhouseBayagMga NegritoPananaig ng batasApdoPag-ibig sa Tinubuang LupaUgandaKabuuang domestikong produktoMakroekonomiyaPalaisipanKalabawKatotohananPanaginipMIMAROPAPambansang wikaPakikipag-ugnayan sa ibang taoJawaharlal NehruGiovanni BoccaccioEkonomiya ng PilipinasFidel V. RamosParlamentoSitaWatawat ng PilipinasMargarito TevesUnited Kingdom🡆 More